44

216 8 1
                                    


VALERINA

Hindi ko nanaman maintindihan ang ugali ng apat ngayon. Simula noong isang araw ay naging seryoso nanaman ang mga mukha. Hindi naman sila inaaano. At hindi ko alam kyng bakit pari si Jasper ay nagiging balisa na rin.

"Care to share?" sabi ko kay Mat dito sa backyard gabing gabi na pero nandito pa rin siya. Dahil mag isa lang siya at alam kong ang lalim ng iniisip niya.

"Huh? Wala 'yon, nakatulog na si Valerie?" Changing topic nanaman.

"Oo, kakatulog lang. Tell me, anong nangyayari?" Tanong ko kay Mat, i know there's something wrong.

"Kilala mo na talaga ako," ngiti niyang ani kaya napa tahimik ako.

"Hmm, paano ko ba sasabihin sa'yo ito. Paano ko ba sisimulan?" Tanong niya, alam kong hindi niya talaga alam kung paano.

"Can you still accept us after you heard what will i tell you?" Gulat ako dahil sumulpot sa likod si Ghil at inakbayan ako.

"Anong bang meron?" Nagkatinginan silang dalawa na alam kong nag uusap sila sa mata sa mata.

"Naalala mo ba noong nahimatay ka?" Tanong ni Mat kaya inalala ko 'yon.

"Sa airport ba ang tinutukoy mo?" Tumango silang dalawa.

"Oo naalala ko, anong meron doon?"

"Not now," mag sasalita na sana si Mat pero may sumulpot. Si Darius lang pala na kasama si Luis. Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Darius at humarap sa kanilang apat.

I know this is the right time, ayaw ko ng mag tanim ng mga tanong sa utak ko, mamaya lumaki at hindi ko mapanindigan. Sensitibo man itong mga nasa utak ko pero gusto kong matapos na.

"Alam kong hindi niyo sasabihin pero gusto ko lang sabihing handa ako sa mga mangyayari at maririnig ko," huminga ako nang malalim at nagpatuloy, yumuko ako at muling humarap sa kanila.

"Lalo ka na Darius, alam kong gusto mo lang kaming protektahan ni Valerie. Pero pagod na akong sarilihin ang mga nasa loob loob ko," naalala ko nanaman ang mga recently na panaginip ko.

"Ayaw kong wala akong ginagawa, ayaw kong nagiging inosente ako," pag lakas loob kong ani. Pinindot ko ang maliit na kung ano sa earings ko kaya may lumapit na mga body guard.

"Pwede po bang pakikuha ang yellow na envelope sa table ng sala?" utos ko kay kuya Andy kaya tumango ito. Nang maka balik ay pinasara ko sa kanila ang slide door ng backyard. Alam kong magiging sensitibo ang usapan namin.
Binigay ko kay Darius ang envelope at curious niya akong tinignan.

"Bago ko natanggap 'yan ay napanaginipan ko na siya. Aminin kong nagulat at nadismaya ako sa ginawa niya. Aminin kong nalungkot ako dahil nag-sinungaling kayong nag bakasyon lang si Khean."

"Valerina," tawag ni Ghil.

"Isang tanong isang sagot, mag kwe-kwento kayo o hindi?" wala akong natanggap na sagot. I guess hindi pa sila handa. Tumango ako, "mag pahinga na kayo, mauuna na ak-"

"Nagpaparamdam nanaman sila."

"Luis!" ani nilang tatlo kay Luis.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon