11

347 7 0
                                    

Valerina

"Ingat!" paalam ko sa apat dahil papasok na sila sa kani-kanilang trabaho. Sana ako rin, na mimiss ko nang magtrabaho.

Pero ang problema ko? tinatamaddd akooo (T_T) help me. Katulad nalang ngayon, kahit pa nakapag paalam na akong lalabas, ang ending ay tinatamad ako.

Habang kumakain ako rito sa labas ng Mansion, oo sa labas ng Mansion hwag kayong ano, ano namang masama diba?

Trip ko 'yun, at walang basagan ng trip. May lumapit sa akin na naka salamin, naka black sita mula ulo hanggang paa. Ano siya fan ni Darius?

Wala namang patay ah, tsaka teka, paano siya naka lusot sa chekecheke point point ng Mansion?

Dahil gusto kong malaman kung sino siya ay, "pwede po bang kumuha kayo ng makakain ko sa loob? 'yung mangga ho sana na may alamang," sakto naman ay dalawa lang ang bantay ko.

Inutusan kasi ni Mat 'yung apat na ewan ko kung nasaan na ngayon. "Oh kuya, bakit naiwan ka?"

"Wala po kayong kasama rito-"

"Okay lang ho ako, sige na po, kaya ko po ang sarili ko. At saglit lang naman po kayo eh, maghihintay na lamang ako."

Tumango ito at nang maka alis siya ay tama nga ang hinala niya, lumapit ang lalaking kanina pa nakamanman sa Mansion.

"Gusto kong ibigay mo 'to kay Darius Mosais, ikaw ba ang bago niyang mahal?"

"Bagong mahal? hindi po, kapatid ang turing ko sa kaniya, teka nga kuya sino po ba kayo?" hindi niya ako sinagot bagkus ay tumakbo na ito palayo. Saktong pagdating ng mga body guard ko na dala ang pinadala ko.

"Salamat po," hindi ko pinahalata na may nangyari. Tinago ko na rin sa likoran ko ang box na hindi naman kalakihan.

Nang matapos ako ay pumasok na ako sa Mansion at nagtungo sa sala. Tinago ko muna sa likoran ko kahit na naka upo pa rin ako ang box na binigay ng lalaki kanina.

"Ikaw ba ang bago niyang mahal?"

"Ikaw ba ang bago niyang mahal?"

"Ikaw ba ang bago niyang mahal?"

"Ikaw ba ang bago niyang mahal?"

Anong ibig niyang sabihin? may past si Darius? ayaw ko namang buksan ang kahon dahil naka tape pa ito.

Kung may ex girlfriend si Darius, nagtagal kaya sila? ay gago! hindi ka chismosa, don't!

Pero diba? may magtatagal sa ugali niya? pero sabagay baka mas kilala talaga ng babae si Darius kesa sa akin, aba malamang ayaw kong maki chika no.

Pero ano naman kung may bago na si Darius, big deal kay manong? ang isa ko pang tanong, konektado ba si kuyang black kela Darius.

Wah! ang hirap naman maging curious lagi! pero ano bang laman ng box na 'to, baka naman bomba or prank 'to? jusq lagot talaga sa akin ang black na lalaking 'yun pag walang laman 'to.

Lumipas ang ilang oras pero naboboryo  ako kaya't ang ending ay gumala gala nalang ako sa Mansion. Napadpad ang mga paa ko rito sa may taniman ng kung ano-anong pwedeng matanim.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon