Juday Point Of View
Matagal akong nakatulala sa kawalan habang unti-unti nitong inalis ang kamay niya mula sa aking bibig. Gusto ko man siyang lingonin ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko.
T-Tinawag niya akong Juday!? Sino ang Multong 'to!? Bakit niya ako kilala!? Hindi kaya matagal niya na akong sinusundan at nagbabalak siyang i-posses ang katawan ko? Paano kung dito niya 'yon gawin dahil tahimik at wala masyadong tao? Anong mangyayari sa akin pag nakuha ng Multong 'to ang katawan ko?
"Ayos ka lang ba, hija?" Dahil sa boses na 'yon ay nabalik ako sa aking wesyo. "May problema ba? Anong ginagawa mo rito?" Sa pagkakataong 'to ay nagawa kong lumingon pero wala naman akong nakita!
Nawala 'yung Multo!
"A-Ah, hinahanap ko po 'yung cr. Pasensya na po. . . Naiihi po kasi ako," pagsisinungaling ko kahit sa kaloob-looban ay nanginginig na ang ugat ko. Multo nga talaga 'yon! Biglang nawala eh!
O hindi kaya nag iilusyon ako? Baka nasobrahan lang ako sa kaba at overthink kaya kung ano-ano nang nakikita at naririnig ko?
"Naroon ang cr hija, ituturo ko sa 'yo ang direksyon---"
"Nako! Huwag na po, nakakaabala na po ako. Kailangan ko rin pong bumalik agad, salamat na lang po." Pigil ko rito. Ayoko nang magtagal pa! Baka mamaya'y kung ano nanaman ang makita ko!
"Ganoon ba? O siya, ito ang bayad ko. Salamat sa paghatid ng mga 'to. Ipagpasalamat mo rin ako kay Cibby," magalang akong tumango at tinahak na ang direksyon papalabas. Sinamahan ako ng babae hanggang sa makalabas ako ng gate.
"Salamat rin po. I-Ingat po kayo dito." Mahina lang siyang tumawa bago tumango.
Tumalikod na rin kaagad ako, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagtayo ng balahibo ko. Nang muli kong lingonin ang malaking bahay ay nakita ko nanaman! May nakatayong pigura sa pangalawang palapag ng bahay, at sigurado akong nakatingin ito sa akin!
Nanlaki ang mata ko at kumaripas nang takbo.
Habol-habol ko ang hininga nang makasakay ako ng tricycle pabalik. Kulang na lang ay manginig ang buong katawan ko sa takot!
"Nag deliver ka ng paninda niyo Juday?" Biglang tanong ng driver. Si Mang Loe, hindi ko napansin na siya pala ang driver nang nasakyan ko.
"Ah opo," sagot ko at pilit na pinapakalma ang sarili. "May malaking bahay po pala doon sa dulo? Grabi nakakatakot po! Hindi ko inakalang may titira ro'n."
"Matagal na ang bahay na 'yon, at ang alam ko'y may nakatira rin kaso mukhang napabayaan. Narinig ko rin kasi na hindi naman naglalagi doon ang may-ari, kadalasan itong nasa Maynila at tuwing buwan lang ng Marso umuuwi. Kaso mukhang bago ngayon dahil nagtagal na sila doon ng ilang buwan." Mahabang kwento nito.
"Sila po? Ibig-sabihin hindi lang pala isa ang nakatira doon. . ." Aniya ko. Bakit kaya hindi ko nakita kanina? Multo lang 'yung nagpakita sa akin!
"Oo, ang alam ko, mag-ina ang nakatira doon. Masyado kasing hindi lumalabas at hindi nakikisalamuha kaya hindi rin kilala ng iba."
May iilang kinwento pa sa akin si Mang Loe habang nakikinig lang ako at minsan ay nagugulat. Pagkarating ko sa palengke ay nagmadali akong bumalik sa pwesto ng paninda namin.
Naabutan kong humihilik si Burnok at muntik nang mahulog sa upuan kong hindi ko lang siya nahawakan.
"Oh? Kamahalan. . . Nakabalik ka na," ngumisi siya habang nakangiwi ako dahil may laway pang tumulo sa gilid ng labi niya. Nako!
"Laway mo tumutulo," mahinang bulong ko.
"Sorry, kamahalan," napailing ako at binigyan siya ng bente.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...