Valerina
"Magdahan-dahan ka, hija, hindi ka nauubusan," medyo natawang wika ni manang.
Nandito ako sa kusina kung saan ay kumakain ako ng mangga na sinawsaw sa prinitong alamang. Ang apat naman ay nasa kaniya kaniya pang trabaho.
Nang maubos ko ang isa pang mangga ay hindi na uli ako nagbalak na mumuha pa uli. "Manang, pwede niyo po ba akong kwentuhan tungkol sa kanila?"
"Ang apat ba ang tinutukoy mo?" tumango ako. Himinga muna siya ng malalim bago nag umpisa.
"Madaling araw na kung umuwi ang apat na 'yon noon. Masiyado kasi silang nagbababad sa opisina."
"Hanga ako sa kanila dahil ni minsan ay hindi sila nagdala ng babae rito. Ikaw lang ang nauna at gusto kong wala ng dadagdag pa maliban sa batang magiging prinsesa."
"Kung tungkol naman sa mga magulang nila ay kumpleto sila. 'Yun ngalang ay noong highshool pa sila ay nag plano na silang bubukod sa mga magulang nila. Saksi ako kung paano nila nakamit ang buhay na meron sila ngayon." Masaya niyng kwento.
"Oo mainitin ang mga ulo nila, pero alam naming lahat dito na normal na sakanila ang pagiging malamig ang boses at nakakatakot na awra. Nakilala ko ang apat noong mga elementarya pa lamang sila, sobrang tatag ng kanilang samahan."
"Ngunit isang araw, ang limang tao ay naging apat nalang, dahilan para maging ganiyan ang mga ugali nila. Masiyahin silang lima noon. Hindi mo makikita ang problema dahil nakakalimutan nila ito pag magkakasama sila."
"Dahil mataas ang estado nila sa buhay ay ang kalat na balita na tungkol sa isa pa nilang kaibigan na pinatay ng mga kalaban sa business. Kawawang bata hindi pa nakakapag kolehiyo at naaabot ang pangarap ngunit kinuha na siya ng diyos." May pait na kwento niya.
"Pagkatapos ng insidentemg 'yon ay hindi ko na muling nakita ang apat. Balita ko ay bumalik na sila sa ibang bansa. Hindi ako kasambahay na kahit sino sa pamilya ng lima. Isa lamang akong ina-inahan nila noong elementarya sila."
"Nakilala ko sila dahil noong bago namatay ang namatay nilang kaibigan ay muntik na itong masagasaan. 'Yun pala ay sadya ito at sign na dapat mag ingat na sila. Kaya 'yon na ang araw na nakasama ko ang lima."
"Hanggang sa pitong taon na walang paramdam ang apat ay may kumatok sa pinto ng aking munting tahanan, 'yun ang apat na lalaking matagal ko nang gustong makita na tinuring kong anak." may butil na ng luha na kwento niya.
"Ang kwento sa akin ni Mat ay doon daw nila pinagpatuloy ang pag aaral nila sa ibang bansa at para na rin maka move on sila sa nangyari sa kaibigan. Masaya ako noong nakita ko muli sila, sinabi nila na binalikan ako at pinagmalaki pa nila ang Mansiong ito na sarili nilang sipag at tyaga galing."
"Kaya para sa akin ay masaya na ang kaibigan nila na natupad na ang kani- kanilang pangarap kahit na hindi na siya kasama."
"Haish, tama na ang drama. May gusto ka pa bang gawin o kainin?" tanong niya. "Pagtripan at inisin po ang apat hehe."
"Natutuwa ako at hindi naiinis sa ginagawa mong 'yan, kahit papaano ay nakita ko na ang dating ngiti nila."
"If you don't mind manang, ilang taon na po kayo, hehe," curious talaga ako, matagal na.
"59 palang ako," nagulat ako sa sagot niya. Hindi pa pala siya señor citizen?
"Alam kong nagulat ka pero 'yun talaga ang edad ko," nakangiting wika niya.
"Ipagtimpla muna kita ng gatas, pero mamaya mo na 'yun iinomin dahil mangga ang kinain mo," tumango ako at gumawi na siya.
Ano kayang pwedeng gawin? isip isippp. ahuh! magtatahi nalang ako hehe. Isa 'yun sa natutunan ko sa loob ng ampunan dati. Tama tama.
BINABASA MO ANG
The Daughter Of Four Billionaires
CasualeSi Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kaya't napilitan siyang ibenta ang mga gamit na naiwan ng kaniyang mga magulang. Apat na bilyonaryo at...