Kabanata 17

331 18 1
                                    

Juday Point Of View

Gustohin ko mang umuwi sa bahay, wala namang ibang mangyayari kundi ang ipagtabuyan ako ni Tita Irene. Kaya naman hinayaan ko na lang si Rey na dalhin ako sa kanila.

Tumigil ako saglit sa harap nang kanilang malaking gate.

"Ayos lang ba talaga, Rey? Hindi ako makaka-abala?" Nag-aalalang tanong ko. Ayokong abalahin siya lalo na si Tita Jenfer, malalim na rin ang gabi at nakakahiyang mambulabog ako rito sa kanila.

"Yes Juday. Hindi ka nakaka-abala, that's what I've said right? This house is open for you, everytime. Please stop thinking na sagabal ka lang," hinila na niya ako papasok at binuksan ang pinto para sa akin.

Dumiretso kami sa kusina. Kumunot pa ang noo ko nang lumapit siya sa may malaking gas stove na parang magluluto.

"H-Hindi ka pa kumain? Dahil ba sa akin? Lumabas ka para hanapin ako. . ." Bulong ko at yumuko.

"Hmm? Sisihin mo nanaman ba ang sarili mo? I don't care Jud if I will starve to death, what important is I will go find you. Pagkatapos ng mga narinig ko, what do you expect me to do? You're my girlfriend, and I was so fucking worried."

Sa gitna nang lungkot na naramdaman ko ay parang sumaya bigla ang puso ko. Akala ko walang may pakialam sa akin pagkatapos ng mga nangyari, akala ko walang mag-aalala sa akin, walang maghahanap, walang maghihintay.

Pero heto si Rey, na palaging pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa. Gusto ko na lang ulit tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya nang mahigpit. Pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong distorbuhin siya sa kanyang ginagawa.

"Besides, I am cooking for you, alam kong hindi ka pa kumakain." Dagdag niya pa. Pinanood ko lang siyang magsuot ng apron at magsimulang maghiwa ng mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto.

Marunong rin pala siyang magluto?

"Anong lulutoin mo?" Tanong ko at mas lumapit pa sa pwesto niya. Sinundan ko ng tingin ang ginagawa niyang paghihiwa, mabilis ang kamay niya na parang sanay na sanay siya sa kanyang ginagawa.

"Adobo, why? Do you want to suggest? Tell me. . . Sisikapin kong makaluto," saglit niya akong binalingan ng pansin at ngumiti. 

"O-Okay na 'yan, pwede kitang panuorin? Baka kasi mailang ka sa akin. . ."

"Nah, I love it that way, you look like my wife." Umawang ang bibig ko at pilit na tinatago ang ngiti sa labi ko. "Well, it's look like you're practising to be one. That's good, alam kong darating 'yung araw na panunuorin mo ulit ako habang nagluluto, but the difference is you're not my girlfriend anymore, but my wife."

Nakatitig lang ako sa kanya habang abala siya sa pagluluto. Nakakatuwa dahil pumapasok na sa isip ni Rey ang ganoon, na magiging asawa niya ako, kasama ako sa kasalukuyan n'yang mga plano.

Gusto kong mag talon-talon sa saya ngunit hindi ko 'yon makakayang gawin ngayon. Bakas pa rin sa aking isipan ang mga nangyari kay Cibby, masakit pa rin sa akin at subra-subra ang galit ko sa kung sino man ang pumatay sa kanya.

Pupunta ako bukas sa lamay niya, sana lang ay payagan ako ni Tita Irene. At sana paniwalaan niya ako, sana makita niya ang katotohanang hindi ko kailan man magagawang saktan o patayin si Cibby.

Nang gabing 'yon ay nanatili ako kina Rey, ang bawat pag-aalala niya sa akin ang siyang nagbibigay ng pag-asa para muli akong lumaban at harapin ang mga taong nakapaligid sa akin.

Lahat sila ang tingin sa akin ay mamamatay tao, ngunit ayokong magpa-apekto dahil alam kong hindi iyon totoo, alam ko ang katotohanan sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng opinyon ng iba.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon