Chapter Twelve

1.4K 39 0
                                    

"Karlito heeeeelp!"


Bulong ko kay Karlito na nasa tabi ko. Nine-nail art kasi kami ni ate Gladys! What the faaak!


Kala niyo nahuli niya yung pinag u-usapan namin no? Akala ko rin eh hahaha. Sabi niya lang naman; 'Ano to guys?! Bakit di niyo ako sinama?' Buti nalang wala siyang narinug sa mga pinag usapan namin.


Napaka kunsintidor ko talagang kapatid kahit kailan. Tss. Ewan ko ba. Bakit nga ba? Hahaha.


Sobrang babaeng babae ito at mahilig mang makeup. Ganon 'yung mga trip niya. Minsan nga pag pumupunta sila kuya Bryant sa bahay may nail polish na sa mga daliri eh. Di kami maka tanggi every time na pinag di-diskitahan niya kami. Siga rin kasi yan eh, parang si Mama lang. Bahahahaha.


Imagine ha. Dala niya pa lahat ng mga make-up niya dito sa music studio. As in buong Vanity nuya! Like, what the hell? Jusko po Rudy!


"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan dito? Kami rin naman, hindi ka nag i-isa!" Pabulong na reklamo nito.


"Your turn naman Drake-Drake! Tara dito, make-up!" she happily said at hinila si Drake. Guess what? Naiiyak na 'yung damuho, hahaha. Siya na lang kasi yung hindi nalalagyan ng kung anu-anong kolorete sa mukha at laso sa buhok.

Isa isa ko silang tinignan.


Ang gaganda pala ng mga to pag babae. Pag babae lang ha, feel na feel naman nila masyado. Pangit pa rin sila sa paningin ko kahit ano pang mangyari.


Inakbayan ako ni ya Gorilya, "Ang ganda ng baby namin oh! Lalo na siguro pag naging babae 'to. 'No guys?" pagka sabi niya nito ay napa tingin silang lahat or I should say, napa titig. Except lang kay Tukmol kasi nag iwas agad ito ng tingin.


Okay, this is awkward.


"I agree!" they said in chorus.



"Tss. Tigilan mo nga ko kuya. Wala kong barya."


"Ayieeee. Kunwari pa...!" Asar nito sakin at sinundot-sundot yung tagiliran ko na tinawanan naman ng iba. Gusto ko silang paikutan ng mata. Tss.



"Oo nga naman ken! Ayaw mo bang maging babae?" natatawang tanong ni ate Gladys.


Nag init ang ulo ko sa tanong niya.


BABAE AKO!


Eh sa ayaw ko yung mga ginagawang chuchu ng mga babae eh! Tignan mo nga yung ginagawa niya! Ano bang paki nito?! Pasalamat ka lang ate Gladys at mabait ka sakin, nakuuu...! Bahaha.



BABAE AKO ATE GLADYS TANDAAN MO IYAN HA?! "Babae po ako ate. Babae."


She let out a chuckle. "I'm just askin'." then continued what she was doing.


Pagkatapos 'non di na ko nagsalita at sa kabutihang palad ay hindi na rin naman nila ako kinausap.


"Picture guys daliiii!" exited na sigaw nito maya-maya matapos niyang i make-up si Drakey.



Patay na naman kami nito. Ibang klase talaga ang mga trippings sa buhay ng nilalang na ito. Tsk tsk. Hays.




~*~


Mula sa pagme-make up, napunta kami sa pag kanta at pag tugtog ng mga instruments. Ganiyan kalakas ang trip namin. Pagbiyan niyo na, walang basagan ng trip mga pre. Hahaha.  Baka mamaya niyan nasa Gaming Room na kami. Hahaha.


ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon