“GISING NA, NANDITO NA TAYO!”
Nagising ako nang biglang may sumigaw sa tenga ko. Inaalog pa ko na nagpadagdag sa inis ko.
“ANO BA?! KAINI—”
“Oh? Susuntukin mo na ko ngayon nak? Wake up, nasa bahay na tayo.” Natatawang sabi niya at ginulo yung buhok ko. Si Dad pala.
Biglang sumabat si Karlito. “Ano, bubuhatin pa kita? Pabebe ka na naman eh.”
Pinaikutan ko nalang ito ng mata at kinuha ko na yung backpack ko at bumaba ng sasakyan. Umalis na din sila.
“Oy karlita, wait! Hinatayin mo ko!” Tawag sakin ni Demi. Si Demi nga pala pinsan ko. Kasing age lang yan ni Karlito. Dito daw muna siya titira kasi mag aaral daw ulit. Nasa abroad kasi yung parents niya kaya nag stop. Wala daw mag aalaga sa baby nila. Pinsan ko nga pala sila sa mother side. Anak siya ni tito Drew (kuya ni Mama) Ang astig nga eh. Kapangalan ni Boy kati—Tito Drew na ka-frat ni Dad.
Almost a month din kaming nag stay kila Lola Mami tapos sumama na sila dito. Kaya nga naging bondat nanaman ako kasi puro kain don eh. Haha.
“Easy lang. Mahina kalaban.” Biro ko. “Tsaka wag mo nga kong tawaging Karlita!”
“Sorry na! Eh kamuka mo naman kasi si Karl.” Sagot niyang pagkalakas-lakas. Yong totoo nakalunok ba ‘to ng megaphone? Lakas ng boses.
“Tss. Kay. Ako na diyan.” Sagot ko nalang. “Kay baby ah. Ikaw sa maleta. Ano ka chicks?” Dagdag ko. Tumawa lang siya.
Sinama din namin si baby Eli. Kapatid niya. Wala kasing mapagiiwanan kaya nag decide sila Mama na kupkupin na din pati si Eli na sobrang ikinatuwa namin nila kuya.
“Wag mo ihulog ha!” Nagpapanic niyang sabi. Ang oa kahit kailan.
“Oh, wag ka iiyak!” Biro ko at binuhat yung baby na natutulog. Pinagmasdan ko ito at ang namumula at matabang pisngi. Ang kyot lang! Nakakagigil. Hahaha.
“Bunso kami na diyan.” Sabi ni kuya Karl nang mapadaan ako sa harap nila at makitang buhat ko ang bata sa isang kamay at dalawang travelling bag naman sa kabila. Tutulungan sana ito ng helpers pero agad niya itong pinigilan at si Drake ang pinatulong sa kaniya.
“Neiji ako sa baby, ikaw don!” turo ni Drake sa mga bag na kinuha sakin ni kuya Karl. Mahilig din kasi sa baby si Drake. Lahat naman kami eh. Lalo na si Dad.
Napanguso na lang ako at napilitang ibigay dito si Eli. Kainis.
~*~
Kakadating namin ni Mama at Demi galing sa pamimili ng school supplies. Isang linggo na din ang nakalipas buhat nang tumira sila dito sa Manila. Nangmakarating kami sa Sala at marinig namin ang usapan nila Dad agad kaming napabuga ng tawa. Si Mama naman ay nag patay malisya na lang sa narinig.
“Sinong gwapo?”
“Titi Karl!”
“Who else?”
“Dedeee!”
“Who else?”
“Titi Dlake!”
“Who else?”
“Titi Gowiii!”
“Good boy! Give me five!”
“Fiiiiiive!! Hihihi!”
“Ma, punta lang po ako kila Dad, bibigay ko po ‘to kay Eli.” Natatawang paalam ko kay Mama at iniwan sila ni ate Demi at agad pumunta kina Dad.
“Who wants Cake Pops?” Singit ko sa conversation nila habang may bitbit akong limang box ng Pizza para kila Dad. Nang lingunin ko ang mga Tukmol, busy na sila sa panonood ng Adventure Time sa TV. Napailing na lang ako. Mga isip bata talaga hahahaha.
Pero imbes na si Eli yung sumagot, SILA KARLITO ANG SUMAGOT! Napatawa nalang ako sa mga ito. Ang talas ng pandinig pag pakain eh.
“Me!” In chorus pa nilang sabi. Watdafak bro!
“Kay Eli to hindi sa inyo! Pizza ang inyo. ” Natatawang sabi ko saka nilapitan si Eli at hinalikan ito sa pisngi. “Eli you want this?” Tanong ko at binuhat siya.