Kabanata 2

493 24 5
                                    

Juday Point Of View

Maaga akong nagising kinabukasan, kaya naman nakapagluto agad ako ng ulam namin at nakapag-saing ng kanin. Alas sais nang matapos ako sa paghahanda ng pagkain, saktong gumising na rin si Cibby.

Kalat na kalat pa ang make-up sa mukha niya, pati ang buhok ay magulo rin. Sa narinig ko kagabi'y umalis siya dahil umattend ng birthday party, doon sa kabilang barangay.

Pinapayagan naman siya ni Mama at Papa, kahit pa man onse anyos lamang siya. Kampanti si Mama at Papa dahil halos lahat ng tao rito sa barangay ay kilala namin. Kumbaga, parang nagtitiwala sila sa mga taong nasa paligid namin.

Pero ako? Hindi ko maiwasang mag-alala, kahit maldita pang makitungo si Cibby sa akin, inaalala ko pa rin ang kaligtasan niya. Kapatid ko pa rin siya at mahalaga siya sa akin.

"Cibby? Nakahanda na ang pagkain sa lamesa, baka gusto mo nang kumain," anyaya ko sa kanya. Mabilis na irap lang ang ginawad niya sa akin at tinalikuran ako.

"Juday, nakalimutan ko pa lang bigyan ka ng baon kahapon. Pasensya na at nawala sa isipan ko," sunod kong nakasalubong si Papa. Inabot niya sa akin ang singkwenta pesos at bahagyang pinatong ang palad sa may ulo ko.

"Ayos lang, Papa," mahinang sagot ko.

Ginulo niya ang buhok ko at hinawakan ang magkabilaan kong balikat. "Nahihirapan ka na ba sa sitwasyon mo, Juday?" Sa isang iglap ay bumigat ang paghinga ko.

Nahihirapan na ba ako? Hindi ko alam ang sagot. . . Nasanay na ako sa mga sermon ni Mama, sa pagmamaldita ni Cibby sa akin, at sa ibang pangit na bagay na ginagawa nila sa akin. Pakiramdam ko'y wala na sa bokabularyo ko ang salitang  'nahihirapan'.

"Hindi naman po, Papa. Ayos lang po ako," sagot ko kahit pa man hindi iyon ang talagang sinasabi ng puso ko.

Kasi kahit nasanay na ako. . . Gusto ko pa ring magpahinga muna. Gusto kong saglit na tumigil ang oras at mabigyan ako ng pagkakataon na magpahinga at hayaan ang sarili kong sumaya sa mga bagay na alam kong makakapag-pasaya sa akin.

"Pasensya na Juday." Tinapik niya ang balikat ko. "Kung may kailangan ka sa skuwela ay sabihan mo ako, lalo na pag may proyekto kang dapat bilhin o gawin, sabihin mo sa akin." Tumango lang ako at ngumiti ng tipid.

Mabait si Papa sa akin. Hindi niya nga lang palaging napapakita 'yon. Palagi siyang wala rito sa bahay at namamalagi sa sugalan at kadalasan ay nakikipag-inuman. Iyon kadalasan ang dahilan nang away nila ni Mama Irene.

Kaya naman kaunting oras ko lang siyang nakaka-usap. Minsan lang din kami magkaroon ng seryosong usapan, gaya ng nangyari ngayon lang, pag ganoon ay mas lalo kong nararamdaman na, kahit kaunti ay may nagpapahalaga pa rin sa akin.

Sinapo ko na lang ang sariling noo para bumalik ako sa aking wesyo. Umakyat ako sa kwarto at kumuha ng towel gaya nang palagi kong ginagawa tuwing umaga.

Gigising. Magluluto. Maliligo. Magbibihis. At aalis pagpuntang eskuwela. Ganiyan ang set-up ko araw-araw tuwing umaga.

Nang akmang lalabas na ako ng kwarto ay biglang nahagip ng mata ko ang lunch box na nasa may gilid! Oo nga pala, muntikan ko na 'tong makalimutan. Kinain ko na kagabi ang natirang ulam, at naubos ko naman.

Maingat akong naglakad pababa at hinugasan ang lunch box bago ipinasok sa loob ng bag ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang makitang nasa may bandang pintuan ng kusina si Cibby at diretsong nakatingin sa akin.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon