Kabanata 12

293 19 3
                                    

Juday Point Of View

Tumagal ang aking titig bago ko muling binaling kay Cibby ang pansin. Ano bang pinagsasabi niya? Ginamit? Wala akong ginamit at kahit kailan wala akong gagamiting tao para lang sa sarili kong interes. Hindi ako ganoon kababaw.

"Juday?"

"Hindi siya makasagot Rey, kasi nga totoo! Noong malaman niyang may gusto ako sa 'yo doon nagsimula ang plano niyang pagselosin ako! Gusto niya lang mag higante sa akin! Kaya ikaw ang ginamit niya!" Nag-tiim bagang ako at binagsak ang tingin sa lupa.

"I am asking you, Juday. . . Tell me, is it true?" Inangat ko ang aking tingin at sinalubong ang titig ni Rey.

Umiling ako. "H-Hindi. . ." Mabilis siyang tumango.

"Now, you can leave, Cibby." Baling nito sa aking kapatid. Umawang ang labi ni Cibby na parang hindi makapaniwala. Mapakla rin siyang tumawa at tinapunan ako nang masamang tingin.

"Sa tingin mo magsasabi 'yan ng totoo!? C'mon, Rey! I am saving you here, don't fall for her trap! Niloloko ka lang ng babaeng 'yan!"

"Cibby! Ano ba? Napag-usapan na natin 'yan, bakit mo ako sinisiraan kay Rey? Hindi ko siya ginagamit! At kahit kailan wala sa isip kong mag higante sa 'yo!" Angal ko.

Bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kailangang umabot sa puntong handa siyang siraan ako para lang mapasama sa tingin ng iba?

Ang dami na naming naging away ni Cibby, ngunit hindi ko akalaing may mas malala pa pala ro'n, at ito 'yon. . . Nag-aaway kami dahil sa isang lalaki.

Ang kaibahan nga lang ay palagi akong nagpapaubaya noon, palagi akong nagpapakababa, palagi akong nagpapatalo, palagi akong walang kibo o walang imik, pero ngayon? Ayoko nang isuko na lang ang kasiyahan ko.

Ayokong magpaubaya na lang ulit, hindi bagay, o pera si Rey para isuko ko.

Gusto ko siya, at gusto siya ni Cibby. Pero ako ang gusto niya. Kaya bakit hindi ko ilalaban? Bakit ako magpapatalo? Ngayon lang 'to, ngayon lang ako hindi magpapatalo.

"Pagsisihan mo rin 'to Juday. And also you, Rey, binalaan na kita!" Padabog niya kaming tinalikuran at mabilis na nilisan ang lugar. Nagpakawala na rin ako nang malalim na hininga.

"P-Pasensya na, Rey. . ." aniya ko, hindi naman siya kumibo at hinawakan ang kamay ko.

Nagsimula kaming maglakad papasok sa kanilang Mansyon, dumiretso ako sa sala habang siya'y pumunta sa kusina.

Nang bumalik ay may dala-dala na siyang juice, nilagay niya na rin sa isang babasaging plato ang dala kong tinapay.

"G-Gusto ko lang sabihin na, hindi totoo 'yung mga sinabi ni Cibby. Noong isang araw lang nag-away kami dahil nalaman niya ang tungkol sa atin, hindi ko naman akalain na pupunta siya rito at sabihin ang mga salitang 'yon." Tipid akong ngumiti at kinuha ang isang baso ng juice.

"I know Jud, hindi ka kagaya nang sinasabi niya. At hindi rin naman ako naniwala, I asked you if it is true because I wanted to hear the truth from you, kahit alam ko naman talagang hindi mo 'yon gagawin." Umuulap nanaman siguro ang paningin ko ngayon.

Grabing emosyon ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya, mga emosyon na tanging si Rey lang din ang makakapag-paramdam sa akin.

"Paano kung totoo naman 'yung sinasabi niya? Anong magiging reaction mo?" Bumaba ang kanyang tingin sa sahig. "Paano kung ginagamit nga kita para pagselosin ang kapatid ko? Kasi sa totoo lang pwede iyong mangyari, lalo na't magkagalit kami."

Matagal na katahimikan ang namuo sa pagitan namin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at binantayan ang bawat galaw niya, gusto ko lang malaman ang reaksyon niya kung sakali man.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon