First year
Alam mo yung feeling na napilitan? Ayon, nangyayari na sakin.
Napilitan akong samahan si Tukmol lagi sa school dahil kay Tita Sarah. Di daw kasi yon mahilig makipag friends. Bakit ako din naman ah! Tsaka kasalanan ko ba yun? Problema ko pa ba yun?
Sila homie nga lang din halos ang mga kaibigan ko sa school eh. Tsaka ang laki-laki niya na di pa kaya yung sarili? San ka naka-kita non? Grade one nga ako, di na ko naghahabol kay Karlito pag hinahatid niya ko! Puro yabang lang yung alam neto eh.
Kung hindi lang dahil kay tita baka sapakin ko pa to eh.
Sobrang bait kasi talaga non ni Tita, to the point na hindi ka niya ma-tatanggihan pag may hiningi kang favor sa kanya. Kaya pag siya naman yung may hiningi na favor sayo, hindi ka rin makaka tanggi. Isa pa, besfriend siya ni mom―eh alam mo namang siga si Mama! Haha. Di ako pwedeng tumanggi.
KAINIS LANG.
Pano niya kaya naging anak yung Tukmol na yon? SOBRANG layo kasi ng ugali nila eh. As in.
Alam mo ba kung pano? De joke, bahaha.
Pero sige na, ays lang, malapit na naman ang bakasyon eh. Malapit na akong maka-takas sa buwisit na 'to. Ang bilis no? Ganun talaga, walang basagan ng trip. Wahaha.
"Ang bigat!" reklamo ko sa bag ko while eating Hotdog na bigay ni Tita Sarah. Andami kasing Homeworks! Kainis. Imbes na tahimik lang yung mga books ko sa locker, nabitbit ko pa tuloy.
"Tss. Ako na nga! Weak!" reklamo ng batang hamog na katabi ko at kinuha yung Bag ko. Yung Key Chain? Yes, ginagamit ko parin yon until now―at hindi ko parin kilala yung nag bigay.
"Yown! May silbi ka rin naman pala eh. Gawin mo yan araw-araw ha? Dapat laging ganiyan," sabi ko at inakbayan siya.
Sumimangot ito at bumuntong hininga, "Wow salamat Neijiballs ha? Salamat talaga!" sabi niya at sinukbit yung bag sa likod niya. Bale dalawa na yung dala niya at magka-patong ito.
Ang masama nga lang, parehas kami ng bag, pati design! Malamang kasalanan nanaman ni Tita Sarah! Binigay niya kasi yun sakin, tas pareho pala kami ni Tukmol. Eh pag di ko naman ginamit yari nanaman ako sa siga. Sabi ko kay Tukmol magpalit siya ng bag, ayaw naman! Di daw siya mag a-adjust para sakin. Di naman daw ako Chicks. Ang saya no? ang sarap sa feeling. Ansarap manapak.
"Tss. Pasalamat ka nga naka tagal pa ko sayo eh!" napa irap ako. "Wag mo na pala kong hintayin, papa sundo nalang ako kay Dad, may training kami eh. Diba wala kayo, bakla?" Asar ko dito.
Ginulo nito ang buhok niya―na lagi naman talagang magulo, "Tss. Bakla? Gusto mo i-kiss kita, ha?"
YAK KADIRI.
Napag su-suntok ko siya sa sinabi niya. Nakakadiri talaga! "Eeeeeeew! Si Kuya Drake nalang i-kiss mo kung gusto mo!"
"Aray naman! Aray masakit kasi, oy!"
"Ano, papalag ka?!" sabi ko.
"Kala mo naman totoo! Eeew! Di ako papatol sayo no, kasi pangit ka! Pumasok ka na nga sa classroom mo! Ge na Neijiballs, bye." sabi niya sabay bato ng bag at iniwan na ako. Ang bait niya no? *sarcasm*
Bigla akong kinabahan nung napa tingin ako sa loob ng classroom namin.
Nandito na pala.