Chapter Thirteen

1.6K 36 0
                                    

To have other friends than my Homies?

It’s not as bad as I thought. Akala ko kasi mahirap dahil hindi naman ako madaling ma-attatch sa isang tao eh.

Pero I just made a new friend. Friends rather. Kasi kambal ang bago kong kaibigan. Actually, namin nila George.

How kewwwl, right?

“Pustahan tayo, nilalait mo na naman ‘yung mga pangalan nila Itzu oh!” Napatingin ako sa nagsalita. Napa-irap ako dito dahil bukod sa may kalakasan ang boses nito, sa tapat ng tainga ko pa mismo ito nagsalita. Nakakainis lang. Tss.

Hindi ko nalang ito pinansin.

Jaydon and Jayden Lee. They are twins and half Chinese.—sabi ni George ‘Chinises' daw kasi dalawa. Singular daw ang ‘chinese’ at plural ang ‘Chineses', iyon daw ang tama. SOBRANG korni pero ewan, natawa ako sa sinabi niyang ‘yon.— Yung Chinese name ni Jaydon ay ‘Itzu’ at ‘Enchong’ naman ang kay Jayden. Pero ayoko ‘yong pangalan ni Enchong. Ewan ko pero nawi-weird-an ako pag sinasabi ko yon, kaya ‘Jayden’ nalang tawag ko sa kanya. Parang ambantot kasi ng tunog ng Enchong para ‘sakin. Para ‘sakin lang naman, hindi naman para sainyo o kahit sinong pontio pilato kaya---ano ‘bang pinagla-laban ko dito? Hahaha.

“Uy galaw-galaw, baka ma-stroke! Hahaha!”

Napatigil ako sa pag i-isip at inis na tumingin kay Kobe.

I rolled my eyes, “What do you care ba?!”

Pagdating talaga sa isang ‘to nagiging unli ang pag irap ko. Laging napapatid ang mahaba kong pasensya.


Mahaba nga ba?


Tsk, paki mo ba ha?!


“What do you care ba?” pangga-gaya nito sakin.

“HA-HA!” I faked a smile.

Inasar pa ako nito lalo kaya nasuntok ko ang braso nito dahil sa sobrang pagka-annoyed ko dito.

Mabuti nalang dito kami naka pwesto sa pinaka likod dalawa. Hindi pansinin ng terror teachers. Muhahahaha! Paborito kami ng teacher ipwesto dito, hindi ko alam kung bakit.

Kung i-isipin ko ‘yung nangyari last time, well…


HINDING HINDI KO NA I-ISIPIN ‘YON DAHIL HINDI NAMAN ‘YON BIG DEAL!

Para na ring sinabing ‘A pig flies’ kung magiging boyfriend or kras ko ‘yon 'no! I’d rather do ‘Hara-kiri’ or ‘Kamikaze’ than be his ‘Girlfriend’. Tsaka ambata pa kaya namin! Girlfriend agad?! Kung anu-anong naiisip ni kuya Bry, parang baliw lang! Maglilinis nalang ako ng bahay! Nakatulong pa ‘ko sa mga helpers.

'Yung pagya--NO!

“Aray. Ang pikon mo talaga!” natatawang sabi nito. “Binibiro lang naman kita, you seem sleepy. Mamaya mahuli ka pa ni Miss Bantot niyan. Ikaw din.”

Nag salita ang hindi natutulog sa klase.


I don’t know why pero ang oblivious ko ngayon. Maybe because I am freaking sleepy. As in. Napuyat kasi ako dahil sa paglalaro ng PS3 kagabi. Nag advance study naman na ako kung quiz lang o recitation ang iisipin ko. I was five chapters ahead sa topic na tina-tackle ngayon ng Teacher. 

Papikit-pikit na ang mata ko maya-maya at naramdaman ko nalang na napa-sandal na ako dito, hindi naman siya nagreklamo. Sanay na siguro. Hahaha.


ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon