"Neij sama ka?"
Napaangat ako nang tingin mula sa pagkaka upo sa pool nang marinig ko ang boses ni Drake. Kasama ko si Kobe—my dog.— at nakalubog ang paa ko sa tubig. Napansin kong kasama niya din sina Karlito. Nandito na kami sa rest house namin malapit sa resort. Bukas nalang daw kami babalik don para ma-check din nila Mom 'tong bahay.
"Where?" tanong ko at bumalik sa paglalaro sa tubig gamit ang paa.
"Diyan lang sa lumang kubo, tara!" sagot niya at nag wink.
May balak nanaman siguro tong mga hunghang na 'to. Gabing gabi na kung saan saan pa gusto pumunta. Pero sasama na din ako. I'm bored eh.
"Ge. Alam ba nila Mom?" Tanong ko kasi baka may gawin na naman ang mga itong ikagagalit nila Mom.
"Wala yon, tulog na yon baby." singit ni Ya Gori.
"Kay." sagot ko nalang.
How nice Ken. Baka magalit pala ha. Sa isip-isip ko. Tss bahala na.
"Wow, pa 'Kay' 'Kay' nalang! Taray ng girlalu na itech te!" asar ni Karlito. Pero imbes na mainis ako natatawa ako pag ginagawa nilang tatlo yan. Mga epic face.
"Truelaaaaa!" singit ni Ya Gori with hand gesture pa na nag i-inarte.
"Tss. Tara na nga! Ano ba gagawin natin don? Tsaka pano si Kobe? Kawawa naman siya." sabi ko nalang.
"Yieee! Mahal na mahal mo talaga yong boyfriend mo eh 'no? Pano natin isasama yon, eh nasa Manila sila?" Tuwang tuwang asar sakin ni Karlito. Nakakainis yung pag ngisi nito. Sarap lunurin.
"Kilig much!"
"Akala ko ba lesbian ka? Bakit nami-miss mo agad si Kobe, ha?"
Nakiki asar pa yung dalawang kupal pero di ko na pinansin. Tawanan pa ng tawanan, eh ang corny naman nila!
"Di kasi si tukmol! Yung puppy ko! Bahala na nga kayo diyan!" sabi ko at mag wa-walk out na sana kaya lang hinila niya ako at inakbayan. Pinipilit kong umalis pero di naman ako makawala. Hays!
"Uuuuuy napikon si Tombs! Tara na Tombs wag ka na mainis Tombs." Hila nito sakin at pinulupot ang braso sa leeg ko. Wala na tuloy akong nagawa kundi sumama. Tss.
"WHAT THE HELL? SERIOUSLY KUYA?!" I shouted pagka pasok namin sa kubo. Kasi ang daming pagkain. At higit sa lahat may PS4 at XBOX! Miss na miss ko na kayang maglaro.
Kinindatan lang ako nito.
For the first time in this day may nagawa din silang maganda! Hallelujah! Muhahahaha.
Excited ko na sanag bubuksan yung PS4 para maglaro kaya lang pinigilan ako ni Karlito.
"Hey! Mamaya na yan." naka ngising asong pigil sakin ni Drake sabay may kinuha sa fridge. "We'll gonna drink this!" Sabi niya tas may nilabas siyang bote na may naka sulat na 'Bacardi' at Coke.
"Drake! Hindi pwede Ken." Singit ni Ya Gori at pinanlakihan ng mata si Drake.
"Isang shot lang siya Kuya." Sagot naman nito.
"NO! HINDI PWEDE!"
"NO! HINDI PWEDE!"
In chorus na sabi nina kuya Karl at Gori.
"Ang KJ niyo naman 'Ya! Mas maganda kung satin siya matuto kaysa sa labas, don't you think?" Drake.
"Pano pag nalasing yan? Anong sasabihin natin kila Mom pag nalaman nila? Mamaya kung ano pa ang gawin ni bunso. Lukaret pa naman yan HAHAHHA." Tumatawang sabi ni kuya Gori. Napairap na lang ako.
"Parang maganda nga yung sinabi ni Drake, tara payagan na natin." Ngi-ngisi ngising suhestiyon ni kuya Karl.
"No!"
"Tss." Nasabi ko nalang at binuksan yung Cookies na nasa lamesa at dumapa sa sofa bed at pinakealaman yung laptop ni Karlito.
Bahala silang mag away diyan basta ako, mag fu-food trip at manonood ako ng movie. Hahahaha.
Maya-maya ay na bore ako.
"Ang boring naman Karlito! Wala ka na bang ibang movie?" Reklamo ko pagkatapos kong manoood ng Iron man 3, Scott Pilgrim Vs. The World at Warm Bodies. Kyut ni R. Hihi. Crush ko talaga yung actor na gumanap kay R.
Bored ka pa sa lagay na yan Ken ha?! Wow.
"Hmmmm?" sagot nito at tinulugan ako.
"Ya Gori anong nangyari diyan? Adik ba yan?" Tanong ko at tumawa nang pang-asar.
"Lasing na 'yang mahina na 'yan HAHHAHA!" pagkasagot nito ay bigla din itong nakatulog. Natawa tuloy ako. ???!! Mahina pala huh? Parehas lang naman sila. Hahaha.
"Pabayaan mo yan. Nakaka tig dalawang Bacardi na kasi sila. Tara labas tayo." Sulpot ni Drake. Galing ito sa CR.
"Bakit ano ba'ng meron sa Bacardi?" nakakunot ang noong tanong ko.
"Gusto mo malaman?" Naka ngising tanong niya at hinila ako sa labas.
"Ano nga kasi yon?!" asik ko dito. Atat na atat Ken?! Hahaha.
"Oh. Dalian mo lang baka magising sila kuya." Sabi niya at inabutan ako ng baso.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
Napairap siya. "Nguyain mo kung pwede! Siyempre inumin mo! Dumbass."