Chapter Seven

2.1K 54 2
                                    

"Bakit kayo lilipat ng School?"


Tanong ko kila Homie sa phone. Lahat sila lilipat na ng school si George lang ang hindi! My gahd!


"Eh, gusto ni mommy na sa San Beda na ako eh. Wala na akong magagawa. Kainis nga eh," sagot ni Allan.


"Ako isasama na ko ni Mom sa Italy." si Berds. Hiwalay kasi ang parents nito.


"Di ko alam kay Daddy. Basta gusto niya daw akong lumipat sa Xavier. Ayoko nga sana eh, pero pinilit niya ako." si Jeim.


Tae namannnnnn!


"Magkikita parin naman tayo guys. Ang corny niyo," malungkot na sabi ni Kent.


"Eh, ikaw barney, san ka na mag a-aral?" malungkot tanong ko.


Hay... ma mi-miss ko ang mga hinayupak na 'to kahit mga tukmol sila.


"Ateneo." mas malungkot sagot nito at huminga ng malalim.


"Ah, sa Areneow." Tumawa ako.


Napatawa sila for the first time, simula nung nag-start yung call.


"Ang corny mo ken!"


"Hayyyyy!"


Reklamo nila habang nagtatawanan.


"Tss." napa tawa ako pati sila.


"Homies mami-miss ko kayoooo!" sigaw ng babaeng Mega phone. Sino pa ba? Edi si George.


"Mami-miss ko kayong lahat except kay George." natatawang sabi ni Kent. Lagi nalang talaga silang ganyan, hahaha.


"Bakit sinabi ko bang mami-miss kita!? ikaw ba?!" George shouted angrily. Pikon talaga. Hahaha.


"Tama na nga yan! Para kayong mga burnik eh." asar samin ni Berds.

"Wag mo kaming i-gaya sayo pre."


"Hahahahaha!"


"Kaya nga. Last mo na yan ah." si Jeim.


"Hahahahaha!"


"Na-nanahimik kami dito Berds, kaya mo na yan." natatawang sabi ni George.


Si Berds puro 'tss' lang asar talo nanaman. Mwahahaha.


"Neiji! Nababaliw ka nanaman! Kakain na! Lagot ka sakin pag di ka lumabas!"


Sigaw ni Karlito sa labas ng kwarto. Yes. Si na ko natutulog sa kanila. Minsan nalang, pag trip ko.


Nagtawanan sila homie. Narinig yata. Mga tsismoso talaga, tss.


"Hindi po ako baliw Karlito! Okay, susunod na! Exited masyado." I shouted back.


"Oy Homies, kakain na kami eh. Baba muna ako ah. Pumunta kayo ha? Subikan niyong hindi, gulpi kayo sakin." pupunta kasi sila mamaya.


"Owkey owkey. Adik niyo talagang magkapatid. Hahaha." si Kent lang ang naka sagot, lahat kasi sila tumatawa. Mga baliw, tss.


"Ge bye." I said at pinatay na yung call.


"Bakit ang tagal mo?! Can't you see? Gutom na ako?! Hmmmmp! Babambuhin kita eh!" sigaw niya pagka labas ko. May pa irap-irap pa.


ASTIG!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon