"Tabi na nga! Labas na-"
"Fuck you!-"
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya sakin. My jaw dropped. I was flabbergasted.
HOW DARE HE?!
He waved his hands in the air, his eyes winded. "K-ken h-hindi ikaw yung---si Drake ang---I'm sorry! I'm really---"
"No offense taken. But fuck you too." Malamig na tonong sabi ko at in-enter ko yung code ng pinto para ma-lock na ito at iniwan ko siya.
Fuck you too and I fucking mean it! Ang kapal mong gago ka! Ughhh!!!
Pagpunta ko kung 'san naka park yung kotse ni Kuya Karl ay nakita kong nakaupo shotgun seat si Drake. Kinatok ko yung bintana.
"Drake sa tabi ka nalang nila Kent? Thank you." Walang gana kong sabi.
He scrutinized me. "WOW! Kung makapag demand akala mo-sabi ko nga palit na tayo eh. Here you go bebe girl. Hehehe." Lumabas agad siya dahil tinignan ko siya ng masama. Napansin siguro na wala ako sa mood ngayon.
Nakakainis lang talaga!
How dare that Kobe to curse at me like that?! Sila kuya nga never akong pinag salitaan ng kahit anong mura eh!
Alam kong matagal na kaming magkaibigan pero he doesn't have a single right na murahin ako! Wala siyang karapatan!
Bakit mistulang na awkward-an ako na para bang may ibang kahulugan yung pag iisip ko ng kaibigan?
Eh sa na o-awkwardan ako eh. Eh 'di ikaw din kung gusto mo, tss.
Gusto ko siyang isumbong kina kuya Karl.
Nakakainis talaga. Pasalamat siya hindi ko gawain mag sumbong, kundi malalagot talaga siyang tukmol siya!
Nakahalukipkip lang ako at nakasimangot habang nagda-drive si Karlito. I'm really annoyed. Buti nalang maganda yung sound trip niya kaya medyo nabawasan yung pagka badtrip ko compared kanina.
Naa-astigan talaga ko sa music taste niya. Ang classy at aesthetic ng mga trip niyang kanta. Mahilig din siya sa mga old school bands like: The Smiths, Queens, etc. So kewwwl.
Kapag gusto kong maka discover ng underrated songs panakikielaman ko yung Spotify playlist niya hahaha. Naalala ko nga dati, mga 2012 siguro, sakaniya ko nadiscover yung 'The 1975' kasi he's so obsessed with them at that time, hanggang ngayon.
Nagsalita si Drake maya-maya. "Ano ba yan kuya Karl, hindi naman halatang you're so into LANY ah? In love ka ba kuya o heart broken? Alin sa dalawang yun?"
"Ulol, wag mo kong itulad sayo Drake, you know how girls chase and cry for me. Hahaha."
Ang sabihin mo magaling lang kayong mambola at magpa-ikot ng mga babaeng paniwalang-paniwala naman sainyo! Hmp. Si 'Ya Gori kaya ang pinaka hinahabol at iniiyakan lagi ng mga admirers mapa babae man o bakla pero ito pa yung hindi nagyayabang. Lowkey, kumbaga. Tinatanggi niya pa nga eh. Hindi naman daw aso ang mga ito kaya bat siya hahabulin. Baliw talaga yun.
"Sadyang habulin lang talaga tayo kuya, it runs in the blood. Hahaha!
Baka sadiyang babaero! Martilyuhin kita diyan eh.
Tinawanan lang siya nito at nilipat nalang yung kanta.
"'Yan, much better brother!" sabi ni Drake at sinabayan yung kanta.