Chapter Twenty Eight
"Nakaka pagod! Ang sakit ng paa ko!"
Angal ni George pagka upo namin sa table. Kakatapos lang kasi ng Cotillion. EATING time na. Rapsa.
Napa ngisi ako at tinuro sakanya yung paa ko. Her eyes winded.
Thank you Long Gown. I owe youmy life. *smirk
"Ang daya! Bakit ikaw lang?! Dat sinabi mo sakin eh! Kaya pala ganon padin yung height mo eh!" Nagpout pa siya. Ang kyut talaga ng bespren ko kahit abnormal. Hahaha. Ibang iba din yung itsura niya ngayon. Ang ganda. Ang ganda i high five sa muka. Dejoke! Seryoso ang ganda niya.
Nagpalit kasi ako kanina sa Powder Room ng sneakers bago sumayaw. Nag ninja moves ako. Kaya lang medyo nahiya talaga ko kasi pag pasok kanina sa entrance, ako lang yung may dalang back pack mga bro! Azar! Buti nalang talaga wala kong paki sa kanila. Hahaha. Inasar pa ko ng mga Breezy boys ng 'Dora'. Tsaka malay ko bang ako lang yung naka back pack. Huehue.
"Bakit sinabi mo ba?" Tumawa ako. "De joke lang. Alam ko namang mag tatampururot ka nanaman eh. Dinalan din kita." Then I winked at her.
"Ayos yan! Astig ka talaga Homie!" Sigaw niya. Mega phone talaga eh.
"Shhhh!!! Baka marinig ni Drake! Magsusumbong yon kay Mame!" Nilakihan ko siya ng mata.
"Ay. Hehe... sorry na. Sige na, magpapalit na ko. Hehe." Nagkamot siya ng ulo. Nag make face nalang ako ng mukang troll. Hobby ko na kasi yon eh. Hehezzz.
"Neij painom nga!" Kinuha ni Drake yung Red iced tea ko. Bwisit talaga! Napaka takaw! Ang tamad tamad, pwede naman siyang kumuha para sa kanya.
Ang hina mo kumain eh. Tatlong plato lang. Wala ka pa ngang double chin eh. *sarcasm
Shut up!
Inagaw ko yon sakanya. "Kuya naman kumuha ka nalang! Ikaw kaya maglakad ng naka stiletto?! Tsk!" Sabi ko. Pero scripted na yung 'Stiletto' part don. *grin
MWAHAHAHAHHA.
"Opo manang! Daming sinabi eh. Bat ang daldal mo? Tss." Sabi niya at tumayo para kumuha ng iced tea. Nakita ko pa yung mga babae na kinikilig habang naglalakad siya. Yung kuya ko namang gulong, tuwang tuwa. Feeler masyado.
"Baliw talaga kayong magkapatid Homie. Hahaha." Natatawang sabi ni Jaydon at Jayden. Sabay na sabay pa. Magka kambal nga talaga.
"Mag name tag nga kayo Jaydon! Di ko malaman sa inyo, kung sino si Jaydon o Jayden eh." Sabi ni Kent habang hinihilot yung ulo niya. "Te, kalurkeyyyyy! Di ko makeri teeee!" Dagdag niya at tumawa. Napa tawa din kami. Tama nga naman siya. Kulay lang kasi ng Tuxedo nila yung pinagka iba nila. Pati ayos nila pareho. Magkamuka talaga sila. Mukang pinagbiyak na tae. Bahaha.
"HI KEN!" OA na bati sakin ni Justine at umupo sa tabi ko. Hinayupak talaga to eh. De joke.
"HI JUSTINE!" Ginaya ko siya.
"Alam mo ang ganda mo ngayon Brad. (Tawag namin sa isat isa.) Kala ko nga magtu-Tux ka eh. Hahaha. Tsaka taray te! Smokey eyes! Red lipstick! Curly hair! Raker, di na ma reach! " Natawa kami pareho.
"Sus maliit na bagay. Gusto mo palit nalang tayo?" Tanong ko sakanya.
"Wag na Brad. Nagpapa gwapo nga ko kay George eh." He wiggled his eye brows. Kahit kasi may pagka gay yan nung nakita niya si George, na inlababo agad eh. Haha.
"Sabagay. Muka kang naligo ngayon. Why waste it?" Sagot ko at tumawa. Lalaking lalaki kasi yung itsura niya ngayon eh. Andami ngang lumalapit sakanya eh. Pero sinasagot niya lang; "Di tayo talo girl!". Haha adik talaga eh.