Kabanata 27

404 16 0
                                    

Juday Point Of View

Kirot sa buong katawan ang una kong naramdaman nang gumising ako kinaumagahan. Mahina ko ring kinusot ang aking mga mata dahil lumalabo pa ang paningin ko.

Sinubukan kong gumalaw ngunit mas lalo lang kumikirot ang katawan ko, lalo na ang ibabang bahagi. At isa pa, may matigas na brasong nakapulupot sa bewang ko, kaya mas lalo akong nahirapan gumalaw.

Matamis akong ngumiti nang makitang nakahiga si Rey sa aking t'yan at ang mga braso ay nakapulupot sa aking bewang. Dahan-dahan kong inabot ang kanyang mukha at marahan iyong hinaplos.

"Hmmm. . ." He groaned. "Good morning." Tumingala siya sa akin at ngumiti. Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko, lalo na't naalala ko ang nangyari kagabi.

"G-Good morning," mabilis siyang gumapang pataas hanggang sa magpantay ang mukha naming dalawa. Hinalikan niya ako sa labi at sa aking noo. "Anong oras na? Baka ma-late ka!" May halong taranta sa boses ko.

Imbes na magmadali ay siniksik niya lang ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Rey, anong oras na. . ."

"It's my day off, no need to worry. Are you hungry?" Hinarap niya ako. Kabado kong sinalubong ang kanyang nakakaakit na tingin.

"O-Oo? Medyo,"

"Alright, let's go downstairs. Their food here is good," tumango ako at pinilit ulit ang sarili kong tumayo, kahit medyo masakit pa talaga. "It hurts? Magpadala na lang tayo ng pagkain dito, no need to move." Sumimangot ako at sumang-ayon na rin.

Sino nga ba namang hindi sasakit ang katawan? Halos alas dos na nang madaling araw kami natapos! We're doing it everywhere! Sa bathroom, sa may couch sa gilid, at iba pa.

Pareho kaming pagod pero wala rin kaming balak tumigil. Kakaibang ligaya rin ang hatid ni Rey sa akin. Kaya sumakit talaga ang buong katawan ko.

"Baby, what are you thinking?" Agaw niya sa pansin ko. Ngumisi ako at umiling.

"Anong oras na?"

"10 am. . ." Saglit na nanlaki ang mata ko. Alas diyes na pala! Masyadong mahaba ang tulog ko, sabagay, pagod na pagod rin ang katawan at diwa ko.

"Uuwi tayo sa condo mo mamaya?" He nodded. Muli niya akong hinalikan sa noo ko at sa tungki ng ilong ko. "Hindi ka ba nagsasawang halikan ako? Halos buong katawan ko pinaulanan mo ng halik." Natatawa kong sabi.

He pursed his lips. "Hindi ako magsasawa Jud, kung alam mo lang, baliw na baliw ako sa 'yo. . . Matagal na taon kitang hinintay. Kung mas naging maayos lang ang takbo ng buhay ko, babalikan agad kita doon sa probinsya niyo. After seeing you there, parang meron na sa akin ang ayaw umalis sa lugar na 'yon. But I needed to, kaya pinangako ko na lang na babalik at babalik ako. Masyado lang natagalan, dahil sa mahigpit kong kalayaan sa kamay ng Ama ko." Ngumiti ako at siya naman ang hinalikan sa labi.

"Ayos lang, bumalik ka pa rin. . . Nagtataka nga ako noon eh, bigla kitang hindi nakita. Tapos lumipas ang mga taon, nawala na rin sa isip ko dahil mas busy ako noon kina Cibby, masaya akong makita ka ulit Rey. . . Ang daming nagbago sa 'yo, halos hindi kita makilala! Ang laki ng glow up, habang ako. . . Tagyawat iyung nag glow up sa akin." Mahina siyang humalakhak kaya mas sumimangot ako.

"Maganda ka Judie, subrang ganda mo. . ." Lumambot ang boses niya.

Nakangiti lang ako sa buong oras naming magkatabi sa kama. Dumating na rin ang pagkaing in-order niya mula sa baba kaya nagsimula kaming kumain. Pagkatapos ay sabay kaming naligo, tinutubuan pa rin ako ng hiya, pero pinapakalma ako ni Rey.

Hapon nang bumalik kami sa condo niya. Hindi na masyadong masakit ang katawan ko kaya malaya akong nakakagalaw. Wala naman kaming masyadong ginawa at nagpahinga lang.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon