Kabanata 30

33 0 0
                                    

Juday Point Of View

Naramdaman ko ang pag-awang ng kanyang labi kasabay nang mabilis niyang paghiwalay mula sa akin. Tila natauhan siya at maging ako rin.

Matagal maproseso sa utak ko ang mga nangyari, ngunit nang i-angat ko ang aking tingin kay Salde ay namataan ko ang pag-guhit ng sakit sa kanyang mga mata.

Mas lalo akong nanghina kasabay nang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Gusto kong lumapit sa kanya ngunit siya na mismo ang umatras at mapait na ngumiti sa akin.

"S-Salde. . . I'm sorry. . ." Tanging naibigkas ko habang malumanay siyang tinignan. Gumalaw ang kanyang panga at marahan niyang hinilot ang kanyang sintido. "Salde-"

"I'm fine. . . Gabi na, you should sleep," putol niya sa akin. Maging ang boses niya ay bakas ang pagkadismaya.

"Sorry Salde. . . Hindi ko alam kung bakit-"

"May kasalanan rin naman ako. Hinalikan kita bigla, nagpadala ako sa emosyon ko, it's not your fault. Good night." Mahina niyang tinapik ang aking balikat bago siya naglakad papaalis, naiwan akong mag-isa at nakatulala lang sa kawalan.

Why. . . Why did I mention his name? Sigurado akong nasaktan si Salde sa nangyari, kaka-amin niya lang sa akin na gusto niya ako. Hindi ko rin alam. . . Naguguluhan ako, nang halikan ako ni Salde biglang lumabas sa isip ko ang imahe ni Rey.

I felt like I'm cheating on him. . . Pakiramdam ko mali na magpahalik ako sa iba. Rey is dead. Matagal na panahon na siyang wala, ngunit iba ang sinasabi ng puso ko. Iba ang gusto kong paniwalaan.

At dahil sa sarili kong paniniwala, may nasasaktan na akong mga tao, mga taong nakapaligid sa akin na walang ibang ginawa kundi ang damayan at tulongan ako.

Muli kong hinilamos ang aking kamay sa sarili kong mukha at nagpakawala nang malalim na hininga.

Bumalik rin sa akin ang sinabi ni Mommy, buksan ko ang puso ko para sa iba? I don't think I can do that. May parte sa akin na gustong mag move on na talaga at hayaan ang sariling magmahal ulit, ngunit may parte rin sa akin ang nagsasabing, hindi ko kayang magmahal ulit o magmahal ng bago.

Rey has been on my mind, after all those years.

Magkasama kaya sila ng baby namin ngayon? Paulit-ulit ko na rin 'yang tinatanong sa sarili ko.

Umiling na lamang ako sa kawalan at naglakad papasok sa loob, dumiretso ako sa kwarto ko at hiniga ang sarili sa kama.

Babalik na ako sa Pilipinas. . . Aminin ko man o hindi, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari. Kinakabahan ako dahil alam kong maraming ala-ala ang babalik nanaman sa akin, at sa uulitin ay masasaktan nanaman ako.

But it's also a good choice, I don't want to run away anymore. Anong makukuha ko kung pilit kong tinatakbuhan ang nakaraan? Maybe it's really my time to face everything.

* * *

ONE week had passed. Inaayos ko ang aking malaking maleta, tinulungan ako ni Salde na dalhin ito hanggang sa kotse. Ngayon ang araw nang alis namin papuntang Pilipinas.

Sasama sa akin si Salde, habang si Mommy naman ay maiiwan. Pero susunod siya next week, may kailangan lang siyang asikasuhin.

"Take care, hija." Hinalikan niya ako sa pisnge at mahigpit akong niyakap. Hindi na raw siya sasama sa airport dahil baka umiyak lang siya, as if mag a-abroad ako! Or matagal kaming magkakahiwalay!

"Magkikita po tayo next week," paalala ko sabay tawa.

"I know. Mamimiss pa rin kita! Salde, take care of my daugther. . ." Baling niya kay Salde na mabilis namang tumango at pinagbuksan ako ng pinto.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon