Grade Six
“Homie tara, B-ball!”
Yaya sakin ni George tsaka Kent. Nasabi ko na ba na may mga bespren ako? Ayun. Sila yon pati sila Jeim, Allan, Berds. Classmate ko na sila since grade four. Pero alam niyo bang ka-away ko yang si Kent dati? Pano ba naman! First say of class binully si George! Kaya ayun, na head-bat ko. Huahuaha.
Bigla nalang kami nagka bati nung kinulang kami ng kampi nung minsang naglaro kami ng basketball. Sumali siya tas pinasahan niya ko, tas ayun. Bati na kami. Hahaha.
“Sure, sure! Lagay ko lang to sa locker.” I said and showed them my books. Di ko kayang tanggihan ang pinaka mamahal kong basketball. Hehehe.
“Una na ba kami?” tanong ni Kent ‘Barney’. ’Sponge Bob’ kasi tawag niya sakin kasi peyborit ko. Kaya ‘Barney’ tawag ko sakanya. Bwahahaha.
“Mauna ka na kent! May a-anohin lang kami ni homie!” singit ni George. May secret kasi kami nito.
Kent shrugged, “Okayyyy.” Nakangusong sagot nito at tumakbo na papunta sa court habang nag d-dribble.
“Uyyyy! May Ferrerro! Akin nalang to ah!” Namimilog ang mata’ng sabi ni George. Eto yung secret namin. Madami kasing naglalagay ng mga gifts sa locker ko. Iba-iba. May chocolates, letters, teddy bear, etc. Minsan pa nga'y may nagbigay ng grocery na halos dahil sa dami ng iba't-ibang pagkain. Relief goods lang? Hahaha.
Nakaka bwisit na nga minsan eh. Kaya pina-pamigay ko nalang yung iba. Pero may kaisa-isa akong nagustuhan sa lahat. Yung Jordan Shoes tsaka Bola na keychain. Ayun yung first gift na nilagay sa locker ko nung last day of class, grade four yata yun. Ang kyut kasi, mukang pina-personalize talaga. Ginawa ko pa nga yung keychain sa bag ko since natanggap ko yon eh. May note pa nga yun eh, pero secret muna. Nakakahiyang sabihin eh, mehehe.
“Sayo na yan lahat George. Bigay mo sa Baby niyo yung mga bear,” sabi ko kay george pagkatapos naming hakutin lahat ng mga naka lagay sa locker. Buti pa sila George may baby, tss.
Biglang nagningning ang mga mata nito. Ma-asar nga muna, bahaha, “De, wag na pala..” I said and smirked.
“Homie naman eh! Tsk.” Naka ngusong reklamo nito. Hahaha ang kyut maasar.
“De, joke lang to naman! Basta hati tayo sa mga foods ah. Daya nito,” naka nguso at naka-taas ang kilay na sabi ko dito. Di naman ako ganon ka-arte para hindi kainin ang mga yon. I just don’t like the bears and letters. It’s so corny.
“Ge, ge.” Naka ngiting sagot nito. “Pero puno na yung bag ko. Pano na yan?” dagdag nito na ikina ngiwi ko. Saan ko to ilalagay?! Tsk. Kainissss!
“Aish. Sige na nga, tig half tayo.” Sagot ko dito at sinimulan ng ilagay sa bag ko yung mga chuchu. Bahala na si Iron Man. Iron Man naman, sawa na ko sa batman eh.
“Tara na homie!” yaya nito pagka-tapos namin at kumain habang naglalakad. May advantage din naman pala ito kahit papaano. May PAGKAIN eh, bahahaha.
“Wow! Dumating pa kayo ah. Amazing!” bungad ni Berds samin pagka dating sa court. Sa quadrangle nalang ng school. May mga court din kasi dun. Di na kami nag gym, mag-gagabi na kasi. Balita namin may m-multo daw dun eh. Pero s-sila lang naman ang t-takot ha! D-di ako kasali! Aa-ano ko weak? Tss.
“Ano tatayo nalang ba tayo dito?” singit naman ni Allan.
“Makinig kayo kay Brother Allan!” singit ni Jeim sabay tawa.