Kabanata 15

319 17 0
                                    

Juday Point Of View

Nagising ako nang maramdaman ang pagtama nang sinag ng araw sa mukha ko. Inangat ko ang aking kamay papunta sa mata ko at mahina 'yung kinusot.

Anong nangyari?

Dahan-dahan akong umupo mula sa malambot na kama at minulat ang mata ko. Halos umawang ang bibig ko nang mapansin ang pamilyar na desinyo ng kwarto! Hindi ako pwedeng magkamali, kay Rey ang kwartong ito!

Paano ako napunta rito? Ang naalala ko lang ay nagkita kami kagabi. . . Kinausap niya ako. . . Hinalikan ko siya--- HINALIKAN KO SIYA!? Inis kong ginulo ang aking buhok, anong ginawa ko!? Panaginip lang ba 'yon!?

Nanlaki ang mata ko at dali-daling tinignan ang katawan kong may takip na kumot, nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang suot ko pa rin ang damit ko. Ayoko namang isipin na may nangyari nga. . . Pero kusa lang 'yung lumabas sa isipan ko.

Panaginip lang ba talaga ang nangyari kagabi?

Pero kung panaginip dapat wala ako rito sa kwarto niya ngayon!

Tapos umamin pa ako kagabi na mahal ko siya! Wala na, sirang-sira na ako! Hindi ko alam kung paano siya harapin ngayon! Sana lang talaga hindi muna siya pumasok dito sa kwarto niya.

Mabilis akong tumayo mula sa kanyang kama at sumilip sa bintana, tahimik naman sa labas. Nang lingonin ko ang malaking orasan ay nakita kong alas sais na nang umaga!

Umuwi naba sila Rumi!? Iniwan ko pa naman sila! Baka nag-alala na ang mga 'yon! Baka nga ni-report na akong missing! Hinanap ba nila ako kagabi? Sana naman maayos sila, bakit ba kasi bigla na lang akong nawala sa aking malay kagabi!?

Muli kong sinilip ang bintana. May kahabaan ito, kung tatalon ako mula rito sa kwarto ni Rey, pwede akong mabalian ng buto. Ayos na siguro 'yon? Malakas at matibay naman ang buto ko, mas mahalagang makaalis ako rito.

Kasi hindi ko alam ang gagawin ko pag nakita ko siya! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, at ano ang magiging katwiran ko. Malamang ay tatanongin niya ako kung totoo ba ang mga sinabi ko kagabi.

Madali lang tumanggi pero alam ko sa sarili kong, pag kaharap ko na si Rey nahihirapan akong magsinungaling dahil palagi niya akong nahuhuli. Kahit wala siyang sabihin ay kusa akong tumitiklop, tingin niya pa lang ay parang sinusuri na akong mabuti.

"Juday, are you planning to jump?" Natigilan ako at mabilis siyang nilingon. "Ganyan ba talaga ako ka-delikado para iwasan mo? Itataya mo pa pati buhay mo?" Tanong niya at humakbang papalapit sa akin.

Todo iwas lang ako ng tingin kahit palagi niya namang nahuhuli. Nang marating niya ang pwesto ko ay madali niyang nahawakan ang aking kamay.

"L-Lasing ako kagabi. . . Hmm, wala akong maalala. Ano ba nangyari? Bakit ako nandito?" Tanong ko.

Okay lang naman siguro kung magsinungaling 'di ba!? Hindi ko kakayanin ang kahihiyan kung sakali man!

"Wala kang maalala? Gusto mong ipaalala ko Heather Judie?" Wow! Tinawag niya ako sa buong pangalan ko! Kalmado lang ang boses niya at inalis ang iilang hibla ng buhok na humarang sa aking mukha. "You said 'mahal mo ako---"

"R-Rey. . . Gutom ako," saad ko na lang para maputol ang sasabihin niya! Pero mukhang mali ang sinabi kong gutom ako! Ibig-sabihin pakakainin niya ako at kailangan ko pang manatili nang matagal rito!?

"But you don't remember right? I want you to remember that's why, you looked curious too---"

"Eh! Gutom nga ako! Wala na akong pakialam sa nangyari kagabi!" Angal ko.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon