Kahit saang ka pala talaga pumasok na school may mga makakapal na mukhang bully no?
Ikaw na-bully ka na ba? Ako? Hindi pa. Pero sa buhay sobrang daming beses na. Huehuehue.
Here's what, my classmate is currently bullying me. But of course I will not allow that.
"Ano?! Papakopyahin mo ba ako o hinde?!" Galit na tanong sakin ni Willson. He's my classmate since grade 3. Grade 5 na ako ngayon.
But he's not just a classmate. He's a classroom bully. Palibhasa maraming kuya dito na siga rin. Gusto niya kasing kumopya saakin ng assignment sa math. Duh! Is it my fault na he didn't do his homework?! Nakakahiya sa kanya ah. Idol ko na siya, pramis. Tsaka hindi niya ba nakikitang kumakain ako? Badtrip lang ha?!
"Nope." Sabi ko at nilaro-laro yung ballpen ko.
Paki ko ba kung hindi niya nagawa yung homework niya? Kasalanan ko ba?!
"Wag mo kong ginagalit Ken ha!" Nanlalaki ang matang sagot nito.
Wow! Big word!
Wag mo ring hintaying magalit ako! As if namang natatakot ako sayo? Baka masuntok pa kita diyan eh. Hehehehe.
Nag u-umpisa nang mapatingin samin ang mga classmates namin, which I don't like the most ―ayoko kasing nagiging center of attention. It's one of my pet peeves. It annoys me. A lot.
Di ko nalang ito sinagot at tumahimik na lang. I won't waste my time on this pathetic, crazy, bully. Sa bahay nga maya-maya akong na bu-bully eh! Sanay na ako diyan. Wag lang siya mananakit.
"Whether you like it or not, papakopyahin mo ko. Kung hindi isu-sumbong kita sa mga kuya ko! Gusto mo ba yun? I'm counting. One--" PAKE KO NAMAN KUNG MAGSUMBONG KA? Gusto mo suntukan pa kami ng kuya mo eh. DUH.
Bored na tinignan ko ito. "Sumbong mo. Samahan kita? Tara?" Whether he likes it or he likes it, I don't careeeee! Hahaha.
"Hoy panget choco na batok! Wag ka ngang bully diyan! Dun ka na! Lagot ka kay Teacher!" Singit ni Stella. My seat mate. Mabait ito sa lahat kaya ito ang peace officer. Ewan ko lang sa bully na yan. lahat kasi naiinis dyan eh. Eh pano binu-bully niya lahat. He finds it hard to be nice, I guess.
"Wag ka ngang mange-alam dito pandak!" galit na sabi nito kay Stella at susuntukin niya ito.
For real?! Manu-nutok siya ng babae?
WHAT THE FREAK?!
Agad kong pinigilan ang kamay niya at bahagyang inikot ito. Dahilan para mapa aray siya. "Oops! Wrong move!" Naka ngisi kong sabi dito. Gusto yata nitong subukan ang pagiging pikunin ko eh. Hahahaha. I've got Drake's temper if triggered.
Kung hindi mo nalalaman Willson, sanay akong makipag-suntukan sa lalaki dahil puro lalaki ang mga kapatid ko.
Tsaka duh! Para saan pa ang pag a-aral ko ng self defense kung hindi ko naman ito magagamit? Tsaka ayoko nga ng mga taong sadista diba? Lalo na kung maba-bait na tao ang sinasaktan. Mabait si Stella! Lagi niya akong binibigyan ng Cookies! Hehehehe.
"Ang astig talaga ni Ken! Kras ko na yan!"
"Oy nauna na ako sayo! Wag ka ngang ano diyan!"
"Omg! She's so bait talaga!"
"Kala ko ba masungit yan?"
"Oo nga! Diba di namamansin yan?"
"Kung mabait siya bakit niya binali yung kamay ni Willson?"
Rinig ko ang usapan ng mga classmates namin. Mga chismakers talaga. Imbes na pigilan tong choco na batok na' to nagdal-dalan nalang! Hahaha. Pero ays lang din yon walang istorbo.
Tsaka pano ko naman pinapansin yung mga tao kung hindi naman nila ako kina-kausap?! Baliw lang?
Nginisian ko si Willson. "What did you just say?" Hindi ako magdadalawang isip na bangasan ang muka nito, pag ito nag inaso. Swear.
"Nothing..." Nanginginig na sabi nito. Eh duwag naman pala tong isang ito eh! Wala to men! Weak! Hahaha.
"Tss. May sinabi ka kaya?! I heard it. Hindi naman ako bingi Willson, ha?" Sabi ko dito. Narinig ko pang nakikisali si Stella pero pinigilan ko ito. Wait lang Stella ha, parang gusto kong manapak ngayon eh. Bwahaha.
Hindi ito sumagot.
Gonna cry now?
Muntik na kong matawa sa naisip ko.
Pina-seryoso ko ang itsura ko pero sa totoo lang gusto ko nang humagalpak ng tawa. Pft. "Mag-sorry ka sakaniya." Bored na sabi ko sabay turo kay Stella. Tsaka naka-kainis lang ah? Kumakain kaya ako. Kulang pa nga yung breakfast ko kanina eh. Bahahaha.
Umiling-iling ito.
Aba't! magsasabi lang ng 'sorry' hindi pa magawa? Ano yon 1000 words? FYI one word lang yon!
Ganyan talaga yang bully na yan eh. Simpleng sorry lang hindi pa masabi. Kaya naman tuturuan ko siya kung pano mag sabi non. Bahahaha.
Bangasan ko na kaya, sa tingin niyo?
Tinaasan ko ito ng kilay. "Apologize to her or hindi ko bibitawan to nang hindi bali." I don't have all the time in the world!
Bored kong tinignan ito. "Just say it, moron!" Medyo tumaas na yung boses ko. Nakaka inis na ha! Wag niya akong pinag hihintay. Gutom na ko eh! Sabi nga nila di ba, wag gagalitin ang gutom?
"So...
...s-sorry... huhuhuhu!" sagot nito at biglang umiyak dahilan para matawa ang buong Klase namin.
Bakit siya umiyak? Edi wow? Mwahahaha. Bully na iyakin? May ganun pala? He's a rare breed.
Agad kong pinakalma ang sarili ko sa pagkakatawa. Medyo nahirapan lang ako. Duh! BULLY tapos iiyak?! Patawa siya ha! Hahahaha.
Nginitian ko ito. "Sige. Basta wag mo na yon u-ulitin ha? Wag ka nang siga. Because you know man, pwede naman kitang turuan eh, diba? So bakit ka pa mango-ngopya." Nakangiting sabi ko dito at pin-pat yung balikat niya sabay balik sa upuan. Madali naman akong kausap eh. Pag nag sorry ka na, okay na tayo. Simple.
Kumain nalang ulit ako ng nuggets. Peyborit ko to eh hihihi.
"Hahaha! Grabe ken! Hahaha! Natawa ko don ah! Hahaha! Astig mo talaga! Idol na kita! Hahahaha!" Sabi ni Stella habang ina alog-alog ako. Hindi siya natatawa ah. Hindi talaga.
Ngumisi ako. "Tss. Di man lang nga ako pinag pawisan don! Hahahahaha! Joke lang." Natatawang sagot ko. Which is true! Huehuehue. Tss, ang yabang ko. Pero, may bragging rights naman ako diba? Wahahaha joke lang!
Teka...!
Bakit may nag papalakpakan at nagsi-sigawan? May kaaway nanaman ba si Willson?
"Astiiig! Ang cool mo!"
Narinig kong sabi ng isang... grupo ng mga tao? Hala!
Nanlaki ang mata ko kasabay ng paglaglag ng panga ko sa sahig.
"Na-may nanu-nood Stel?" Tanong ko kay Stella. Tumango lang ito. The heeeeeckk! A-asarin nanaman ako sa bahay mamaya nila kuya niyan, huhuhu!
"Woooooo! Astig tong batang to!" Sigaw ng isa pang grupo ng mga High school mula sa bintana. Andami talagang tao. Waaaaaaaaahhh!
Simula non lagi nang may pumapansin sakin sa school.