3rd Person's POV"Nagmamagaling ka kasi, paano ka makakapasok sa school kung ganiyan ang lagay mo?" sermon ni Vern kay Jasper. Tapos na ang isang araw na pahinga ni Jasper kaya heto siya ngayon, iniisip kung paano makaka lusot sa sermon ng mga kuya niya. Dahil makakalimutin si Vern ay hindi niya alam na bakasyon ni Jasper.
"Gusto mo talagang tumanda ako nang maaga," dugtong niya pero nagsi-
tinginan ang lima at nagtawanan. Dahil iisa lang ang nasa isip nila."Kuya, matanda ka na talaga, hindi mo lang tanggap," tawang sabi ni Andy at nahinto ito noong nakatanggap siya ng batok mula kay Vern.
"Gago ka talaga," natatawang sabi ni Dante kaya nagtawanan nanaman sila pero naka poker face lang si Vern, nahinto lamang sila noong pumasok ang dalawa nilang boss, si Luis at Mat, kasama na ang batang si Valerie
"Kuyaaa," ngayon lang kasi nakita ni Valerie uli si Jasper dahil ayaw pa talaga niyang magpakita sa bata dahil sa lagay niya. Buti nalang ay naka damit na si Jasper kaya hindi makikita ang sugat niya sa tagiliran.
"Hi, miss mo naman agad ako," natatawang sabi ni Jasper pero umiling ang bata. Nasimangot naman ang mukha ni Jasper at nagpipigil ng tawa ang mga kasama niya.
"Eh bakit mo ako tinatawag?"
"Let's play na po!" aya ng bata kaya napakunot ng ulo ang mga kasama nila.
"Why aren't you inviting us?" tanong ni Luis sa anak.
"Am I?" inosenteng ng bata kaya lalong napakunot ang noo ng mga tatay niya na naka sulpot na rin ang dalawa pang ama.
"Valerie?" tanong ni Darius sa anak.
"Joke hehe," inosenteng sabi ni Valerie kaya napasampal sila sa mga noo nila.
"Na isahan ka dun boss," asar ni Dante kay Matt na imbes akala niyang matutuwa siya, ang sama ng tingin ni Matt.
"Tigilan mo ako," natawa tuloy sila dahil sa ginawa ni Matt. Hindi naman siya ganiyan ka seryoso pero pagdating talaga sa anak ay seryoso siya.
Ilang linggo rin bago bumalik sa normal na galaw si Jasper, naka uwi na rin si Manang. Ayaw pa sanang iuwi ng apat dahil nagaalala sila ngunit makulit ang matanda. Ngayon naman ay mag isa si Jasper sa bukid kung saan madalas tumambay ang ate Valerina niya.
"Ate, malapit na ako't mamatay lahat lahat, hindi ka pa rin nagpaparamdam sa amin. Ate, aminin ko man o hindi, miss na kita. Nagaalala na ako dito. Gusto na kitang makita, gusto ko nang mayakap ka at sabihin sa'yo ang mga saloobin ko." Hindi na napigilan ni Jasper ang pag iyak.
"Ate naman, kahit anino mo lang, please naman. Miss ko na yung mga ngiti mo, yung ingay mo, sermon mo. Ate, hindi ko na rin alam ang ipapalusot ko kay Valerie."
"Ang tagal mo nang wala pero hindi pa rin ako sanay, alam mo bang ikaw palagi ang iniisip ko sa tuwing nakikita ko si Valerie o di kaya'y pag hindi ko na alam kung saan ako magsasabi nang mga saloobin ko."
"Miss na miss na kita ate ko," at doon niya na inilabas ay iyak na ninanais niya.
"Wala eh, wala akong magawa kasi tanging sa mga boss lang ako nakaksagap ng balita sa'yo."
SA HINDI KALAYUAN AY TINATANAW NG APAT NA LALAKI SI JASPER AT NARIRINIG ANG MGA BINIBKAS NITO.
A: Nahawa sa pagiging chismoso, charot.
"Kahit ako Jasper, miss ko na ang maldita." Ani ni Matt.
"Any news from her, Darius?" Tanong ni Ghil sa kaibigan.
"She is not answering my calls, but I asked Luis's cousin. She said that Valerina is doing fine."
"Kung ubusin na natin ang mga aso? Para maka uwi na si Valerina dito," suhesyon ni Luis.
"You know that they're not easy to get."
Habang pinagmamasdan nila ang binatang iyak nang iyak ay nakaramdam ng vibration sa cellphone si Luis. Lahat naman sila ay nagkatinginan dahil nilabas na ni Luis ang cellphone nito. Buti nalang ay naka patay ang ringtone nito, tanging vibrate lang.
"They are calling again, sht!" Banggit ni Luis.
"Umalis na tayo rito, baka marinig pa tayo ni Jasper," aya ni Matt kaya tumango silang lahat.
Isang minuto na noong naka alis ang apat ay dumating naman si Vern, na papalapit kay Jasper. Dali dali namang pinunasan ni Jasper ang mga luha niya sa mata. Pero huli na siya dahil nakita na ito ni Vern.
"Itago mo na yan sa iba, hwag lang sa'kin," banggit ni Vern sa binata at tumabi.
"Kaunting tiis pa Jasper, kaunting tiis pa bago maka uwi si Valerina dito. Hindi lang talaga ito ang tamang panahon para maka balik siya." Paliwanag ni Vern sa kaniya at naintindihan naman niya 'yon.
"Alam ko naman po 'yon eh, namimiss ko lang po talaga si ate."
"Ganiyan din ako minsan, pero hanggang pag hihintay lang ang magagawa natin ngayon."
"Naks, hindi kayo nag aya ah, anong dramahan ang ganap?" Napatingin naman si Vern at Jasper sa isang boses na papalapit sa kanila.
"Ingay mo!" sigaw ni Dante kay Andy at nagtawanan nalang sila. Nang maka tabi naman na silang apat sa dalawa ay sabay sabay silang naglanghap ng hangin.
"Edi iisa talaga ang utak natin sa oras na 'to?" Tanong ni Arnold.
"Sana kahit hindi na natin alam ang nangyayari kay Señorita ay ligtas siya," sabi ni Felipe at tumango ang lahat.
_____
Sumapit ang gabi ay nagkaniya kaniya na silang kwarto, ngayon ay bitbit na ni Matt si Valerie.
"Good night, my princess," wika ng ama at ngumiti ang bata, ayon na lamang ang nasagot niya dahil inaantok na rin si Valerie.
Lumagpas ang isang oras, dahil hindi makatulog si Matt ay nakatambay ito sa kaniyang Veranda. Pero kalaunan ay may naramdaman siyang ingay mula sa baba. Dali dali siyang lumabas at nakita niya rin ang tatlo niyang mga kaibigan na palabas ng kanilang kwarto.
Naabutan nalang nila na bitbit na nila Vern at Dante si Manang at dali daling lumabas ng Mansion, Pababa ang apat, si Andy naman ay pa akyat sa kwarto ng apat ngunit pababa na sila kaya nagkasalubong na lamang.
"What happened to Manang, Andy?" tanong ni Ghil.
"Boss, bibigyan po sana ni Jasper si Manang ng gamot niya dahil nagpasuyo ito na ipaalala sa kaniya ang pag inom. Pero banggit ni Jasper ay tulog si Manang at pinipilit niyang magising ngunit hindi siya magising. Tatawagin ko po sana kayo para sabihin."
"Jasper, go to Valerie's room, keep her safe, we're just going to Hospital," utos ni Darius kaya tumango ito at dali daling umakyat sa kwarto ng bata. Silang apat, Andy, Felipe, Arnold at Dante ay lumabas ng Mansion para sumunod sa Hospital.
MONTHS AFTER UPDATING, HAPPY READING, EYVIENS!

BINABASA MO ANG
The Daughter Of Four Billionaires
AlteleSi Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kaya't napilitan siyang ibenta ang mga gamit na naiwan ng kaniyang mga magulang. Apat na bilyonaryo at...