Ilang linggo na akong ginugulo ng tatay ni dad.
Kagaya ngayong kakagaling ko lang ng training at kakalabas ko lang ng school. Nakakainis na. Bakit ba ayaw niya akong tigilan? Lakas din ng trip nito eh. Wala siguro itong mapagtripan sa kanila kaya ako ang ginugulo.
Ilang linggo na itong hintay nang hintay sa harap ng school kapag uwian. Paulit-ulit din itong tawag ng tawag sakin na never kong sinagot. Araw-araw. As in. Walang araw na hindi ako nito tinatawagan, pinapahatidan ng mga pagkain at kung anu-ano na hindi ko naman tinatanggap. Mamaya isumbat niya pa yun sa huli. Mahirap na. Isa pa hindi ko kailangan ng mga yun. Anong gagawin ko dun?
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pag vibrate ng cellphone mula sa bulsa ko. Nang tignan ko ito ay nakatanggap pala ako ng text mula sa tatay ni Dad. Alam kong sakaniya galing yun. Kasi kabisado ko na ang number nito kakatawag at kaka-text niya sakin. Sa sobrang dalas ng pangungulit nito sakin ay binabasa ko na lang din ang mga messages niya. Noong una ay dine-delete ko kahit hindi ko pa nabasa pero napagod na din ako nang magtagal. Sayang ang effort. Hahaha.
Araw-araw na lang. Kainis. Wala ba itong mga text mate?! Sa isip-isip ko bago basahin ang mensahe nito.
From Unknown:
Hello my child. Good afternoon. I have watched you play basketball a while ago. You are an amazing athlete just like your dad. I have also learned that you are a very bright kid. That is wonderful. I want you to know that I am beyond proud of you. Keep on doing what makes you happy. Love, Grandad.
Pagkabasa ng message ay hindi ko na inabalang mag reply dito at ibinalik ang phone sa bulsa ng bag ko. Iba rin itong tatay ni dad eh 'no? Sa lahat ng matanders siya ang mahilig mag text.
Minsan naiisip ko kung totoo ba ang mga ginagawa nito? Kung mahal niya ba talaga kami gaya ng sabi niya at nagsisisi na siya?
Minsan lumalambot na ang puso ko dahil sa mga mensahe nito. Minsan gustong gusto ko nang magpatawad. Pero pag na-aalala ko kung bakit masama ang loob ko dito, nahihirapan ako. Baka kasi...
Baka kasi kamuhian ulit kami nito dahil hindi kami mayaman... m-masakit kasi eh... lalo na sa part nina mama, kuya at dad. Nasasaktan ako para sa kanila. At baka... baka itaboy niya ulit kami. M-masakit kaya.
Umupo ako sa isa sa mga bench sa labas ng school. Pagkaupo ko, sakto naman ang pagdaan ng mga magkakaibigang masayang nag u-usap at nagtatawanan.
Naisip ko sina Justine. At ang mga Homies ko.
Kumusta na kaya sila? Nagtatampo na siguro ang mga yun.
Mapait akong napangiti.
Bihira ko na lang kasi makasalamuha ang mga ito. Halos hindi na nga eh. Don't get me wrong, hindi sila lumalayo sakin. Ako ang lumalayo sa kanila. Lately kasi napapadalas ang pagnanais kong mapag isa. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako katulad ng dati. Oo I still play basketball, and I still excel in class. But it's not because I want to do it but I have to. It became something that I feel like I needed to do, a daily routine, you could say. I am no longer passionate about it. I feel like I lost my interest in everything. I don't laugh like I used to. I am a mess, I feel like shit and I am not the same person I used to be and I fucking miss myself. I feel empty and nothing can fix it.
I feel troubled and I'm afraid to bother my friends so I decided not to get along with them instead. Ayokong pati sila ay mamroblema pa dahil lang saakin.
Kung nandito lang sana si Drake...
Agad kong pinigilan ang sarili ko bago pa ako mag mental break down. Mamaya may makakita pa sakin isipin pang baliw ako. Ang O.A ko talaga.