“Right, Ms. Williams?”
Napabalikwas ako mula sa paglalaro ni Kobe sa buhok ko nang marinig ko ang pagtawag ni Sir. Maligalig sa pangalan ko. Nakaka antok kasi yung ginagawa ng Tukmol na ‘to kaya napapapikit-pikit na ako sa kinauupuan ko.
Regular classes na kasi ulit. Ang awkward lang dahil naging laman ng balita sa school ang pagkapanalo namin sa Battle of the Bands. At siyempre hindi nawala ang pagpansin samin ng mga tao na lalong nagpa-awkward sakin. Ang grupo ni Boy Takbo ay naging fair naman sa pustahan nila nila Itzu dahil ginawa naman ng mga ito ang kasunduan nila. Pero kupal pa din siyang gunggong siya. Hahaha. May isang beses na nakasabay ko ito sa hallway pero mistulang wala itong nakita. Mabuti at hindi na ako niyabangan dahil kung hindi ay di lang suntok ang aabutin niya sakin.
“O-opo!” sagot ko nalang kahit di ko naman talaga alam yung tinatanong niya. Wow galing mo talaga Ken ‘no? Expertise mo na iyan eh.
Ngumiti ito. “Napaka talinong bata talaga. Di tulad ng iba dyan na Values na nga lang, muntik pang ibagsak!” binalingan nito ang natutulog na si Daniel. Kups talaga ang isang ‘to hahaha. I can’t blame him though. Kahit ako rin naman madalas muntik makatulog sa klase nitong si Sir. Gaya nalang kanina.
“HOY MR. BARACAEL, GUMISING KA DIYAN! HINDI KA NA NAHIYA! KAILAN KA BA GIGISING SA KLASE KO?! PAG DATING SA IBANG SUBJECT ALIVE NA ALIVE KANG BATA KA!” sigaw ni Sir nang hindi pa rin magising ito. The whole class laughed silently at muntik na akong mapahagalpak nang muntik na itong malaglag sa upuan dahil sa sigaw ni sir.
“Walan—” naputol ang sasabihin sana ni Sir nang tumunog ang bell hudyat na time na. Hindi napigilan ni Tukmol yung tawa niya dahil tumulo ang laway ni Sir sa gulat. Buti nalang natakpan ko yung bibig ng damuho at di siya nahuli.
Buti nalang nag bell na dahil kung hindi paniguradong magso-sona nanaman ‘yang si Sir. Hays buti na lang.
“Magpa salamat ka lang Baracael at nag ring na yung bell. Come here in front! Lead the Prayer!” naka simangot na sabi ni Sir.
“May training din kayo?” tanong ko kay tukmol pagka labas namin ng Room habang dala niya yung backpack naming dalawa. nakasabit naman yung sports bag niya sa balikat niya. Varsity din kasi siya. Sa pagkakaalam ko kasi, sabay ang training namin ngayon dahil may league kaming magkasabay ang schedule kaya nagdo-double time sina coach. Originally, ang sched naming girls ay T-TH-S at M-W-F naman sila. Minsan naman ay vice versa. Magulo ba? Basta. Yun na yon okaaaay? Hahaha.
“Yup.” Sagot niya at nag earphones. Kinuha ko yung isa para share kami. Mehehe. Ang kapal mo talaga Ken kahit kelan.
“Sabay na tayo magbihis.” Sabi ko dito dahil ayoko maglakad mag isa papuntang gym.
Biglang nanlaki yung mga mata niya at napa tigil maglakad. “Ayoko nga! Ang bastos mo Ken!” nandidilat na sabi niya. Napahawak pa ito sa dibdib, tila gulat na gulat.
Napa kamot ako sa ulo ko. What was this guy saying? “What? May masama ba don?” I asked. Ang arte naman nito! Parang hihintayin lang naman ako. Mas convenient nga yun eh. Hindi na hassle dahil maraming nagbibihis sa quarters.
“Masama talaga yon! Ayokong mag bihis tayo ng sabay. Kung ikaw gusto mo, ako ayaw kon---”
WHAT?! Ano bang iniisip niya? Iniisip niya bang gusto kong magbihis kami sa iisang CR?! Abnormal talag to kahit kailan!
Agad kong binatukan ito. “Idiot! Ang ibig kong sabihin, hintayin mo ako habang nagbibihis! Para sabay na tayo papuntang Gym!” singhal ko dito.
He scratch his ‘Bone Head’. “Ay. Ganon ba? Sorry. Hehe...” ngiwi nito.
“Tss... magbihis ka na nga!”
“Oh, ayan na pala yung Jansport couple!” sigaw ng mga Varsity boys na mga feeling gwapo nang dumating kami sa Gym. Nagpapatugtog pa ang mga ito gamit ang isa sa mga speaker ng gym. Sinasamantala dahil wala sina coach ngayon. Nasa emergency meeting ang mga ito.
Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa sinabi nila. Couple?! Baka enemies? Hahaha.
Kasalanan nina Mama kung bakit kami tinutukso ngayon eh. Parehas kasi ang bag namin di ba? Ma-issue pa naman ang mga damuhong to.
“Are you nuts?!” sagot ko nalang. Si Tukmol naman ay tila hindi naapektuhan sa panunukso ng mga ito at inilapag agad yung bag namin at dumeretso na sa court nila para mag training.
“We’re handsome!” mapang asar na sagot ng mga ito. In chorus pa talaga, kainis ah?!
“Iba ang matangkad sa Gwapo! Manahimik kayo diyan!” balik asar ko sa mga ito. Para-paraan lang yan. Hahaha.
“Okaaaaaaaay.” They said in chorus again. Dafuq.
Iniwan ko na lang sila at nagpunta na sa side namin at nakisabay mag jogging sa mga team mates ko. Pagkatapos namin mag jog ng 10 laps ay nag drills lang kami ng konti. Iyon kasi ang bilin sakin ni coach bago ito magpunta sa emergency meeting nilang mga coach. Light training lang kami ngayon dahil baka masobrahan kami sa pagod sa game bukas. Pampa kondisyon lang.
“Guys, group yourselves into five. Play muna tayo ngayon ha? Half court lang.” sabi ko sa mga ito nang matapos kami at ni-dribble dribble ang hawak kong bola.
Nung nakapag group na sila bigla akong nnaihi. “Ahh, Angelina paki bantayan muna sila ha? I’ll pee lang.” bilin ko kay Angelina bago lumabas. Ka team mate ko ito. Obviously? Hahahaha. Siya kasi yung pinaka tahimik saming lahat kaya sa kanya ko pinabantay.
“Sige…” mahinhin na sabi nito. Medyo ayoko yung maliit niyang boses. Para kasing iniipit yung lungs. De, joke lang po. Wala naman akong magagawa kung pinanganak siyang boses ki---never mind. Hehehe.
“Thanks.” I said at tumalikod na. Pero parang may napansin ako nang tumalikod ako. Parang ngumiti siya ng kakaiba. Basta ibang ngiti. Eh sa ayon ang nakita ko eh. Hindi ko naman sinabing nakita niyo rin. Hahaha.
Nang hinarap ko ito hindi naman ganon yung smile niya. Yung normal na smile naman. Pasensya. Kung anu-ano lang talaga ang naiimagine ko minsan. Muahahaha. Maka ihi na nga. Ang dami kong hanash sa buhay eh. Hahaha.
Pero hindi talaga ako mapakali kaya nang matapos akong umihi hindi ako pumasok agad. Nag tago muna ako sa gilid. Hindi kasi talaga maganda yung feeling ko. Iba talaga. Last time ko pa rin kasi napapansin, parang lagi niyang tinutumba si George tuwing naglalaro.
Sumilip ako ng konti at boom! Tama nga ang hinala ko. Feeling Detective Conan lang. Hahaha.
Guess what I saw?
Si Angelina pasimpleng sinasabunutan si George habang naglalaro sila. Walang nakaka pansin.
“Uhmm… aray Angelina. Hehe..” magalang na sabi ni George dito na parang siya pa ang may kasalanang sinasaktan siya ni Angelina. May sapak talaga ‘to kahit kelan.
Na shock ako sa isinagot nito, at the same time na inis ng bongga. “Dapat lang yan sayo! Mangaagaw ka! Inagaw mo sakin si Harper!” mataray na sabi nito at lalo pang sinabunutan si George.
Si Harper? Eh, hindi nga pinapansin ni George yon kahit nililigawan siya! Gagawin niya yon para sa lalaki? The fuck? Napakuyom ang mga palad ko sa inis. Bagay na bagay pala sa kanya yung pangalan niya. Masama pala ang ugali nito. Nasa loob ang kulo, brat. Galit pala siya kay George. Kaya pala nung last na training ilang beses niyang tinumba si George.
BWISIT NANGIGIGIL AKO AH?!
Saktan niya na lahat wag lang ang mga taong importante sakin. I can’t promise na wala akong magagawang hindi maganda sa kanya. Hindi ako magdadalawang isip na bangasan yan.
“Ha? Hindi ah. Hindi ko naman yon inaagaw. Pero sorry kung na hu-hurt ka pala ah. Don’t worry, hindi ako lalapit sa kanya promise.”
Ambait talaga nito ni George. Kahit wala naman talaga siyang ginawa nag sorry pa rin siya. Hindi rin yan sumbungera kaya madalas naaabuso eh.
“Wala akong paki sa sorry mo!” sagot naman niya at pasimpleng tinulak si George kaya nauntog yung ulo nito sa stand ng ring. Syempre hindi iyon napansin ng iba. Naka focus kasi lahat sa paglalaro. Nang may tumulong dugo sa noo nito ay para akong sinilaban ng apoy sa galit. Pigil na pgil akong hindi sugudin ito.
“I’m sorry talaga.” Sabi ni George at nagpunas ng mata. Hindi iyakin yang Bestfriend ko na yan kung hindi naman talaga siya nasaktan. Hindi yan basta bastang umiiyak.
A ganon? Sige. Makaka tikim ka saking Angelina ka ng astiging punishment. Ayoko yang ginagawa mo eh, kaya sorry ka ngayon. Gusto mong pahirapan si George? Puwes ikaw ang mahihirapan ngayong araw.
Sinisubukan mo ako? Challenge Accepted.
Kausapin mo na lang kaya ng maayos?
Oo nga naman. Magtimpi ka Ken. Masyado kang high blood eh.
Tss. Sige na nga kakausapin ko nalang.
Agad akong pumasok at nilapitan si tukmol.
“Kobe, halika nga sandali.” Tawag ko dito. Lumapit naman siya kaagad.
“Why?” tanong niya.
“Patigilin mo silang mag training. Or tulungan mo na lang akong makiusap kay kuya Arthur.” Captain ball nila ito.
SABI MO KAKAUSAPIN MO NA LANG?!
Eh kasi naman---anong bang paki mo ha?! Eh sa naiinis ako eh.
“Pero—”
“Please?” I pleaded at kinuwento sa kaniya yung ginawa ni Demonyita. Starting today, demonyita na ang tawag ko sa babaing yon. “Paki check na rin si George tsaka magpa deliver ka ng 10 boxes of pizza. Sakin mo ipangalan ha? Salamat Kobe.” Tamang tama dahil may pera ako ngayon. Nang bayaran kasi ako ni Drake ay triple ang binayad nito. Sinubukan kong ibalik yung sobra pero sininghalan lang ako nito.
Wala na akong pakialam kung anong magiging reaksyon ni Coach sa ngayon. Bukas na lang. Hahahaha.
Hindi ko to gagawin dahil lang Bestfriend ko si George. Bawal kaya yung ginawa niya! Kahit kanino niya yon gawin, bibigyan ko talaga siya ng punishment no.
“Sige. Ako nang bahala.” Sabi niya at kinausao si kuya Arthur. Nang pinatigil yung mga itlog ni kuya hindi mankanda mayaw ang mga ito sa saya. Buti nalang wala si Drake dahil kutos talaga ang aabutin ko don pag nagkataon. May lagnat kasi ito. “Pero Neij. Kausapin mo na lang kaya?” pahabol nito na inirapan ko lang. Bugbugin kaya kita?! Hahaha.
“Guys magpapa deliver ako ng Pizza. Kain tayo. My treat.” sabi ko pagka lapit sa mga ka-team. “Pati kayong mga lalaki din. Sagot ko na kayo.” baling ko sa mga itlog. Nagsi alisan na sila sa court. Mga nag pa-party na.
“Oops.” Sabi ko at hinawakan yung balikat ni Angelina. “Ikaw diyan ka lang. Mag training ka.” Napatingin ang buong team samin dahil sa sinabi ko kay demonyita.
“Pero—”
“Sino bang captain dito?”
“I-ikaw…” sagot nito. WOW ANG BAIT MO NAMAN? Muntik ko na itong paikutan ng mata.
“Alam mo naman pala eh.” Sabi ko ulit dito bago balingan yung mga naka upo. “Oh, guys nandyan na pala yung pizza. Sige kumain na kayo!”
“Ikaw diyan ka lang ah.” turo ko sa kanya tsaka dumampot ng bola at nag Dribble. GUSTO KO NA TALAGA ITONG SAPAKIN SA TOTOO LANG. Nagtitimpi lang ako.
“Pero Ken—”
“SINO BANG CAPTAIN DITO?! DIBA AKO? SUMUNOD KA NA LANG!” sabi ko at hinagis yung bola sa sahig. Umabot ito sa kisame ng gym sa lakas ng pagkahagis ko. Lumapit sakin yung mga boys para pigilan ako pero tinulak ko sila.
Sorry na, di ko lang napigilan. Hahaha.
Napalatak ako. “Just so you know Angelina, I’m not blind. And most importantly, I’m not an idiot. Are you? Alam mo sa sarili mo kung anong ginawa mo.” Pinilit kong maging mahinahon kahit ang totoo'y gusto ko na itong bulyawan.
“Wala naman akong—”
“I’M NOT ASKING FOR YOUR OPINION OKAY?! JUST ANSWER MY QUESTION CAN YOU?ANONG GINAWA NIYA SAYO?!” kalma lang sabi Ken eh. Tsk.
“W-wala..” sabi nito at umiyak. Gusto kong matawa. Acting innocent must be her expertise. Pa-victim lang?
Tuluyan na kong natawa. “Oh wala naman pala eh. At anong iniiyak-iyak mo? Parang kanina lang ang tapang mo ah? Tumingin ka sakin because I’m talking to you. Huwag mo akong yukuan diyan. Itong tandaan mo Angelina ha? Don’t start a fight if you can’t finish it. Subukan mo uling saktan ang kaibigan ko, ako ang kakaharapin mo. ISAKSAK MO YAN SA KUKOTE MO.”
“Ken, tama na…”pigil sakin ni George habang umiiyak. Lahat ng ka-team namin ay pinipigilan na din ako. Nahiya naman ako sa mga ito lalo na nang si kuya Arthur na ang pumipigil sakin kaya tumugil na ako.
Humarap ulit ako kay demonyita. “Mag shoot ka sa three points ng 100 times. Dapat wala kang ma-miss. Kung hindi umulit ka sa umpisa.” Malamig na tonong sabi ko dito at inakay si George papuntang bench. Pasalamat siya pinigilan ako, kung hindi nabangasan ko na siya panigurado.
“Ken hayaan mo na siya… kasalanan ko naman talaga eh.” sabi ni George nang maka upo kami. Neknek mo George. Mga dahilan mo eh no. Tss.
“Hindi. Bawal yung ginawa niya George! Kahit si coach paparusahan din yon pag nalaman niya. Tsaka wag kang t--kung alam mong tama ka, defend your self! Paano kung wala ako? Papabayaan mo na lang siyang saktan saktan ka?! Jusko naman Georgina!” sermon ko dito pero bigla kaming natawa. Epic hahaha. “Paki abot naman yung Medical kit please? Salamat.” Pakiusap ko sa isa naming team mate. Pagka abot nya ay ginamot ko agad yung sugat ni George.
“Homie salamat ha?” sabi ni George maya-maya at umiyak nanaman at niyakap ako. Tss. Ang drama lang George ha? Ano to MMK?! Inalo ko nalang ito upang hindi na ngumawa nang parang baka. Ang ingay eh. Hahaha.
“George anong nangyari?” tanong ng mga ka team namin.
“Wala—”
“Basta mag ingat kayo sa babaeng yan. Pretender yan.” Putol ko dito. Minsan ang sarap nang balugbugin nito eh. Hahaha.
“Oo nga. Alam mo ba dati nakita ko yang ina-away yung Janitor! Kala ko nga nagkamali lang ako ng kita eh. Masama pala talaga yan! Arghhh nakaka inis siya! Sabunutan ko yan eh!” sabi nang isa naming ka team na si Jane. Di nalang ako sumagot. Yung mga lalaki hindi nakiki usyoso pero makikita mo sa mga tingin nila na hinuhusgahan nila si Angelina. Naikwento na siguro ni Kobe yung nangyari.
Nang balingan ko si demonyita parang naawa ako sa itsura niya bigla at nilapita ko siya.
“Hoy!” tawag ko dito. Ang harsh. Hahaha.
“B-bakit?” nagtatakang tanong nito. Inirapan ko lang ito at tinawag si George.
“Mag sorry ka kay George. Pag pinatawad ka niya, pwede ka nang mag pahinga.” Pero mas okay na din na wag na para mahirapan ka nang husto diyan.
“Ken, bakit?!” in chorus na sabi ng mga itlog na lalaki. Parang na dismaya sila.
“Ano, ayaw mong mag pahinga?” Masungit na sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “Edi wag.” Dagdag ko pa at inirapan siya. Aalis na sana ko nung nagsalita siya.
“George sorry… Ken sorry din…”
“Wag ka sakin mag sorry. Kay George! If she forgives you, okay na din sakin kahit galit na galit ako sayo. Bubugbugin pa nga dapat kita eh.” Masungit na sabi ko dito.
“George sorry…”
“Okay lang yon. Wag mo na lang sanang ulitin. Sorry din ha.” Sabi ni George. Yayakapin siya ni demonyita pero syempre humrang ako. Wag nga siyang lumapit sa bespren ko! Ang tinde niya ah! Sipain ko mukha niya eh!