Juday Point Of View
"Juday. . ." Kinusot kong muli ang mata ko para makasiguradong siya nga itong nasa harapan ko ngayon. "Ako 'to Juday, are you drunk?" Nang hawakan niya ang kamay ko'y tuloyan ko na ngang nakumpirma.
"Rey! Nandito ka!" Muntik pa akong sumubsob sa lupa nang mapatid ko ang isang malaking bato. Kung hindi lang ako nahawakan ni Rey, paniguradong bagok nanaman sa ulo ang aabutin ko.
Iwan ko ba, hubby ko na siguro ang mapatid.
"Are you drunk? Uuwi ka na ba?" Umiling ako. Bakit naman ako uuwi, eh nandito siya? At isa pa hindi pa ako nakapag-paalam kina Rumi. Baka hanapin ako at mag-alala.
"Hindi na muna Rey. . . Isa pa nandito ka! Dapat samahan kita, wala kang masyadong kilala rito 'di ba? Halika na, pumasok ka sa loob! Ipapakilala kita kay Kapitan." Ngumiti ako at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
Kaya lang hindi naman siya natinag mula sa kinatatayuan niya.
"I'm not here to party, Juday. Nandito ako para sunduin ka, you know, hindi ako matahimik hanggat hindi ko nasisigurong ayos ka lang." Nanatili ang tingin ko sa kanya.
"Nakainom ako pero kaunti lang naman, medyo nahilo ako dahil siguro first time kong uminom, pero hindi naman ako lasing. . . L-Lumabas ka sa inyo para puntahan ako?" Tumango siya.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa niya 'to. Isang buwan ko nang kilala si Rey, at kahit minsan hindi ko siya nakitang lumabas pati na rin si Tita Jenfer, kaya nagulat talaga ako nang makita siya dito.
"Yes, kung gusto mo pang bumalik sa loob, then I can wait here Jud. I am not really into crowded places," aniya at binitawan ang kamay ko. Mailap kong kinagat ang aking pang-ibabang labi at tumango.
"M-Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko, babalik rin kaagad ako!" Mabilis akong tumalikod at hinanap sina Rumi, halos makipag-bakbakan pa ako sa mga taong nasa gitna at sumasayaw.
"Juday! Saan ka galing? Akala ko umuwi ka na!" Tawag ni Rumi sa akin.
"Oh? Shot, Juday," si Marisol. Mabilis akong umiling.
"Uuwi na ako. . ." Nagkatinginan sila. "Uhm, gusto ko nang umuwi. Mukhang tinamaan na ako ng alak."
"Ganoon ba? Hatid ka na namin," suhestiyon ni Moy, pinigilan ko siya sa bahagyang pag-tayo niya.
"Hindi na! Ayos na ako, isa pa may. . ."
"May ano? Uy ano 'yan?" Si Kipay na halatang nanunukso ang tingin.
"Aalis na ako! Ingat kayo pag-uwi niyo mamaya!" Tinago ko ang umiinit kong pisnge at mabilis na tumakbo papaalis doon. Muli kong nahagilap si Rey ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya nag-iisa!
May kasama siya. . . At halos hindi ma-proseso sa akin kung sino ang kasama niya. Si Cibby! Oo nga pala, nandito rin ang kapatid ko, at sa nakikita ko ngayon ay parang lasing na ito.
Nanatili akong nakatayo sa aking pwesto at pinanood silang dalawa.
Umaawang ang bibig ni Rey habang si Cibby ay biglaang pinulupot ang kanyang kamay sa leeg ng lalaki, may kung ano pa itong sinasabi ngunit hindi ko naman marinig dahil malayo pa rin ang distansiya ko mula sa kanila.
Sumikip ang dibdib ko lalo na nang umamba si Cibby na halikan si Rey ngunit mabilis siyang napigilan ng lalaki, mukhang hindi pa inasahan ni Cibby ang ginawa nito.
Naglakad akong muli papalapit sa pwesto nila.
"Bakit mo ba ako tinatanggihan, Rey? Stop being hard to get! Alam ko naman na ako ang sadya mo kaya ka nandito 'di ba? Pinuntahan mo ako rito! So why are you acting like this?" Boses ni Cibby.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
AcakAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...