“Dad may problem ka po?”
Tanong ko kay Dad. Naka tingin nanaman kasi ito sa kawalan. Minsan talaga ganiyan ‘yan, di ko alam kung bakit. Nababaliw na yata. ‘De, joke. Ahahaha.
Tila gulat itong napatingin ‘sakin.
“H-Ha? Wala naman nak.”
Neknek mo Dad. Hahaha.
He gave me an reassuring smile as if it will convince me na okay siya.
Pero hindi eh.
May mali. Ramdam kong may dinadala siya sa dibdib. He’s been like this since bata pa kami. Yung tipong kakagaling lang niya sa tawa pero maya-maya ay tutulala nalang sa gilid na parang may malalim na iniisip. Na parang may kulang sa kaniya, na naparang… dinudurog siya.
It hurts me seeing him like this kung alam niyo lang po.
“Bakit may kailangan ba ang cutie patootie kong baby?” napatigil ako sa pag iisip nang magsalita ito. Biglang na namang mangaasar. Tss.
“Baby ka diyan Dad! Second Year na nga po ako eh!” nandidilat na sabi ko dito.
“Ito naman, high blood ka ba anak? Mana sa ina? Reseta-han na ba kita ng gamot pang maintenance? De biro lang.” napatawa kami parehas.
Alam niyo na po siguro ngayon kung kanino nagmana ng ka-abnoyan sila kuya. Hahaha.
Umupo ako sa tabi nito at isinandal sa balikat ang ulo ko.
Bakit kaya ang comforting sa feeling kapag napapadikit tayo sa magulang natin ‘no?
“Ano po ba kasi ‘yon Dad? I know na may dinadala ka diyan sa dibdib mo eh. Ramdam ko. Di ba sabi mo sakin, ‘telling the truth won’t kill you'?”
Natahimik ito.
Ang arte lang talaga ng tatay ko. Mas... pabebe pa saakin. Hehehe.
“Kasi nak... Nami-miss ko lang kasi sina Lola mo.”
“Kakagaling lang po nila Lola Mami dito kagabi ah? Na-miss mo agad?” natatawang sabi ko dito.
For real Dad?! Overly attached lang? Hahaha.
Natawa ito at ginulo ang buhok ko. “Hindi sila Lola mo sa side ng Mom mo. Yung mga magulang ko.”
Tumatawa siya pero alam kong nasasaktan siya.
At... nasasaktan din ako para sakaniya.
Hindi kasi siya, kami rather, in good terms sa parents nito. Hindi ko alam kung bakit. Not that ‘I’m’ interested but never namin nila kuya nakilala o nakita ang mga ito.
“Bakit po ba hindi natin sila nakikita? Yung parents mo?” tanong ko out of curiosity.
“Wag ka sanang masasaktan pero sasabihin ko na sayo. Hindi ko na kayang itago eh. Ilang taon na din tong nasa dibdib ko. Ayaw nila saatin anak. They see me as a family’s disgrace.”
Di ko naman din sila gusto? As if namang gusto ko din sila. Never ko nga nakita eh. Joke lang, bad po yun. Hahaha.
“Hindi sila boto sa relasyon namin ng Mom mo noon nak. Kasi mayaman ang grandparents niyo. Mas mayaman sa atin, mas mayaman kila Mama mo. Kilala sila sa buong mundo dahil sa yaman nila. Malaki yung Fuel Business nila. They operate worldwide. Aside dun, may ari din sila ng Airlines. Ayaw nila na hindi nila kasing yaman yung magiging karelasyon ko. Hindi naman daw mapapakinabangan sa business. Pinaghiwalay nila kami pero hindi ko kaya nak. Mahal na mahal ko si Mama mo eh.” Tumawa ito. “Lalong nagalit ang mga ito samin nang mabuntis ko ang Mama mo kay kuya Karl mo. Kasi bukod sa nag-aaral pa kami nun sa Med School na napilitan lang silang payagan ako dahil business ang gusto nilang pag aralan ko, bata pa kami ‘non. Pinapili nila ko nak kung yung Mama mo daw ba o lahat ng meron ako. Siyempre pinili ko si Mama mo. Kasi hindi ko kayang mawala siya lalo na't magkaka anak na kami nun. Gin-give up ko lahat ng kayamanan at sarap ng buhay na meron ako kasi si Mama mo ang lakas ko eh. Sila ni kuya mo na pinagbu-buntis niya ‘non. Masakit saking mawalan ng connection kina Lola mo nak pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang mawala yung magiging anak ko sakin. I wouldn’t trade the girl who made me feel loved when I can’t even love myself for wealth anak. Lalo na ang magiging anak ko. Sa isip-isip ko ‘non nak, magkamatayan na pero hindi ko iiwan ang mag ina ko.” He smiled.
Hindi sa pagiging judgemental ah?
Pero bakit… bakit… ang sama naman yata ng ugali ng parents ni Dad?
Nakakatawa lang. Na hindi nila kami tanggap kasi hindi namin sila kasing yaman.
Edi sila nang mayaman, kami na ang hindi hahaha.
Nasasktan ako para kay Dad. Kasi sa kabila ng lahat nang yun ni minsan hindi nila ni Mama nagawang sirain yung tingin namin sa parents niya. Ni minsan hindi ako nakarinig ng masamang bagay tungkol sa mga ito galing sa kanila. Tapos ganito pala?
Hahaha.
Bullshit.
“Eh sila Lola Mami po? Anong ginawa nila nun?” tanong ko nalang dahil baka kung ano pang masamang salita ang lumabas sa bibig ko. Alam niyo naman ang bunganga kong 'to hahaha.
“Nako nak. Nang umamin kami sa parents ni Mama mo non, doon ko unang beses makita na muntik makapatay ng tao yung mabait at palangiti na Lolo mo. Pero naiintindihan ko nak, nagkamali kami ni Mama mo eh. Galit na galit siya sakin pati sa parents ko kasi ganon-ganon nalang daw kung tapakan nila Mom yung pagkatao ng anak na iningatan nila. At higit sa lahat binuntis ko pa. Galit na galit si Lolo mo ‘non nak. Tatanggapin niya daw ng buo si Mama mo pati yung pinagbu-buntis niya pero wag na daw ako umasang makikita ko ang mga ito kahit kailan. Gawin ko na daw lahat ng gusto ko, bumalik na daw ako sa matapobre kong magulang, kaya niya daw buhayin sina Mama mo. Hindi daw nila ko kailangan. Pero nagmaka-awa ako non sa Lolo mo nak, na I’ll prove them na love ko talaga si Mama mo at gagawin ko lahat para buhayin sila ng kuya Karl mo. Kung alam mo lang nak kung paano ako naglumuhod at umiyak ‘non sa kauna-unahang beses pagtatawanan mo talaga ko. Pero dahil don pumayag yung Lolo mo na patunayan ko yung sarili ko sa kanila. Ang bait ni Lolo mo nak ‘no?”
Napangiti ako. “Tapos Dad?” tanong kong tila nabitin sa kwento nito.
“Anong tapos? Ikaw ah chismosa ka talaga.”
Napanguso ako. Sorry naman Dad? Mana lang… sayo? HAHAHA.
“Joke lang nak!” tumawa ito. “Siyempre hindi ko sinira yung trust na binigay sakin ng Lolo mo. Kaya kahit tinutulungan nila kami ni Lola mo, nag trabaho pa rin ako para may pang tuition ako at pang gastos kami para sa kuya mo. They even offered na sila na lang ang magpapa-aral sakin pero I refused. Hindi por que mababait na tao yung family ni Mama mo, hindi na ko gagalaw para samin. Mabuti na lang din at Student Athlete ako kaya hindi ganoon kalaki yung tuition ko. Dalawa yung naging trabaho ko ‘non ‘nak. Service crew sa weekdays, driver naman sa weekends. Nag gi-gig din ako paminsan. Imagine anak kung paanong pagma-manage ng oras ang ginawa ko. Hindi ako umasa kahit kanino kasi ako ang may gawa non eh. Sa awa ng diyos nak, nalagpasan namin ni Mama mo yun lahat nang magkasama at sa tulong nila Lolo mo. Nakatapos kami. Naging Doktor parehas. Lahat ng meron tayo ngayon nak galing sa dugo't pawis namin yon ni Mama mo.”
Matagal ko na silang nire-respeto pero ngayon lalong lumaki yung respeto ko sa kanila.
Bumuntong hininga ako at nilingon ito. “Dad you know what… honestly, I don’t know what to say.” Pag amin ko dito. The things ha has said rendered me speechless. Hindi ko alam ang sasabihin. Ilang segundo din akong natahimik.
“Despite of everything… hindi ka galit sa kanila di ba? And you miss them so much tama po ba ko?”
“Nagalit siguro ako nung una pero hindi ako nag tamin ng sama ng loob sa kanila anak. Hindi nabawasan yung pag mamahal ko sa kanila. But I’m… not really sure if they have already forgiven me.” Pumiyok ang boses nito and a tear fell from his eyes.
Dad please naman o huwag kang umiyak please?
Hinawakan ko ang kamay nito. “A-alam niyo po ba kung nasaan na sila ngayon? Let’s find them.”
Kahit wala sa loob ay handa akong harapin ang mga ito if it means na magiging masaya ang ama ko.
“Wala akong idea kung nasaan sila nak eh. It’s been so long since the last time I saw them. And I’m afraid na baka hindi na ko mabigyan ng pagkakataong makita sila anak. Natatakot ako.”
“E---”
“Ken nadiyan na yung mga kaibigan mo! Yung kambal na Chinese garter, pati sila Kobe! Bumaba ka naaaaa!” biglang sigaw ni Drake.
Tss.. badtrip tong Drake na ‘to kahit kelan eh, no?
Siya na talaga panira ng conversation.
Paybtawsan!
~*~
“Ewan ko sayo! Epaloid!” eto na naman tong si Georgina Mae Samonte. Kakatapos pa lang naming mag review heto't mag aaway na naman kasi sila ni Drake. Lahat na yata ng lalaki kaaway niya!
Yung totoo, man hater ba to? Hahaha.
Lahat nalang? Lahat nalang?
“Baaaakekaaaaaang!~” pakantang sabi ni Drake sabay tawa at talikod. Pati kami nila Itzu natatawa rin.
“Anong sabi mo?” sigaw ni George sabay kinurot ito sa braso.
“Ahhhhhhh!”
Tili nitong ikina hagalpak namin. As in yung pang babaeng tili talaga! Hahahahaha! Minsan lang yan mangyari diyan, pag nagugulat lang. Pero nakaka laughtrip talaga!
Wala pala si tim. Umalis daw sila.
Parang... nalungkot ako bigla.
JOKE LANG!
HINDIIIIII AHHHHHH! DI KAYAAAA!
“Jayyyydeeeeen…!” slow motion na sigaw namin sa naglalakad na si Jayden pero huli na ang lahat dahil nalaglag na ito sa pool!
The fuq! Hahaha.
“Itzu nahulog yung kapatid mo!” sabi ko kay Itzu na nasa tabi ng pool at kinalabit ito pero nagulat yata ito kaya nahulog din.
“HAHAHAHAHAHAHAHA!”
Nakita ko si George sa tabi ko.
I have a BRIGHT BRIGHT BRIGHT Idea!
Napa ngisi ako at sinenyasan si Drake. Alam na dis. Muahahaha!
“Pst, George! Tignan mo oh!” uto ko dito.
“Bakit? Ano yon Ho—Waaaaaaa!”
“Hahahaha! Gullible talaga! Pft!” asar ni Drake nang mahulog ito.
“Your turn!”
Nanlaki ang mata ko. Itulak ba naman din ako ng kung sinong damuho sa pool! Pag lingon ko si Tukmol pala ito.
Bwisit kang Tukmol kaaaaa! I hate you to the moon and back!
“No! Your turn!” bigla naman itong tinulak ni Drake. Nakaka double kill na ‘to ah. Amazing.
“NYAHAHAHAHA! KARMA!”
“No, Drake. It’s your turn!” biglang sulpot ni Ya Gori sabay tinulak si Drake.
Tawa lang kami ng tawa. Tumili nanaman eh. Hahahaha.
“No. It’s yours my friend!”
Bigla namang dumating si Karlito at tinulak si Ya Gori.
“Hey! Do you wanna build a snowman?” biglang sulpot ni Dad sabay kanta sa tenga ni Karlito kaya nahulog din ito.
“Woooooo! Nice, nice! HAHAHAHAHA!” We shouted in chorus.
“Kenjiiiiii!” biglang sulpot din ni Mama na nagpa-paypay sa sarili dahilan para magulat din si Dad at nahulog ito sa pool.
Ang bilis ng karma ah! Hahaha.
“Wooo! Nice tito! Hahaha!”
“Hahaha! Epic fail!”
“Tita, you’re the man!”
“Galing mo tita! Effortless hahaha.”
“Mom ang perfect ng timing mo! HAHAHAHAHA!”
“Ano Dad, digital na talaga ang karma ngayon no? Bilis eh.” Asar ko dito.
Tahimik lang itong umahon sa pool, wala nang hagdan-hagdan. Sumunod din si Karlito.
Edi, sila na 6 footer. Inggit ako.
Nang maka-ahon ay biglang hinawakan ni Dad si Mama sa may bandang armpit. Si Karlito naman, sa paa.
Hmmm… alam na!
“Oh my gosh! Anong gagawin niyo? Tigilan niyo ako. Karl! Isa!”
“One. Two. Three!”
“Ahhhhhhhhh!” tili ni Mama kasabay ng pag tawa naming lahat matapos siyang ihagis sa pool nila kuya.
~*~
Ang saya kanina.
Sa saya nga ni Dad, pinatawag niya yung parents nila George eh. Kala mo walang problema kanina. Buti nalang sa iisang Village lang kami nakatira lahat. Tapos akalain mo yon Classmate pala ni Dad yung papa nila Itzu dati at ka Frat?! Astiiiiig!
Kaya ayon. Nagka pool party ng wala sa oras. At ang mga matanders. Nag iinuman na ngayon. Wow lang ha? Hahaha.
“Oy Itzu! Last time ko pa to napapansin ah. May problem ka diba? Diba?” pangungulit ko kay Itzu. Bigla nalang kasi tatahimik titingin sa malayo.
Invasion of privacy tong ginagawa ko pero ayoko kasi talagang namo-mroblema yung mga tao sa paligid ko eh.
Umiling ito, “H-ha? Wala ah.”
Lolo mo.
Tss… sinungaling! Kutusan ko ‘to eh.
“Itzu? Sabihin mo lang sakin, baka maka tulong ako, dali na.” pag aalo ko dito dahil mukha itong pinagbagsakan ng langit at lupa.
He sigh, “Marunong kang kumanta diba?” tanong nito.
“Lahat naman ng tao marunong kumanta ah? Di lang ganon kaganda yung boses ng iba,” tama naman diba? Diba?
“Tss. Sabi ko na eh..” napa simangot ito.
“Eh, ano ba kasing problema? Tatanungin ka, tanong di ang isasagot mo! Are you kidding me? Alam mo, you’re driving me nuts.”
“Gusto mo talaga ng straight to the point?”
I nodded. Buti alam niya. Ayoko na ng paligoy ligoy pa. Kahit ako, pag gusto kong sabihin, sasabihin ko talaga agad kahit masaktan ka pa. Kesa naman sumegway pa diba? Mas masakit yon kaya iyon.
“Kaklangan namin ng Vocalist Ken. Pwede ka ba? Ayan na ah?” deretsong tanong nito.
Huwat?
“P-para saan? Tsaka bakit ako?”
“Sa Battle of the Bands sa Foundation Day. Kailangan namin ng vicalist. We really need you Homie, please? Tsaka sabi mo tutulungan mo kami diba?” Sabi nito. “Aish! Bakit pa kasi ako nakipag pustahan eh.” Bulong pa nito sa sarili niya.
Hibang na ba tong taong to?! Battle of the Bands?! Anong tingin niya sakin? Eh hindi naman ako magaling kumanta!
I chuckled, “Haha. Mabenta yang joke mo tol, ah!” baka sakaling nagbibiro lang tong hunghang na ‘to. Malay natin diba?
“Hindi ako nagbibiro. Matagal ko na tong gustong sabihin sainyo to be honest.”
“T-teka.. Battle of the Bands?! Hindi ako ganon kagaling, alam mo yan Jaydon!”
My goodness gracious! (Naririnig ko yan sa ate ni Tukmol.)
“Please. I need your help, I’m begging you. Kami ni Enchong, we’ve lost a bet. Ito yung paraan para makabawi kami. This involves money kaya malalagot kami sa parents namin especially Dad kapag natalo kami.” Sumbong nito sakin.
“BAKIT KA BA KASI NAKIPAG PUSTAHAN?!” naiinis na tanong ko dito. “Tsaka teka… may Audition pa yan diba? Seryoso ka ba diyan, ako ang pipiliin mo? Baka magsisi ka lang sakin, ikaw din.”
Inakbayan ako nito. “Of course. Ano ka ba? Pipiliin ba kita kung wala akong tiwala sayo? Alam kong kaya mo at gagalingan mo para manalo tayo. Di ba? May parte ka don pag nagkataon!”
Gusto ko itong paikutan ng mata. Mang uuto pa eh?
Bakit kadi ida-dawit mo pa ako sa mga kagaguhan mo sa buhay mo ha? “Kailan ba?”
Ako na talaga ang kunsintidor. Grrr.
“After ng exam.”
What the!? Exam na sa Monday! Saturday na ngayon! So that means, it’s on Thursday dahil three days lang naman ang exam!
Hala! Papayag ba ko o hindi?