Simula

1.6K 44 8
                                    

Juday Point Of View

Kasabay nang malakas na tugtog ay ang pag-galaw ko sa aking katawan. Tinaas-baba ko ang aking kamay at marahang umikot habang ginigiling ko ang aking bewang.

This is. . . Life!

Sumabay ulit ako sa tugtog at mas lalo pang tinaas ang aking kamay papunta sa ere, muntik pa kong matumba dahil sa dami ng taong nasa dance floor rin at sumasayaw.

Umaalon na ang aking paningin nang magdesisyon akong bumalik sa table ko.

Ilang tao pa ang nakabangga ko bago tuloyang marating ang pwesto.

Iginala ko ang tingin ko sa loob ng bar, saktong tumama ang aking tingin sa kabilang table hindi kalayuan sa kung nasaan ako nakapwesto.

Doon ay nahagilap ko ang pamilyar na pigura.

I am surprise seeing that he's also looking at me.

Mataman akong umirap bago nilagok ang tequila na nasa aking lamesa. He's not alone, he's with his friends and probably his girlfriend!

Ako naman ay mag-isa lang dito sa aking table. Well, wala talaga akong kasama ngayong gabi.

Palagi naman, palagi akong mag-isa.

But I enjoyed being alone, it gives me peace. Hindi porke mag-isa ako ay napaka-loner ko na.

I prefer being alone, than to have a friends who will make you feel like you were not belong with them.

Mas mabuti nang sarili mo lang ang makasama mo, kaysa sa mga pakitang-tao.

Hindi ko naman nilalahat, but sometimes, there are people like that.

Muli kong binalik ang tingin sa kabilang table, sa pagkakataon na 'to ay wala na sa akin ang atensyon niya kung hindi nasa kanyang girlfriend.

I gritted my teeth, I don't know where is this bitterness came from.

Basta ko na lang naramdaman.

Kasi habang pinapanood ko silang dalawa. . . May mga bagay akong naalala.

And it's stupid to recall those things, matagal na iyon. Malamang ay nakalimutan na rin ni Rey.

Rey. . . Or Geoffrey. . . My ex-fiancé I guess?

Ininom ko ulit ang isang shot ng tequila muling gumuhit ang tapang sa lalamunan ko.

Kahit umaalon ang paningin ay bumalik ako sa dance floor.

Maganda rin pala dito sa Manila, nasanay kasi ako sa US dahil namalagi ako doon ng ilang taon.

At ngayon lang ulit ako nakaapak sa lugar na 'to.

Halo-halo na ang amoy ng alak, sigarilyo at iba pa. . . Kung sino-sino na ring ang nakasayaw ko, sa puntong hahawakan o hahalikan na ako ay mabilis akong umiiling at humihiwalay sa kanila.

Sayaw lang dapat. . . I don't want to go far. Limitations, I had a limitations.

Nang mas lalo pang lumakas ang tugtog rito sa loob ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang sumayaw at sumayaw, hanggang sa maramdaman ko na ang malaking kamay na humila sa maliit kong pulsohan.

Tumili ako dahil ro'n, para namang walang nakarinig dahil sa lakas ng music.

Gusto kong kalasin ang kamay ng humihila sa akin, ngunit masyado siyang malakas at ako naman ay tinamaan na ng alak.

Nakarating kami sa basement kung nasaan ang parking lot. Ilang mura ang pinakawalan ko dahil sa inis.

Nagsasaya 'yung tao eh!

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon