Chapter Twenty Nine
"Oh, kiss me beneath the milky twilight.
Lead me out on the moonlit floor." Kanta ko sa kinover na kanta ng New Found Glory na Kiss me habang naglalakad. Kaka tapos lang ng Training kasi malapit na yung Finals sa Basketball.Binaliktad ko ng suot yung Baseball Cap na pinahiram sakin ni Jaydon kasi nakaka badterp yung... Bangs... ko. Haha. Si Ate demi ang salarin at si Mame! Wag ako, wala akong kamalay-malay diyan. *wink. Kakapalit ko lang din ng Teeshirt pero yung Jersey padin yung short ko. May training pa daw mamaya eh.
Umupo ako sa Bench malapit sa batang nagpa-praktis mag gitara. Base sa kulay ng jogging pants niya, Grade six na siya.
I'll watch the kiddo. Mehehe.
Napapa ngiti ako habang pinapanood siya. Ganyang-ganyan kasi ako dati eh. Self study lang. Sa youtube lang ako nag-aral tas kanta agad. (Tas kuhang-kuha niya din, kung pano ko hindi ma bend yung fingers ko. Hahaha.) Busy kasi lagi dati si Dade eh. Tas wala naman akong maaasahan kila kuya kasi puro xbox, play station o kaya basketball naman yung mga buset na yon. Haha.
Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
Tinanggal ko yung isang Earphone. "Ano ulit yon?" Napa kamot ako sa batok ko at napa ngiwi.
"Sabi ko po, kanina pa ba kayo diyan?" Tumango lang ako. "Diba ikaw po si Ken. Yung magaling mag 3 points. Tas all around yung position." Sabi niya pa at nag praktis ulit.
"Eh? Pano mo ko nakilala? Oo ako nga." Uminon ako sa dala kong Tumbler.
"Halos lahat naman ng student dito ate kilala ka eh. Ikaw lang yung di aware. Ang astig mo kaya." Sabi niya pa habang tina-try yata yung G.
Napa ngisi ako at napa frown. "Walang ganon pre. Hahaha. G major ba yung tinatry mo? Ganito lang yan. Third fret. 1st finger sa first string, 2nd sa 2nd, middle finger sa 6th tas 4th finger sa 5th string. Second fret ah. Parang nangba-bad finger ka lang niyan."
Napa tingin siya sakin tapos biglang napa ngiti. Wow, he knows how to smile? Kala ko, pokerface lang to eh. Hahaha.
Ayon lang pala magpapa ngiti sakanya, dapat binad finger ko nalang siya kanina. JOKEEEE!!
"Pano po ulet? Pwede paki turo? Nakita kita dati sa hallway ang galing mo eh. Dun nga ako nagka-interest mag aral e. Ang galing kasi." Ngumiti ulit siya kaya ngumiti nalang din ako. Hala sige, uto. Halabira, uto. HAHAHA.
"Wag mo na ngang pa-anohin yung loob ko, bigwasan kita diyan eh. Wag ka ngang ano diyan. Dejoke. Ganito lang. Kaya mo yan boy." Sabi ko tas ni-guide yung kamay niya.
~*~
"Astiiiiig! Ayos, diba? Sabi ko sayo kaya mo eh!"
Sabi ko tas nakipag brofist sakanya maya-maya. Tinuro ko kasi sakanya yung The Only Exception na beginner version tas kaya niya na agad. Yung bridge lang yung di niya kaya kasi may barre chord, pero tinuro ko naman sakanya na pwede i-open. Kaya alam niya na lahat. Tas mga 40 minutes lang kami. Di na masama para sa first song. Tsaka okay siya turuan. Hindi ako napapa sigaw tas gustong manakal. Hahaha.
"Hahaha. Thank you ate ah. Astig mo talaga." Sabi niya tas nakipag fistbump.
"Oy di pwede thank you, libre mo ko ng kwek-kwek sa labas. Ayos ah." I kidded.
"Sige ba. Ilan ba? Gusto mo din ng buko juice?" sabi niya tapos naglabas ng coin purse. Cutie haha. Parang siya si... WALA, WALA.
"To naman joke lang! Ano nga palang name mo? Naturuan na kita, di ko parin alam pangalang mo."