Chapter Sixteen

1.3K 39 10
                                    

"Drake, wag ka ngang mag mag turn table! Ang ingay mo."

Namimilog ang matang saway ko kay Drake dahil nai-istorbo yung panonood namin nila Tukmol sa YouTube. Tawang tawa na nga kami kay kuya Jobert eh asar tong lalaking to eh hahaha. Kakatapos lang naming mag practice para sa battle of the bands. Saglit itong tumigil pero tumuli ito maya-maya kaya gulat kaming napatingin dito. Ambading talaga neto. Hahaha.

"Ahhh!!!"

Nanlaki ang mata ko nang makita kong nabagsak pala nito yung gaming headphones ni Kuya Karl at ang masama pa doon ay nakalas ito! "Hala Drake!"

Nang mapansin kong hindi manlang nito pinulot yung head phones ay ako na lang ang pumulot non. "Pano 'yan Drake? Limited Editon pa yata 'yan." Nag a-alalang tanong ko dito. Sa pagkakaalam ko 250 USD ang presyo ng Headphones na yon dahil kasama ako nang binili ito. Ganon kaarte si Karlito. Ako nga basta buo ang tunog ng headphones na gagamitin ko pag maglalaro ng computer, ayos na eh! Pero sabagay, pera niya naman ang pinangbili don bakit ba ako nangingialam? Hahaha.

Sila George nanood na ulit dahil hindi naman ugali ng mga itong makialam sa mga bagay-bagay-which I admire about them to be honest.-pero maasahan mo naman sila kung sakaling kelangan mo ng tulong.

Kinalabit ko ito, "Hoy, pipe ka ba? Ano nang gagawin mo?" sabi ko. Di kasi nagsasalita eh. Muahahha.

Napangiwi ito, "Neiji. Kakabili ko lang ng sapatos kahapon, ubos na ang pera ko. Kalahati nalang yata ng presyo niyan yung natira. Malalagot ako kay kuya nito." Nanlulumong saad nito at napamura ng ilang beses. Hindi kasi namin ugaling sila Mama ang pag bayarin ng mga nasira namin kahit okay lang naman sa kanila.

Kutos talaga ang aabutin ng isang 'to kay Karlito pag nagkataon. Bahagya tuloy akong natawa sa naisip. Minsan lang kasi yan makatikim ng 'kutos de kalimot' ni Karlito. Pero ako madalas lalo na nung bata ako. Tss. Ang mean talaga nila kabanas lang.

Napangisi ako. "Ano ka ba naman? Syempre naman, tutulungan kita! Ako na bahala sa half." Sabi ko at inakbayan siya. Buti nalang at may ipon ako. Marami-rami na din naman yon dahil bukod sa lahat ng perang sapilitang binibigay sakin nila Dad ay hindi ko nagagastos, yung baon na binibigay nila eh bente lang naman yung dinadala ko sa school. Pang streetpuds ko lang sa uwian. Hehehe.

Ang hirap niya lang akbayan kasi mas matangkad siya sakin ng konti. 5"9' na siya ako, 5"5' pa lang eh one year lang naman ang tanda niya sakin. Bakit sila Karlito one year din yung age gap pero halos half an inch lang?

He grinned. "Really?" masayang tanong niya.

Ang saya-saya mo kuya ah? Hahaha.

"Oo naman! Pero siyempre... in one condition." Kinindatan ko ito.

Napa kamot ito ng ulo, "Anong kapalit 'yan? Ikaw talaga ang kuripot mo kahit kailan. Bakit ka ganiyan?" ANG OA DRAKE HA?

"Kasi ganon talaga. Hahahaha." Ngising asong sagot ko dito at nag 'pogi' sign.

"Neij, naman-"

"Deal or No deal? It's so easy lang naman eh. If I were you, papayag na ako. Ikaw din..." I smirked, wiggling my eyebrows.

"Siguraduhin mo lang, Neiji ah! Okay, sige na, deal. Whatever tss." Wala sa loob na sabi nito. "What is it?" dagag niya pa.

"Magiging bassist ka lang namin. Easy peasy right-"

"Yun lang ba? Hahaha. Sige ba! Sa dami ba naman ng admirers ko sa school. Audience impact pa lang baka ako na ang mag panalo sa inyo!" gusto ko itong paikutan ng mata dahil sa kayabangan niya.

ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon