Kabanata 14

281 18 2
                                    

Juday Point Of View

Mabilis na akong tumalikod at kumaripas nang takbo, wala na rin akong pakialam kung may makakita man sa akin habang umiiyak ako. Dire-diretso lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa bahay.

Bumungad pa si Cibby at Tita Irene sa akin, nakaupo silang dalawa ngayon sa sofa at mukhang nag-uusap.

"Saan ka pumunta, Juday? Walang bantay ang tindahan!" Sigaw ni Tita Irene sa akin. Mailap akong yumuko at pinahid ang kakarampot na luhang nagkalat sa pisnge ko.

"Babalik po ako doon,"

"Nagkita kayo ni Rey?" May halong panunuri ang tanong ni Cibby. Wala naman sigurong dahilan para magsinungaling ako patungkol doon. Nagkita lang naman kami para putulin ang kung anong meron kaming dalawa.

"Oo, Cibby. Wala nang namamagitan sa amin ngayon, kaya makakahinga ka na nang maluwag." Saad ko at dumiretso sa aking kwarto.

Inis kong binagsak ang aking katawan sa kama at nagsimulang lumuha ulit. Walang tigil rin ang paninikip ng dibdib ko, mas masakit pa dahil ngayon alam kong wala na talagang pagitan sa aming dalawa.

Mahal ko si Rey. . . Ang bilis ko siyang minahal, at hindi ko man lang nagawang aminin sa kanya ang totoo. Hindi ko man lang nasabi ang totoong nararamdaman mo. At ito na ata ang pinakamasakit.

'Yung itatago ko na lang ang totoo at hayaan itong maglaho. Kahit hindi pa man ako sigurado kung magbabago nga ba ang nararamdaman kong 'to.

Nasanay ako kay Rey. Sa iilang buwan na magkasama, at magkausap kaming dalawa ay talagang nahulog ako na umabot sa puntong minahal ko na siya. Kaya subrang sakit para sa akin ang ginawa ko, at alam kong iyon ang makabubuti para sa aming dalawa.

Para sa kanilang dalawa ni Cibby. . . At para sa magiging anak nila.

Nabalik lamang ako sa wesyo nang tumunog ulit ang cellphone ko. Tumatawag ulit si Rey, at kung hindi ko pa napigilan ang kamay ko ay malamang nasagot ko na ang tawag niya.

Nilagay ko na lang sa gilid ng aking kama ang cellphone at hayaan iyung tumunog. Sunod-sunod rin ang text niya sa akin, kitang-kita ko 'yon sa screen.

Mag-usap tayo, please..

Pupunta ako sa inyo Juday.

I will talk to your sister, she's lying I swear.

Baby.

Juday, eat lunch okay? I will clean up this mess, after I talk to your sister.

Baby, I love you. And I'm sorry if you're going through like this, again.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at mabilis na tinanggal ang battery ng cellphone, pati na rin ang sim na ginagamit ko, buong lakas ko 'yung tinapon sa labas ng bintana.

Tama, kung palagi kong makikita ang text at tawag niya sa akin ay mas lalong hindi ako matatahimik! Baka sumuko lang ang puso ko at lumambot nanaman. Tama lang na putulin ang lahat ng sa amin.

* * *

3 days after.

"Juday nag-aaya ka raw nang inuman?" Bungad na tanong ni Marisol sa akin nang makalapit sa pwesto ng mga paninda namin. Tumango ako at tipid siyang nginitian.

Inaya ko kasi si Rumi kanina, at pumayag naman. Siguro'y sinabihan niya na rin ang iba pa naming kaibigan kaya halos silang anim ay nandito sa harapan ko ngayon.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon