Chapter Two

3.9K 92 6
                                    

One year later


"Aray ko 'ya Gori! Para ka talagang Gorilya! Ambigat-bigat mo! Kala mo ba di masakit?! Ha?! Ha!" Sigaw ko kay kuya Gori na naka sampa sa likod ko. Naglalaro kami ng 'Tom Sawyer' if you guys know that.


Kakampi niya sila kuya Drake at si kuya Karl o Karlito. Samantalang ako? Si Tim at Kobe! Isipin mo iyon ha? Si Karlito, Third year, si 'ya Gori second year at si Drake grade five! Kami grade four! Sige nga sino ang hindi maiinis 'don? Ako pa man din ang nasa dulo! Na-aamoy ko yung pwet ni Kobe tukmol! Joke. Hahaha.


Tumawa lang ang mga ito ng mapang asar at lalong pinabigat ang mga sarili. Nakaka inis talaga pag nag sama-sama ang 3 idiots na ito! (Wag mo sasabihin na 3 idiots tawag ko sa kanila ah. Baka ma bully ako lalo. Mehehe.)


"What the fuck kuya! When will you stop our agony?! When will you stop making us suffer?!" Pasigaw na tanong ko dito. Halos mag lupasay na kaya kami dito sa bigat nila. Hindi na naawa!

Naririnig ko 'yang 'fuck' sa kanila kapag galit sila o kaya tuwang-tuwa. Ginaya ko lang galit din ako ng konti eh. Hehe.


"Agony agad, suffer agad? Tsaka bunganga mong tomboy ka ah! Hilain ko yan! Alam mo ba yung meaning ng sainasabi mo?" sigaw ni kuya Karl at bumaba. Thank god.


Pero what is tomboy? Si Tom tsaka si Boy?

"What the fuck is tomboy kuya? Care to tell me what is it? It sounds so offensive and exasperating! What the fuck!" Namimilog ang matang sabi ko dito.


Ngumiti itong parang aso. Ampanget mo hmp. "Tomboy? Hmmm... yung mga babaeng parang lalaki... gupit lalaki, kilos lalaki. It simply means... you, Mate! Hahahahaha," singit ulit nito at nag tawanan na sila. Ang epal masyado! Pa British-british accent pa sa last line ng sinabi niya di naman bagay! Sarap hampasin ng Uno Cards!


Pero ayun pala ang tomboy? Parang ako nga! T.T


Hala! Pero hindi naman ako lalaki ah. Babae naman ako. Di ako tomboy! No way! Tomboy my foot! Baka siya yung Tomboy!



"Tomboy ka pala eh! Bwahahahaha," singit naman ng epal na si Kobe tukmol. Ang epal talaga nito! Ang hilig maki sali lagi kapag inaasar ako. Sarap sagasaan ng bike. Kainisss.


Ang epal mong bwisit ka. I hate youuuuuu.


"Ha-ha-ha. Very-funny! Ang saya-saya no?" I rolled my eyes. Pag dating talaga sa PANGET na ito hindi ko mapigilang mainis ng super duper. LIKE SUPER!!! NOT EVEN GONNA LIE.



"Oo nga! Gusto mo ngang magpa tuli dati eh! Hahaha," sabi naman ni karlito na halos mamatay na sa kaka tawa.


Matuluyan ka sana! Joke hahaha. Pero sabi ni Dad jokes are half meant daw.


Aaaaaaarghhh! Na-aalala ko nanaman tuloy! It's embarrassing kaya!




"De kailan po ba ko magpapatuli?" kuya Drake asked Dad. Kaka-patuli pa lang kasi ni Kuya Gori.



"Next next year siguro. Nice! Two years nalang binata ka na rin!" Sagot naman ni Dad at nakipag brofist kay Kuya.


"Dad, ako po kailan?" Masayang tanong ko. Namimilog pa ang mga mata ko. I'm so Exited!


Bigla silang nag tawanan nila Mom.


Kinandong ako nito. "Hindi ka pwedeng magpa-tuli baby..." Malambing na sabi ni Mom na medyo natatawa at kinurot yung pisngi ko.


ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon