Kabanata 13

278 20 1
                                    

Juday Point Of View

Unti-unting nanginig ang aking mga paa habang diretso pa rin ang tingin ko kay Cibby. Marahas siyang hinila ni Tita Irene at mahigpit na yinakap ang anak.

"Sino ang lalaking 'yan. . . Cibby?" Lumambot na rin ang boses ni Tita Irene at mahigpit na inalalayan si Cibby. Wala pa rin akong naging kibo.

Umaasa akong mali aking narinig, umaasa ako na sana bawiin ni Cibby ang sinabi niya, umaasa ako na ibang tao ang ibig niyang sabihin.

"Si Rey po, na ikwento ko na po siya sa 'yo. Siya ang lalaking gusto ko, at siya po ang ama nang ipinagbubuntis ko," tuloyan na nga akong nanghina dahil sa sinabi niya.

Para akong nabingi bigla, paulit-ulit na tinutusok ang puso ko. Hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Kakausapin natin ang lalaking 'yon, Cibby. Pananagutan ka niya," usal ni Tita Irene na puno ng sinseridad.

"Paano, Ma!? Imposible po atang mangyari 'yon. . ."

"At bakit naman Cibby!? Nabuntis ka, natural lang na dapat ka niyang panagutan! Hindi pwedeng walang ama ang anak mo!" Mas lalong humagulhol si Cibby.

"Mama, girlfriend niya po si Juday! Kaya imposible pong panagutan niya ako, depende na lang po kung mag hiwalay silang dalawa!" Nabalik ako sa aking wesyo nang ituro niya ako.

Bumaling si Tita Irene sa akin na puno nang pagtataka.

"Tita. . ." Pinanlakihan ko rin ng mata si Cibby. Naguguluhan na nga ako sa mga sinasabi niya, tapos bigla niya pang dinawit ang pangalan ko?

"Sa akin naman talaga si Rey, Ma. Kaso umiksina ang babaeng 'yan! Inagaw niya sa akin si Rey! Nilandi niya ang lalaking mahal ko, kaya ngayong buntis ako malabong panagutan ako ni Rey dahil sa babaeng 'yan!" Ilang ulit akong suminghap.

Umiiling rin ako, hindi makapaniwala. Nagsisinungaling siya 'di ba!? Hindi si Rey ang Ama! Hindi iyon magagawa ni Rey sa akin! Hindi ako naniniwala. . . Hindi. . .

"Totoo, Juday!? Sinasabi ko na nga bang malandi ka! Katulad ka rin ng Nanay mong malandi! Hindi na ako magtataka sa sinabi ni Cibby, hiwalayan mo ang tatay ng anak niya! Huwag mong pairalin ang kalandian mo!"

"Tita? Wala akong alam patungkol sa totoong nanay ko, hindi ko siya kilala, kung galit ka po sa kanya naiintindihan ko. Pero ayoko na pong tanggapin ang pang-iinsulto mo sa akin! Ninyo!"

"Sumasagot ka na ngayon? Malakas na ang loob mo!? Buntis si Cibby! Narinig mo 'di ba? Buntis siya at kailangan siyang panagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya, at ang lalaking 'yon ay ang boyfriend mo! Hiwalayan mo, Juday!" Mabilis akong umiling at akmang lalabas na sana nang biglang hilain ni Tita Irene ang kamay ko.

"Tita! Kakausapin ko po siya! Hindi magagawa ni Rey 'yon sa akin! Gusto niya po ako--- Hindi, mahal niya po ako! Sinabi niya sa akin 'yon kaya hindi ako bastang maniniwala sa sinabi ni Cibby!" Awat ko at pilit na inaagaw ang kamay ko.

Sadyang malakas nga lang si Tita dahil hindi ko magawang alisin ang kanyang kamay.

"Sinasabi mong nagsisinungaling ang anak ko!? Ang kapal ng mukha mo! Para sa anak nila, Juday, hiwalayan mo ang lalaking 'yon! Kung talagang tinatrato mo pa kaming pamilya pakikinggan mo ako!" Dahan-dahan akong yumuko.

Sunod-sunod na tumulo ang luha galing sa mata ko.

"Sa tingin mo ba Juday aamin si Rey kung sakaling komprontahin mo siya? Siyempre hindi 'di ba? Kasi matatakot siyang malaman mo! Kaya pwede bang hiwalayan mo na lamang siya! Sa halos ilang buwan at ilang araw kong pagbisita sa kanila, sa tingin mo walang nangyayari sa amin? Wala kaming relasyon pero pwede pa rin naming gawin ang mga bagay na ganoon!" Lintaya ni Cibby.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon