Chapter Fifteen

1.3K 32 0
                                    

“Itzu ayaw ko. Nakakahiya! Fuu---I mean—sandali! Please naman Homie.”


“Hindi na pwede! Naka register na yung names natin ‘don. Tsaka one week sa DQ, ayaw mo pa? Besides, hindi pa kasali yung sa pustahan don. That was a good deal, don’t you think? Halika na Ken, dali na. You can do it.” pagaalo saking parang bata ni Itzu habang pinag tutulungan nila akong buhatin nila Tukmol. Pati si Kuya Drake ay nakisali na rin dahil walang makapilit sakin. Ngayon na kasi yung audition. Ako daw yung magiging Vocalist at Bassist, siya yung Rhythm, si Tukmol lead at si Jayden yung Drummer. ‘Euthanasia’ ang napag kasunduan naming name ng Banda.



Alam mo kung saan?


Sa gym lang naman! Manonood lang naman lahat ng students, yun lang naman.


Huhuhu.


Ano namang paki ko sa DQ niyo? Kaya ko din namang bumili niyan! Grrrr.


Why do I need to be dragged in this situation ba kasi? Nananahimik ako eh! Nagbabasa lang ako tapos bigla nila akong hinila para pumunta dito. Tss.


“Wag ka na ngang maarte diyan Neiji! Bakit ikaw lang ba? Ha? Kami rin naman nahihiya eh. Dali na halika na.” Tukmol.


“Oo nga ken. And sayang naman.” Jayden.


“Tama siya! Tsaka di na daw pwedeng mag back out eh.” George.


Makapag salita tong si George akala mo kasali din eh, no?! Kung normal na araw lang to malamang ay natawa at pinag a-asar ko na ito.


Pinandilatan ko ng mata ang mga ito. “Just give me a second, can you?!” Hindi ba pwedeng magnilay-nilay muna? Kailangan nandon agad?! Excited lang? Hahaha.


Nang marinig ko yung mga Seniors na nag a-audition ay para akong pinag sakluban ng langit at lupa. Dumadagundong kasi sa buong gym ang tunog ng instruments at boses nila. Idagdag mo pa yung tilian ng mga estudyanteng nanonood. Ang gagaling naman kasi nila! As in.  Samantalang ako...


Pwede kainin muna ako ng lupa? Pwede mamatay saglet? Nakakaloka!


“Ehhhhh! Sa Bass or Drums nalang kasi ako…! Please naman oh! Wag na ko kumanta please?” nagpapapadyak na pagmamakaawa ko sa mga ito. Nanghihingi ng tulong din akong tumingin sa kuya ko pero hindi man lang ako niligtas nito. Nakisali pa ito sa pamimilit sakin.


Wow Drake ha? Tatandaan ko talaga ‘tong araw na 'to, hindi kita pagtatakpan kapag nadatnan kang wala sa bahay nila Mama mamaya akala mo diyan. Hmp. Hahaha.


“Di nga pwede!” pinandilatan ako ng mata ng mga ito.


Kayo na ang synchronized!


“Tsk! Pag sinisi-sisi niyo ko pag tayo hindi naka pasok! Ginusto niyo yan ah!” frustrated na sabi ko sa mga ito at napahilamos sa mukha.


Sa Vocalist kaya halos naka salalay yung magiging judgement! Tas mag be-bassist pa ko. Tsaka sure na kong hindi na sila magkakamali. Magagaling nanaman sila eh. Kahit pa pumikit sila o magpatiwakal o kahit sa kisame sila tumutugtog sure akong kaya nila. Ako nalang talaga yung problema. Ang sarap mag bigti!


“At least we tried. Yun ang mahalaga okay? Wala tayong sisisihin.” Sila na talaga ang sabay sabay.





~*~




Kami na yung next.


At MAKAKALABAN NAMIN YUNG 3 YEARS DEFENDING CHAMPION KUNG MAKAKA PASOK KAMI! AYUN PALA YUNG KAPUSTAHAN NILA JAYDON!


Kumusta naman iyon? ANSARAP LANG NILA ITLUGAN! Ano namang laban namin don ha? Ha? Sabihin mo nga?! De joke. Hahaha.


Pero ‘kung’ matatalo man namin sila sa Foundation Day, makaka gawa kami ng record pag nagkataon.


“Euthanasia, get ready.” Sabi ng Activity Coordinator.


“Opo Sir.” Sagot nila.


“GO GUYS! KAYA NIYO YAN!” pagchi-cheer ni George at nagtiti-tili ito na akala mo'y naghi-hysteria.


Ang oa, ang oa? Hahaha.


Nang hilain ako ni Jaydon papunta sa stage kung saan mag o-audition, kinabahan talaga ko. Nakayuko lang ako hanggang sa matapos kaming mag sound check. Sa bass guitar ko lang itinuon ang atensyon ko kahit anong mangyari. May mangilan-ngilang tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko sila nililingon, kunyari ay hindi ko naririnig.


Eh sa nahihiya ako eh, palit kaya tayo?


“R-ready na ba kayo guys?” tanong ko kila Jaydon kahit alam ko namang ako lang ang hindi ready nang maperpekto ko na ang tono ng bass.


Eh, sa hindi nga ako ready eh bakit ba? Huhu.


“You’re the only one who’s not.” Sagot ni Itzu. Pano siyang hindi magiging ready? Eh siya nga may pakana nito eh! Tss. Ang sarap lang sakalin!


“Group hug muna guys!” pagkasabi ni George niyan ay nakulong ako sa yakap nila Itzu. Ang bwisit na kuya ko nakisali din sa yakapan, kinutus-kutosan pa ko. My gadh kuya!


“Let’s do our best, yeah? Ken, wag mong kakalimutan yung kausapin mo yung audience ah.” Sabi nila at nag dasal.


“Give it up for… EUTHANASIA!”

ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon