Chapter Six
"Ken Williams, p-pwede ko ba kayong ma-interview?"
Nahihiyang tanong ng isang nerd na babae na may naka-sabit na camera sa leeg. Kaka-tapos lang ng game namin na ginanap dito sa school. Champion kami tas ako yung 'MVP'. Hehe. Tas firstglassese din kami ni Jimboy sa Quiz Bee, last time.
"Yeah, sure. For what?" naka ngiting sagot ko dito. Oh, ba't parang di siya maka-paniwala? Ang weird, tae.
"F-for School paper po sana. S-sa Graduation na rin po." nahihiyang sagot nito. Oo nga pala, One week nalang Graduation na! Huhuhuhu.
PERO ANO BA KASING KINAHIHIYA NILA SAKIN?! BAKIT DIN BA SILA 'PO' NG 'PO'?! ANO KO LOLA?!
Ken, chill! Patience is a Virtue.
"Ah, wag kang mahiya sakin. You can ask whatever you want, basta hindi below the belt kasi baka magulpi kita. Hehe," sabi ko dito. Mas mabuti ng straight to the point. "Dejoke." dagdag ko at tumawa ng konti. Always remember; Jokes are half meant! Mehehe.
"Hehe... P-pwede na po bang magtanong?" ay hindi! Matulog nalang tayo dito! Tss. Ang sarap manakal. Joke lang. Hahaha.
"Yeah, yeah. Ang ganda ng glass mo ah. San mo nabili? Hahaha" sabi ko dito. Ang kyut kasi talaga tas color 'Navy Blue'.
Eh sa mahilig ako sa nerdy glasses eh, bakit ba? Tas peyborit color ko pa. Oo na, weird na.
"Gusto niyo po ba to? Inyo nalang. wala naman po tong grado eh," naka ngiting sabi nito. Confirmed; pa nerd lang ito pero di talaga nerd. Joke! Bagay naman sakanya eh, hahaha.
"We di nga?!" naka ngising tanong ko.
"O-onga po. Oh," sabi nito sabay abot ng GLASSES.
"Uy thanks! Pero wag ka nang mag 'po' ano ko lola mo?" Masayang sabi ko dito sabay suot ng GLASSES at pinat yung shoulders niya. Oh, nagulat nanaman siya? Ang weird talaga taeeeeeee.
"Magtatanong na po-- ako ha?" nag tumbs up lang ako. "What can you say about sa game? I mean.. muntik na kayong matalo tapos nai-panalo mo pa! Ang galing niyo grabe! Ang astig nung three points mo kanina!" tss, inuuto pa ko. Asar to ah. De, joke lang.
"It's very simple. Mag-pray lang tayo kay Papa Jesus na bigyan niya tayo ng strength. Tsaka syempre; Never Say Die! Ginebra tayo dre eh! Laban Pilipinas, Puso! Tsaka sabi nga ni Coach Anzai; If you Give up, the game is over. Kaya Never Give Up, Just Do It!" nagtawanan kami sa sagot ko.
"Next Question; napapansin nga ng lahat na sa lahat ng Game ay palagi kayong nagdadasal. Kahit ba walang game, nag-dadasal ka parin?"
"Aba siyempre naman! Pina-laki ako nila Dad na may takot kay Lord. Maybe I'm 'Bully' sa mga close friends ko," nag hand gesture ako ng quotation. "Boyish, Always saying Bad words, Judging other people, Love Horror and Insane Movies and Lied many times. I'm a sinner. Maybe I'm not vocal of saying it, but I believe in God, Heaven, and Jesus is still my Savior and he will always be. Hindi naman kasi natin yon kailangan ipag kalat. Ano yon, papansin lang? Hahaha," nagtawanan ulit kami, "Sabi nga ng mga weed man; 'Smoking weed doesn't make me a bad person, Like Going to church doesn't make you a good person' parang ganon yon. But that does not mean that I'm in fovor of them ha? At higit sa lahat lagi tayong magpasalamat sa kanya na ginigising niya tayo sa araw-araw at maayos tayong nakaka-kain.. nakakapag aral. Pero dapat ipag dasal din natin ang mga taong hirap sa buhay. Wag puro pan-sarili lang. At hindi rin yung magda-dasal lang tayo kapag may hihilingin. Mahiya naman sana tayo kay Papa Jesus no?" Hayssss! Hiningal ako dun ah. Bahaha.
Hala, teka! Bakit para siyang nagulat na a-atakihin sa puso pero amused?! Adik ba to? Taeeee.
"Such a great answer! Hindi ko ina-asahan iyon ah. Kala ko kasi.. never mind." sagot nito at tumango lang ako. "Eh, ano naman ang masasabi mo sa padami nang padami mong fans? Fan niyo rin ako! Kasali ako sa Wilsanity!" tss. yan ang pinaka iniiwasan ko sa lahat eh.
NAKAKAHIYA KAYA!
Ang arte, ang arte?
Eh sa nahihiya ako eh?! Paki mo ba ha?!
"Thanks," I smiled shyly.
"I didn't wish for that to happen. Kusa silang dumating. It's unforeseen. Tsaka hindi fans ang tawag ko sakanila. 'Lamps', para ASTIG!" nagtaka ito.
"Sabi nga ni Ryan Higa; 'they're not just fans to me. They're lamps. Don't get me wrong. Having Fans are awesome. They make you feel cool. But the thing is; fans come and go. When you're in the hottest thing, they're fanning all over you. But once you got cold, they'll gonna find next hot thing to fan. Lamps are more than that; They're like friends. Even you're not the hot topic and you got cold, lamps will never leave you. In fact when you're cold, they actually give you warmth. And no matter what shape or size, I know that when I hit that switch, lamps were gonna be there for me in my darkest times'. Minsan nga naiisip ko; Di pa ba sila sawa sa pagmu-mukha ko? Hahaha. " kahihiyan ito men! kahihiyan! parang nag-sisi ako ano ba tong mga pinag- sa-sasabi ko?! AZAAAAAR! A-asarin nanaman ako ng 3 Idiots nito sa bahay. The faaaak!
"Ken tara na daw!"
Tawag sakin ni Ron as in Veronica. Nag hand gesture ako dito and mouthed 'wait' sabay turo kay ateng I-don't-know-who.
"Ah, sige na. Next time ulit. Ano nga palang pangalan mo?" naka ngiting sabi ko dito.
"I'm Lily. Salamat din sa time! I'm so lucky na naka-usap ko kayo! Isa na 'to sa mga most unforgettable moment in my life! Di ako makapaniwalang naka-usap kita." nama-manghang sabi nito.
"Tss. Oa mo te ah," napa ngisi ako. "Ays lang yon. I'm easy to approach naman pag hindi bussy eh. Sige na, bye Lily! Salamat nga pala sa glasses! " naka ngiting sabi ko dito at nakipag brofist sabay takbo na papuntang Bus. Mamaya maiwan pa ko eh. Ayokong maglakad papuntang-- tss. Di ko alam san kami pupunta. Surprise daw eh. Taeeeeee!
Haysssss! Nahihiya nako ngyon palang! Bat pa kasi ako pumayag ehhhhh!
***
"Kailangan pa ba yon? Wag na ko! Iba nalang please!" pasigaw na sabi ko.
"Bakit sila ba yung Valedictorian?! Sila ba yung MVP of the year!? Athlete of the year?! Mag practice ka nalang! Utang na loob Williams," nag mamaka awang sabi sakin ni Aush. Adviser ko ito, Aush Mariano ang real name niya. Pinag pa-praktis niya kasi ako ng speech para sa Graduation. Kahit ulitin ko nalang daw yung sinabi ko sa Interview ibahin ko lang daw ng konti, gawin ko daw pang Speech.
Ayoko nga!
Ayoko ayoko ayokoooo!!!
"Bakit sinabi ko bang award-an nila ko? Ha?! Kung maka-utos to kala mo, bumibili lang ng siomai ah! Ayoko nga sabi Aush! A-YO-KO." pagmamatigas ko. Nalaman ko nalang bigla na may Award at Honor pala ko.
Deep inside masaya ko, kasi nagwork pala lahat ng pinag hirapan ko. Ayaw ko lang ipakita. Hehehe.
Pero di ko gagawin yon no. Ano ko baliw? Bakit ko naman gagawin yon? nagkamali na ako ng isang beses. AT AYOKO NG MAULIT YON! Pag ginawa ko yon para narin akong nag Hara-kiri.
"Parang awa mo na Ken! Utang na loob! Ako ang malalagot kapag hindi mo yon ginawa! Close nama tayo diba? Tropa naman tayo eh," maiiyak na ito.
"Oo na! Wag kang umiyak, tsk! Are you gay?!" nagpa-papadyak sa lupang sabi ko at inirapan ito. Yaan ko na nga, iiyak na eh. Tsaka respeto padin kasi teacher padin siya, diba diba?
Biglang itong nabuhayan,"SALAMAT KEN!" Sigaw nito at patalon-talon pa ang hinayupak.
I rolled my eyes,"Tss. Pasalamat ka tropa tayo, kung hindi nakooo!" galit na sabi ko dito at inambahan siya ng suntok.
"Sige na practice na." ngiting asong sabi nito. Hayssssss!
Pwede kainin nalang ako ng lupa?
TAENG SPEECH YANNNNN!
~*~
Graduation Day
"Ken bakit di mo sinabi saming may mga Award ka pala?! Expected naman na namn yon, pero sabi mo wala! Anak naman!" pasigaw pero mukang masaya na tanong ni Dad pagka-tapos ng Graduation. Next week si kuya Gori naman. Di ko kasi sinabi sakanila na may awards ako.
I shrugged, "Wala lang po, gusto ko lang...." sabi ko sabay ngisi.
"...Surprise!"
Tumawa ako ng malakas.