Chapter One

4.9K 118 4
                                    

Chapter One

~After Eight Years...

May mga kuya ka ba? Eh ate?



Ako puro kuya eh. Wala din akong ate, tas bunso ako. Pero di ko naman yun kinatuwa. In fact ayoko nga eh. Ikaw ba naman agawan ng toys?! Batukan?! I-wrestling?! Tapos pag nag pe-play kami ng Basketball tas talo ko sila, sasaktan ako!


Naalala ko nga dati, binigyan ako ni mom ng doll sinira lang nila eh. Biruin mo ba naman ha, hinati yung katawan! So mean right? Kaya simula non ayoko na ng doll, di daw kasi kilala yon nila kuya. Kaya mas gusto ko na yung soldiers, robot, gun. Basta pang lalaking toys. Pag ganun kasi yung laruan di ako inaaway nila kuya eh. Kaya yun. Gusto ko na siya.




Bunso ka rin ba? Ang hirap maging bunso diba? Kala lang kasi nila madali. Kala lang nila masaya. Nakakainis na kaya minsan.



Ikaw ba naman, eight ka na tapos tawag parin sayo baby? Eight ka na tapos kinakantahan ka pa rin ng lullabie?


Annoying isn't it?



Na-alala ko nga nung 7th birthday ko eh, pinag suot ako ng kung ano-ano.

Ikaw ba naman pag suotin ng...


Ano nga ba tawag don...?

Go... goat ba yun? Clown? Gow..n?

Ayun! Gown pala.



Ang bigat kaya! Tapos ang itchy pa. Tapos min-make up pa ako! Kainis! Tapos princess daw ako! Yak talaga! Hiyang hiya nga ako non eh. Pinag tatawanan talaga ko ng mga homies ko non. Kasi isipin mo ha? Puro boys sila. Ininvite ko kasi sila kasi nga homies ko sila. Wala kasi akong friends na girls. Maaarte kasi pag girls. Puro pa-cute.



Kala ko kasi mag ba-bar kami (Pero sabi ni mame, bawal daw kids don kaya wag na lang. Sayang nga eh. First time sana namin yon.) Or mag co-costume ng Super Heroes. Pero hindi eh! Fairytail chuchu daw dapat!


Kainis mag susuot dapat ako ng Iron Man na costume eh!

Tapos eto pa yung pinaka worst. Pinasali ako sa Ballet! Summer kasi non. Kinder yata ako or grade one. Sabi ni Mom dapat daw may activities kaming gawin. Matutuwa na nga dapat ako nun eh. Sila kuya kasi sa Soccer Lessons sumali. Siyempre, kala ko ako din. Exited pa nga ako eh. Tapos pag dating ba naman namin, Ballet daw sasalihan ko?! Mangiyak-ngiyak talaga ako non.


Pero go lang, sige lang. Go with the flow. YOLO. Rak na itu...


Pero akala ko lang pala madali yon, kala ko petiks lang don. Eh hindi pala. Akala ko nga mawawalan na ko ng legs non eh. Kumbaga sa DOTA na "Monster kill" ako.

Tapos muntik ko pang masuntok yung isang babae don. Irapan ba naman ako?! Bakit daw may boy dun. Pang girls lang daw yung Ballet. Wow ha? Babae kaya ako! Kung ayaw niyang kasama ako, eh bakit di nalang siya nag Zumba diba? Kasi doon wala ako for sure.


Sabi ko nga suntukan nalang eh. Alam mo ano ginawa? Umiyak. Nag sumbong. Duwag naman pala! Hahaha! Boo! Weak!

Pero nung nag sumbong sa teacher parusa naman inabot ko. Pano ba naman, nanay pala niya yung teacher! ―dominating!― Kaya ayun. Pina sayaw ako maghapon. Bawal daw kasi mag away don. Di ko nalang sinumbong kay Mama ko. Kasi sabi nila kuya pag sumbungero daw bakla eh. Eh hindi naman ako bakla no!


Naisip isip ko nga, torture pala aabutin ko don? Ganon pala yon? Na trauma yata ako. From the on I hated it na.

Kung sayaw-sayaw lang kaya ko pa sana eh. Pero hindi! Pinaka torture don para sakin yung ka-artehan nila. Di ako makapag pigil ng inis. Puro usapan kasi sino ang crush.. ilang yung dolls.. gano kadami yung toys.. magkano bili.. naka punta naba sa abroad.. gaano kalaki yung bahay... ilan yung cars...


ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon