“Because I’m happyyyyyyyyyy!”
“Karlito ano ba?! Tignan mo ginawa mo! Natalo ako! Wala na! Wala na! Kainis!” sigaw ko kila Karlito dahil namatay ako sa nilalaro sa psp. Kinakanta kasi nila yung pinapa tugtog. Kainis talaga. Saglit na tumugil ang mga ito pero nag ingay na naman maya-maya.
“I’LL GET OVER YOU! I KNOW I WILL!!!”
Napatalon ako sa upuan dahil sa sigaw nila. Sinasabayan nanaman kasi nila yung King of wishful thinking ng New found glory na pinapa tugtog maya-maya.
Badtrip talaga to sila Karlito kahit kailan. Ito ang ayoko pag nakompleto ang 3 idiot eh. Tsk. Dapat sa likod nalang ako umupo o kaya kila Dad nalang ako sumabay eh. Argh. Azar. Sarap maglayas kahit 2 hours lang. Sarap magbigti.
“Ang ingay! Pwede ba?!” nandidilat na singhal ko sa mga ito. Pasalamat sila exited na kong mag Surf. Naka board shorts na nga ako tas flip-flops eh. Di naman halatang atat na ko ‘no? Hahahaha.
“Ang ingay! Pwede ba?!” gaya nila sakin at tumawa ng mapang-asar. Ha-ha-ha. Pinaikutan ko ng mata ang mga ito.
Sarap pag bibigwasan. Pigilan niyo ko, Pigilan niyo ko!
“Ay grabe kuya nakakatawa! Ha-ha-ha.” I said sarcastically at nagbilang kunwari ng tatlo.
“Sino nag away? Sino? Sino?” sabat ni Ya Gori na niyuyugyog ang balikat ko. ARGH! Nang panlisikan ko ito ng mata ay tumigil namaan na ito sa pang a-asar sakin.
“Because I’m happyyyyyyyyyy!” pakantang asar naman ni Karlito.
“Shut up kuya! Ano ba?” singhal ko dito. Nakaka inis kasi yung mukha nito. Nakakaasar lang. Ang lakas ng sapak.
“Uy galit na siya. Galit ka na? Galit ka na? Galit ka na?” singit ni Drake at kinalabit ako ng maraming beses na lalong nagpa-inis sakin.
Bakit ba kasi ako umupo sa gitna nila eh! Grrrr! Nakakainis talaga sila kahit kelan! Pero mabuti na ding inaasar nila ako dahil hindi ko naiisip ang---si---tss. Wala. Never mind.
Tumigil ka na sa kakaisip mo sakaniya Ken. Isaksak mo sa kukote mong hindi ka nila tanggap. Wag ka nang umasa.
“Kuya Chris, palit po tayo please?” pakiusap ko kay kuya Chris na nasa harapan. Katabi niya si kuya Brown na driver ng sasakyan. Magkapatid sila.
“Kuya wag!” sabay sabay na sabi ng 3 Idiots kay kuya Chris kaya tumawa lang ito at hindi nakipagpalit sakin. Kainis ka kuya Chris ah! Di na kita she-share-an ng merienda ko. Hmp. Wala na akong nagawa kaya pinagpilitan ko nalang isiksik yung sarili ko sa tabi ni Ya Gori dahil sigurado akong hindi na ako aasarin nito. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naalimpungatan nalang ako nang gisingin niya ako at sinabing nandito na pala kami sa Resort na pag mamayari ng family nila Mom.
~*~
“Hahahahahaha! Ano ba naman yan kuya! Mag salbabida ka nalang kaya?!” Asar ko kay Ya Gori. Lagi kasing itong nalalaglag sa surf board. Malapit pa sa shore to ah. Pano pa kaya pag lumayo pa kami? Baka malunod na siya. Ako na talaga ang mayabang kanina pa. Hahaha.
“Taena Gori, ano yan? Hahaha! Anong katangahan yan?” Singit ng tawang-tawang si Kuya Karl.
“Ano ba yan kuya. Mas magaling pa sayo si Manang Ken.” Drake.
Anong manang?!! Sapakin ko tong, bull crap na ‘to eh!
“Ge.” Sagot ko nalang.
“Ay, di ka nga pala manang. Tomboy ka pala.” Sabi niya sabay tawa ng malakas. Sila Karlito ay amused lang kaming pinapanood. Tila aliw na aliw Sa pag aaway namin.