“kring! Kring! Kring! It’s time to wake up! It’s time to wake up!”
“Hmmmmm!” I groaned as I stretched my body and turned off my alarm, but wait, why am I speaking english, I’m not supposed to speak this way. Hahaha.
Nag sign of the cross muna ko bago mag unat.
Wait.
Namilog ang mata ko nang may ma-realize at dali-daling napabangon sa bed.
Pero tae naman! Inaantok pa ko eh!
Huhuhu.
Agad kong sinuot ang ‘Jake the Dog' kong indoor slippers at dumeresto sa closet para kumuha ng towel. Agad ko ding tinungo ang banyopara makaligo na.
Pagkatapos kong maligo at magbihis dumretso na ko sa dining area para mag breakfast.
My favorite part of the day. Hehehe.
“Good morneng Kin.” Bati sakin ni Ate Angie. Kasam-bahay namin siya since five years old ako, I think?
“Good morning po.” I smiled. “San po sila Mama?” Dagdag ko at nagsuot ng relong pambisig.
“Ay, maaga silang umales, 3:30 AM palang. May imergency daw kasi sa ospital niyo. Anong gosto mong kaenin, ipag hahanda keta.” Sagot niya at dali-dali akong pinag sadukan ng pagkain na agad ko namang pinigilan. May kamay naman ako kaya bakit kailangang siya pa ang pakuhain ko? Madami pang gagawin yan eh, kaya ko naman. Haha.
“Si Drake po nasaan?” Tanong ko nang mmatapos oagsandukan ang sarili.
Ganto talaga ko lagi. Mag isa. But I’m used to it. Wala namang kaso. Naka condo sila Karlito pati ate Demi dahil malayo ang school. Tas si Drake naman late gumigising lagi. Kung hindi late ay umalis ito at gabi na ang uwi. Sila Mom naman ay madaming inaasikaso sa trabaho. Kaya ang siste, mag isa lang ako nag be-breakfast lagi. No, mag isa lang ako sa bahay lagi. Mga helpers lang ang madalas kong kasama pero madalang ko lang makasalamuha ang mga ito.
“Ay, nako asa ka pang gegesing yon ng maaga. Sanay yon ma leyt kahit ferst day of class.” Sagot niyang tumatawa.
“Sabi ko nga po eh. Tara po sabay na lang tayo kumain. Bawal tumanggi, papa kagat ko kay Barky.” Yaya ko sakanya. Si Barky ang German Shepherd ko. Isa sa pinaka malaki kong aso.
Natawa lang siya at umupo sa harap ko. “Ikaw talaga, loko loko ka.”
Tinawanan ko na lang ito at sinimulang ko nang kumain. Hindi muna kami bati ngayon, galit-galit muna. Hahaha.
“Hoy, Neijiballs nandiyan na yung service. Ayos ka talaga eh. Pinaglakad mo nanaman ako ng malayo.” Biglang supot ni Tukmol. Pahingal-hingal pa ito at halatang bagong ligo dahil basa pa ang buhok. Amoy na amoy din ang pabango nito. Versace Eros.
Siya na ang mayaman. Ako nga Baby Bench lang ang pabango eh. Hahaha.
“Ayaw mo non, exercise?” Pilosopong sagot ko. Alam naman kasi niyang lalakarin pa yung gate namin para maka pasok dito, di nalang ako pinatawag sa guard. Sinong bopols?
Edi yung gate kasi malayo sa bahay. Joke lang, haha.
“Kain.” Yaya ko sa kanya.
Hindi yan tatanggi.
“Sure, why not?”
Napangisi ako.
~*~
Pag pasok ko sa school nakita ko agad yung mga ka-team mates at ilang kakilala ko. Binati ko na lang sila. Kasama ko din si Tukmol at as usual, siya nagbuhat ng bag ko. Kaso lang mag c-cr daw muna siya kaya nauna na kong maglakad.
“Ako na lang magdadala nito sa taas. Ge alis na!”
Paakyat na sana ako kaya lang may biglang humigit sakin.
“Miss. Wag ka nang pumalag, hold up to. Akin na baon mo gutom na ko.” akbay nito sakin kaya naman agad kong pinagpalit ang pwesto namin nang hindi niya namalayan. Siya na ngayon ang pinupuluputan ko ng braso sa leeg. Agad naman itong napaaray.
Bente na nga lang yung baon ko eh.
“Pasensya ka na. Wala kasi akong pera eh.” Nakangusong sabi ko dito na sa lupa nakayingin. Kung may pera lang sana ako bibigyan ko naman siya kaso wala eh.
Siguro ibibigay ko na lang sa kaniya ang baon kong pakai---
Napatigil ako sa pagiisip nang magsalita ito.
“A-aray Ken! Bitawan mo na ko please. Si Kent ‘to!”
Agad ko itong binitawan at namilog ang mata ko nang makitang si Kent nga!
“Homieeee!!!” Sigaw namin parehas at nag brofist. Kinurot din nito ang pisngi ko. Inis na hinawi ko ang kamay niya palayo sa pisngi ko.
“The f Kent! Ang tangkad mo na ah! Kala ko hanggang ganon ka na lang dati eh!” Sabi ko sabay sinuntok ng mahina yung braso niya.
“Haha oo naman! Lumaki nga din yung ANO ko eh.” Naka ngising sabi niya.
Pinanlakihan ko ito ng mata. “Tss. Ang bastos mo talaga!” Natatawang sabi ko. Knowing Kent malamang ay may pagka ‘L' na naman ang sinasabi niyan. Hahaha
Natawa siya. “Yung KAMAY kasi! Exited ka kasi masyado, di pa nga tapos eh. Ikaw ka-babae mong tao ang L mo eh. Ay. Lalaki ka nga pala.” Sabi niya at bigla niya ko inakbayan. “JOKE LANG BESPREN! WAG MO KONG TAEKWONDO-HIN! MABABAWASAN YUNG GWAPO SA MUNDO.” Dagdag niya at napa ngiwi. Napa tawa nalang ako. Abnoy talaga ang isang ito kahit kailan eh. Hahaha.
“Tss. Sira.” Sagot ko at nagsimula na kaming mag lakad.
“Oy, anong section mo nga pala?” Tanong niya maya-maya. Napansin kong tila kilig na kilig ang mga school mates naming mga babae at binabae na nadadaanan namin na hindi naman alintana ng isa. Oblivious as ever.
“Devotion.” Panloloko ko. Section namin yon nung second year.
“Joke ba yan Homie? Sabihin mo kung kailangan ko tumawa ha?” tinapik nito ang balikat ko na tila binibigyan ako ng simpatya. ANG GAGO TALAGA KAHIT KELAN! Hahahaha.
“Oh, wag ka iiyak Barney. Darwin ako. Kalma lang!” tinapat ko sa kaniya yung dalawang kamay ko.
“Oy, classamates tayo!” Masayang sabi at inakbayan ako ng mahigpit.
Tuwang tuwa? Hahaha.
“OY TALAGA?! GRABE NAMAN YON!” sagot ko in a sarcastic way.
“Tara na nga let’s go upstairs na! Masyado na nating na enjoy yung conversation natin ehhh.” Maarteng sabi niya na parang ini-imitate si George.
Bigla ko tuloy naisip ang lukaret na yon. Kumusta na kaya siya? Buhay pa ba yong nilalang na yon? Wahaha, joke lang. Sa tingin ko, baka bukas pa papasok yun.
“Kay.” Sagot ko nalang at umakyat na kami.
Pag dating namin sa classroom kahit saan nalang kami umupo. Wala pa naman kasing seating arrangement kasi kakapasok pa lang naman namin.
Madaming kumakausap sakin na kadalasan ay hindi ko naman kilala. Nag greet na lang ako sa kanila dala na rin ng mabuting asal. Magiging ka-close ko naman din sila eventually. Maybe… hahaha. Titignan ko.
“Oy bro!” Sabay na sabi ni Tukmol at Kent nung nagkita sila at nag fist bump. Tapos nag daldalan na kaming tatlo. Nasa gitna namin si Kent tapos may isa pang vacant seat kaya don ko na lang nilagay yung bag ko.
Maya-maya ay may biglang dumating na lalaki. He must be our first subject Teacher. Or adviser maybe? Malaking lalaki ito at mukhang terror kaya agad na napatigil ang buong klase sa mga pinag ka-kabusy-han. Parang naging instant library yung room namin sa sobrang tahimik.
Tumikhim muna ito bago magsalita. “Please stand up class.” Sabi nito sa ma-otoridad na tono. Agad naman namin itong sinunod.
“Good morning Sir.” Bati ng buong klase dito.
“Shit, mukhang masungit!” Bulong sakin ni Kent nang biglang…
“Good morning class! It’s nice to meet you! I’m your Sir. Lee Bog. Very pretty!”
Eh?
Bigla kaming napa buga ng tawa lahat pero pinigilan din naman namin agad. Laugh trip. At yung pangalan niya men!
Agad kong tinakpan ang bibig ng panyo para hindi matawa.
“Dude, what the fuck?!” Sabi ni Kent na tila litong lito sa mga pangyayari. Napahawak pa ito sa sentido.