Papalabas na ko ng pet shop habang bitbit-bitbit yung binili kong tarantula. Gusto ko talaga siyang maging alaga eh hehehehe. Bahala na mapagalitan ni Mama pag uwi.
Parang kinabahan ako bigla sa naisip.
Bakit ko ba kasi to binili, yari talaga ko pag nakita ni Mama to! Baka ma-high blood sakin yun.
Ughhh. Parang gusto kong sabunutan yung sarili ko bigla. My plan was to buy art supplies but now gagamba ang dala ko! Grrr.
Nasa bukana na ko ng pintuan ng pet shop nang biglang may tumahol saakin na nasa loob ng isang kwartong salamin. It was a 'pug' puppy. Medyo inaudible nga yung kahol niya eh, kasi nga nasa salaming kwarto siya pero ewan ko kung bakit ko yun narinig. Nasa dog cage siya na maliit kasama ng mga ibang aso na iba't iba yung lahi na nasa dog cage din.
Noong nasa labas na ko hindi ko talaga natiis kaya tumayo ako sa salamin sa labas ng pet shop at tinitigan siya. Parang natunaw yung puso ko nung nag tilt yung ulo niya habang nakatitig sakin. Nagwa-wag pa yung putol niyang buntot.
Ang cute niyaaaaa bakit ganun, huhuhu.
Tumingin ako sa relo'ng pambisig ko. Almost five pm. Maaga pa. Tignan ko muna yung tuta, kawawa naman kasi eh.
Kawawa o for your own sake yun, gusto mo lang talaga siyang tignan?
Ang kyut-kyut niya kasi talaga eh, bakit ba?!
“Bakit ka nandiyan?”
Tanong ng isang tao sakin maya-maya.
Kinulong ko sa dalawang palad ko yung mukha ko. “Ako? Wala naman… Tinitignan ko lang yung pug. Cute eh.”
Walang basagan ng trip pre.
“Kailangan talaga nakaupo diyan? Ganun ka ka-engrossed sa pagtitig sa tuta?” natatawang tinabihan ako nito ng upo.
Ha? Anong… nakaupo ako?! Sa pagkakatanda ko, nakatayo lang ako ah?!
Bakit nakaupo na ko?!
What the fuck?!
Pag lingon ko sa kumakausap sakin napa salampak ako sa sahig sa gulat.
Ang sakit sa pwet ha?!
Yung gagong si Tukmol pala yun. Tss. Napasimangot ako bigla.
Agad akong inalalayan patayo nito habang tumatawa. “Oh, careful Neij.”
Gustong umikot ng mga mata ko dahil sa ngiti nito.
Nginingiti-ngiti mo diyang gago ka? Sarap sapakin tss.
“Paki mo ba?” sagot ko dito.
He chortled. “Sungit naman.” sinuklay nito ang buhok niya gamit ang kamay. Habit niya talaga ang pag suklay ng kamay sa buhok niya, napansin ko lang. “Samahan mo ko sa loob? Sige na, please?”
Pagkatapos mo kong murahin?! Aba'y gago naman pala talaga no?
Kung hindi lang kami pinagtitinginan ng mga tao, kanina ko pa nabalugbog tong lalaking to sa inis. He seems oblivious about the people looking at us pero ako naiilang talaga. Ang obvious kasi makatingin ng mga tao.