Kabanata 18

397 20 1
                                        

Juday Point Of View

Masakit man ang desisyong ginawa ko, ngunit iyon ang mas makabubuti para kay Tita Irene. Akala ko maagapan pa siya, pero habang tumatagal ay mas lumala ang sitwasyon niya.

Hindi ko gustong i-pasok siya roon, pero kailangan. Ilang kapit-bahay na namin ang nasaktan niya, ayokong umabot sa puntong makagawa pa siya ng mas malala pa ro'n.

"Nalaman na namin kung sino ang tatay ng ama ni Cibby, nasa estasyon ito ngayon at nag-umpisa na kaming imbestigahan siya." Parang umangat ang dugo ko papunta sa aking ulo, gusto kong harapin ang lalaking 'yon.

"Gusto ko siyang makita. . ." Ani ko, kausap ko ngayon si Salde. Kahit nahihirapan akong magsimula ulit ay ginawa ko pa rin. Kailangan kong maging matapang lalo na't hindi pa na reresulba ang kaso ni Cibby.

"Yes, don't worry, you will see him," ngumiti siya at biglang nilahad sa akin ang isang fresh juice. Inabot ko naman at nagpasalamat sa kanya.

Nandito pala ako ngayon sa palengke, pinilit ko talagang mag bantay rito kahit 'yung isip ko ay hindi mapakali.

"Pansin ko lang na mas rumami ang mga pulis rito sa barangay namin, may ibang misyon pa ba kayo, bukod sa kaso ni Cibby?" Tanong ko habang diretsong nakatingin sa kanya, matapang niya namang sinalubong ang tingin ko.

"Kind of." Tipid niyang sagot.

Naputol lang ang pag-uusap namin nang tumunog ang kanyang telepono, tinignan niya ako at sinenyasang sasagutin niya ang tawag, tipid lang akong tumango at nilabas rin ang cellphone ko.

Bumungad sa akin ang iilang message galing kay Rey.

Mss k na ni Ry.

Nanliit ang mata ko dahil sa message niya.

Miss ka na ni Rey? 'Yon ba ang ibig niyang sabihin? Mahina akong natawa dahil do'n. Binasa ko pa ulit ang iba.

You're at the market?

Did you eat breakfast?

Nakangiti lang ako habang patuloy na binabasa ang mga mensaheng galing sa kanya. Sa mga nakalipas na araw ay hindi kami masyadong nagkikita, masyado akong busy sa kaso ni Cibby. Gustohin man ni Rey na samahan ako sa lahat ng mga gagawin ko, ay pinigilan ko siya.

Alam kong marami rin siyang mga kailangan atupagin, at isa pa, maayos naman ako. Umuuwi ako sa bahay at nakakapanibago dahil subrang tahimik, hindi ako nasanay.

Imbes na maging masaya ako dahil wala nang manenermon sa akin, wala nang sisigaw sa akin, pero kabaliktaran ang naramdaman ko.

Subrang lungkot. Ayos lang sana kung umalis lang siya o lumipat ng bahay, pero ang katotohanang hindi ko na kailan man makikita si Cibby at malala rin ang lagay ni Tita Irene, ay nagbibigay sa akin ng ka-miserablihan.

Muli kong binalik ang tingin sa aking cellphone at tinignan ang huling mensahe na pinadala ni Rey sa akin.

Who's that man?

3 minutes ago. Biglang nanlaki ang mata ko, nandito ba siya sa palengke!? Nakita niya siguro kami ni Salde kaya niya 'yon tinanong. Pero nasaan siya?

Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, ngunit wala naman akong nakita.

"Juday, I think I need to go. Mukhang kailangan ako sa presinto," ani Salde habang papalapit sa akin.

"May nangyari ba? May problema?" Tanong ko, mabilis naman siyang umiling.

"No, everything is fine. Pagkatapos naming susihin ang lalaki ay hahayaan kitang makita siya, hindi pa rin siya umaamin at pilit na tinatanggi ang lahat. We really need to investigate more." Paliwanag niya.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon