ASTIG!

8.2K 185 19
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2014 obskyur

All rights reserved.







Prologue




"Daaaaaad!!"

Hindi magkanda mayaw na sigaw ng dalawang batang sina Karl at Gori sa kanilang daddy habang pumapalahaw ng takbo pababa ng hagdan. Muntik pa ngang mahulog si Gori. Buti nalang at nasalo siya ni Karl.

"Oh?! What's the matter kiddos?" nag aalalang tanong ni Kenji sa kanyang mga anak at tumigil muna sa panonood ng Dallas Mavericks vs. Minnesota Timberwolves. Siguro'y nag away na naman ang mga ito dahil sa beyblade o pogs. O baka kinagatan na naman ni Karl ang nuggets na kinakain ni Gori. Mga lokong bata talaga.

Medyo nang-hinayang nga ito dahil 3 minutes na lang at Fourth Quarter na. Pero dahil mahal niya ang kanyang mga anak, nilapitan niya na ito. He'll never trade anything for his Children.

Ang drama lang, ang drama?!

"Mom is screaming po! Ni-papatulog niya lang po si Drake then she said her tummy hurts! What's happening po, Dad? Natatae po ba siya?" they shouted in chorus. Magka hold hands pa ang dalawa habang kabang-kaba ang itsura.

"I think she'll gonna poo a lot." Wala sa sariling sabi ni Gori.

Napatawa siya sinabi ng inosente ngunit pilyong anak. Walang duda. Anak ko nga ito. Napatawa ito sa naisip.

"I think your Mom is going to give birth. You're going to have a new baby brother kiddos!" masayang pahayag nito.

They just look at their father, scrutinizing him. Na parang sinasabing; 'Di nga Dad? Wag kami, wala kang maloloko dito uy. Iba nalang.'

Kenji just hapilly nodded and gave them a thumbs up.

"Woahhhh! Really Dad?! Lalabas na si baby natin?!" biglang nag twinkle yung mga mata nila.

"Yes. I'm not kidding, ya know." He wiggled his eyebrows and smiled. May tinawagan ito sa cellphone pagkatapos. Bestfriend at kaklase sa Med School niyang si Drew. Magkalapit lang kasi ang bahay nila. Five blocks away lang. "Hello pre. Can you look after my kids? Manganganak na yata si misis eh. Okay thank you so much pre!"

Biglang nagka tinginan ang tatlo.

"Ayun po ba yung bola sa tummy ni mom, Dad?" tanong ni Karl.

Natatawang tumango si Kenji at ginulo yung buhok ni Karl.

Kids nowadays. Naisip niya habang tumatawa.

"But... Mahal niya po ba yon? Did she love him?" tanong pa nito ulit habang naka nguso.

Binuhat niya ito at kinurot ang namumula at chubby na pisngi sa sobrang ka cute-an. "Very much!"

"Then why did she eat him?" namimilog ang matang tanong nito.

Natawa ito at ginulo ang buhok ng anak. "Maiintidhan mo rin 'yon pag laki mo. I'll go to your mom lang, baka lumabas na si baby boy."

"Pre!"

Napalingon siya sa kaibigang dumating. Tila hingal na hingal ito at nakahawak sa dibdib. Halatang tinakbo nito ang papunta sa kanila.

"Salamat talaga pre, ikaw na muna ang bahala sa kanila ha? Pag umiyak si Drake tawagan mo lang ako ha?" Pagkatapos tumango nito ay nag fist bump sila.

Nilingon niya ulit ang mga anak. "Take care of yourselves okay, mga pare? Tito Drew will look after you, wag makulit ha? Apir tayo diyan." Sabi niya sa mga anak na kala mo ay barkada niya lang ang mga ito at isa-isa itong hinalikan sa ulo bago siya nagtata-takbo paakyat sa asawa niyang tila manganganak na. Pasuntok suntok pa ito sa hangin habang umaakyat.

Dead air reigned for few seconds.

"Oh. my.. gosh..." Bulong ng dalawang bata. Their eyes winded.

Tinignan nila ang nakangiti nilang tito Drew at hinawakan ito sa kamay.

"Tito..."

"We will have a new baby brother! Yes! Yes! Yes!" Masayang tili ng mga ito. Naglulupasay na sila sa sahig sa sobrang tuwa at ni-wrestle ang walang kamalay-malay nilang husky. Ang tito Drew naman nila'y tila bata ding naki-ki talon. Nahawa sa kasayahan nila.

Ang saya talaga ng dalawang bata. Excited na silang magkaroon ng bagong kalaro.


~*~

"Calm down Misis. Enhale... exhale... okay push..." mahinahong sabi ng Ob Gyne.

"You can do it. I know you can. Ikaw pa ba? Eh kaya mo nga akong bungangaan maghapon. Imba ka eh." tumatawang bulong nito sa asawa habang hawak ang mga kamay nito. Nakuha niya pang magbiro pero ang totoo'y halos maihi na siya sa salawal dahil sa kaba. 

Nahihirapan ma'y napangiti ang asawa. Kung hindi lang ako nagle-labor ngayon baka natampal ko na ang lalaking ito. Naisip niya.

"N-nakuha m-mo pa talagang---"

"Misis push...!" sabi ulit ng doctor.

"Aaaaaahhhhh!!!"

"Kaya mo yan... Konting tiis nalang. Nandito lang ako." He shakingly tightened the grip of their hands.

Napadasal na siya sa halos lahat ng nag e-exist na santo sa mga oras na iyon dahil sa sobrang kaba.


Few hours later (Spongebob Version)

"Congratulations Mister! It's a bouncing baby girl!" masayang bati ng Doktora kay Kenji.

His jaw dropped. He is more than flabbergasted.

He's so bewildered.

Akala kasi nito ay lalaki na naman ang kanyang magiging anak dahil nga ang kanyang mga anak ay puros lalaki at ayaw sabihin sakanya ng asawa ang gender. You know, mood swings.

Ang pina gawa niya pa ngang kwarto para dito ay Navy Blue ang kulay. May mga posters pa ng mga Basketball Players. Hindi naman umangal ang asawa doon kaya inakala niya na lalaki ulit ang magiging bunso nila.

Pero sandali lang naman ito at agad napalitan ng malaking ngiti. Naisip niyang anak niya pa rin naman ito, hindi naman ito napalitan nang ibang bata kaya bakit ba magrereklamo pa siya? Reklamador lang? At may magagawa pa ba siya? Alangan namang ibalik niya ulit ito sa tiyan ng asawa niya upang magkaroon ng magic at maging lalaki ito?

"Thanks bro!" Nasabi niya nalang sa sobrang kasiyahan at nakipag brofist sa Doktora.

"Y-you are welcome Mister! C-congratulations..." Nakipag brofist nalang din ito kahit shocked. Bruh! Nasa late 40's na ang edad ng 'Doctor' at babae pa ito. Tapos makikipag brofist? Just wow!

"Hi there Cutiepie! Your name will be 'Ken Neiji.' I love you." Masayang pagka-kausap nito sa kanyang anak na akala mo barkada niya lang ito at binuhat bago ito halikan sa noo.

ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon