Chapter Twenty Two
"KEN NEIJI WILLIAMS!" Maingay na sigaw ng isang babae. Naglalakad ako paakyat ng classroom. Badtrip nga lang kasi nasa second floor palang ako, eh sa fifth floor pa yon. Kaya di na ko nagtataka kung bakit umaga palang, amoy hapon na yung iba eh. Burrrrrn.
Pustahan tayo si Georgina yan oh.
Lumingon ako, si Kent pala ginaya lang yung boses ni George.
Siya na talaga expert sa ganyan na mga gawain. The best siya eh.
"Wala, umalis, tulog!" Sigaw ko pabalik at nag continue na maglakad. Katamad tumigil eh. Huehue.
"Boom!" Biglang may taong nag appear sa harap ko kaya nagulat ako.
"Da fak! Badtrip ka naman bro!" Mahinang sigaw ko kay Daniel.
"Oy! Ikaw pala, Daniel. How's your life?" Tss. Maka ' How's your life?' Naman tong si Kent kala mo may pinagdadaanan. Joke lang.
"Okay naman. Mahal parin ako ni Stella." Sagot niya at nag brofist sila.
Remember Stella na seat mate ko nung grade three? Siya yon.
"We? Kala ko ba, she did not like you?" Tanong ni Kent kay kupal. Gusto ko sanang sabihin na feeler lang si Daniel kaya lang wag nalang. Di ko naman gawain yon eh.
Ginawa ko iniwan ko nalang silang dalawa don. Mag de-date pa yon eh. Baka malate akers.
Papasok na sana ko ng classroom ng may biglang humila sakin. What's with this day? Bakit lagi akong ginugulat?
"What?" Bored na sagot ko ng hindi tinitignan yung naghila sakin.
"Ay sige, wala nang pansinan ah! F.O na."
Pag tingin ko sa nagsabi si George pala.
"Oy! Ikaw pala yan?! Buhay ka pa pala?!" Shocked na sabi ko. Wag kayo mag ano diyan, ganto talaga kami mag lambingan. Wahaha.
Grabe almost 3 months din kaming di nagkita neto ah. Puro outing kasi kami nung summer eh.
"Grabe ikaw din pala buhay pa?! Di kita namiss! Oh my!" Sabi niya sabay tinalonan ako. Literaly.
"Oy, easy ka lang bro! Section mo?" Tanong ko pagka tapos niya ko wrestlingin.
"Darwin nga eh. San ba yon? Nakita lang kita kaya hinabol kita eh."
Natwa ko sa kaanohan ng babaeng to. Kahit kailan talaga to eh. Ang T. TALINO ah?
"Diretso ka lang. Sa harap ng fountain." Sabi ko kahit nandito na kami sa harap ng classroom. Bwahaha, kasalanan niya na yon. Di nagbabasa eh. Wahaha, joke lang.
"Oy joke lang!" Sigaw ko habang hinahabol siya habang tumatawa.
Natawa din siya. "Niloko din kita eh. Majesty ako boklogs!" Tuwang tuwang sabi niya. Saya niya no?
"De joke lang. Darwin talaga ako." Napa tawa nalang kami sabay brofist sa ka-cornyhan namin.
Pag pasok namin sa classroom si Sir. Lee Bog nalang yung wala.
"Oy!! Kiray ikaw pala!" Kunyari shocked na sabi ni Kent. Wushu! Sabihin ko tinatago mo diyan eh. Nasabi ko sa isip ko. Tss. Nevermind.
"Oy!! Empoy ikaw pala!" Ginaya din ni George si Kent. Natawa nalang ako. Parang ewan lang eh. Wahaha.
Sabihin ko din tinatago mo diyan george eh. Nasabi ko ulit sa isip ko sabay smirk.
"Tara lipat tayo sa likod guys." Naka ngiseng sabi ko. Mas maganda kasi sa likod eh. Dikit dikit kasi upuan don eh. Nag agree naman sila.
BINABASA MO ANG
ASTIG!
Roman pour AdolescentsWALA akong ibang mahal kundi BASKETBALL. Ganiyan ang mga ASTIG!