49

242 4 3
                                    

3rd Person


"Kasalanan mo 'to kung maabutan tayo ni boss dito," tinuro turo pa ni Kuya Andy si Jasper.

"Ay aba, mga kuys, mas lagot tayo kung maabutan nilang umiiyak si Princess, hayaan natin ang mangyayari, ang mahalaga ay nandito tayo sa labas at nababantayan siya kahit papaano."

Habang nag uusap usap ang mga bantay sa labas ng kwarto ni Darius ay busy namang ginagawang eroplano at coloring book ang mga papers na nasa table ng office ni Rius.

Ang sabi naman ng tita ni Valerie niya sa kaniya ay minake sure niya na may copy ang secretary ni Darius ng soft copy.

Panatag naman ang bata na gawin ito, enjoy na enjoy si Valerie na drawingan ng kung ano ano ang sinusulat, crinu-crumpled ang papel hanggang sa kinalat ang mga ito sa sahig, ang iba ay dinikit sa pader.

Nag dadalawang isip pa si Valerie kaya sinabi niya sa camera na naka video call ang tita niya pero sabi ng tita niya ay hindi siya papagalitan. Tumango na muli ang bata.

"Kuya Vern, pasukin na kaya natin itong kwarto ni boss? Alam kong bawal pero hindi pa lumalabas si Princess," suggestion ni kuya Felipe.

"Hindi, may tiwala ako sa bata, sumasagot naman siya pag tinatawag natin siya," sabi agad ni kuya Vern kaya wala silang nagawa kundi maghintay.

Hindi namalayan ng mga nagbabantay sa bata mula sa labas ng kwarto ni Darius na dumating na pala ang tatlo, si Luis ay nasa baba pa, pareho silang lahat na gulat.

"B-Boss," tawag ni kuya Andy.

"What are you doing here, infront of Darius's room? And where is my daughter?" nagkatinginan ang anim.

"Nasa loob po, alam naming bawal pumasok sa kwarto niyo boss, pero mapilit ang bata, wala kaming nagawa," paliwanag ni kuya Vern.

Salubong lang ang kilay ni Darius kaya medyo natakot sila, sinundan lang nila ng tingin si Darius na papasok sa kwarto nito.

Nang tuluyan itong mabuksan, lahat sila ay napanga-nga ang bunganga dahil sa nakita. Saan ka makikita na ang linis linis ng kwarto at pagdatnan mo ay parang nasa art gallery ka dahil puro papel ang naka dikit sa pader.

Nakita naman si Valerie na nahinto sa pag kukulay noong makapasok si Darius.

Naibagsak ni Valerie ang mga kulay at napatayo lalo na't papalapit na si Darius. Unti unting naiyak si Valerie kaya nataranta ang lahat, pero ni isa ay walang nagtangkang pumasok sa kwarto.

"D-Daddy, daddy sorry," at tuluyan ng umiyak ang bata. Napasapol naman sa noo si Darius at ginala ang kaniyang mata sa one eight na sukat ng kwarto ay meron.

"Valerie," tawag ni Darius sa anak.

"Daddy, I'm sorry, naisip ko lang naman po na pumasok sa room mo-"

"I told you, you can't come to any room of your fathers, unless we gave you a permission," paliwanag ng ama.

"Kaya nga po sorry, punish daddy, punish," iyak na sabi ni Valerie at ibinigay ang mga kamay.

"Valerie," pagkatapos sabihin ni Darius ang pangalan niya ay tumakbo siya sa mga papel na pinagdikitan niya pero habang nakatalikod ito ay tipid itong ngumiti, bawal siyang mahalata ng mga tatay niya kundi palpak ang plano nilang mag tita.

The Daughter Of Four BillionairesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon