Juday Point Of View
Halos mabitawan ko ang hawak na newspaper, bumabagal rin ang paghinga ko, lalo na nang maramdaman ang pamilyar na presensya mula sa aking likuran.
"Juday..." tuloyan kong nabitawan ang hawak ko dahil sa malamig niyang boses. Dahan-dahan ko siyang hinarap na bakas pa rin sa mukha ang gulat.
H-He's a wanted man? Murderer?
Nang malingon na siya ay diretso lamang ang tingin niya sa newspaper na nabitawan ko. Wala ring lumalabas na salita sa bibig ko dahil pakiramdam ko'y bumara sa aking lalamunan ang napakalaking bagay.
"R-Rey..." I uttered his name. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa newspaper. Mukhang alam niyang nakita ko ang nilalaman n'on. Kalaunan ay unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin.
Walang emosyon ang kanyang mukha ngunit ramdam ko ang panunuri niya sa akin.
Nang humakbang siya papalapit sa pwesto ko ay napaatras naman ako, at nakita niya ang naging aksyon ko kung kaya't tumigil siya sa paghakbang at muli akong tinignan.
"What are you doing here?" Tanong niya, nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Pinilit ko ang sariling kumalma kahit halos sumabog na ang puso ko.
Tumikhim ako. "Tatawagin lang sana kita, p-para kumain... nakahanda na sa baba ang agahan natin, wala ka sa kwarto mo kanina, kaya dumiretso ako rito... at..." hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko.
Bumaba lamang ang tingin ko sa newspaper na ngayon ay naapakan ko na pala.
Muli kong inangat ang tingin ko kay Rey at nakita ko kung paanong gumalaw ang kanyang panga, pagkatapos ay humakbang siyang muli papalapit sa akin.
Gustohin ko mang umatras ngunit naramdaman ko na ang matigas na lamesa sa likuran ko. Wala akong ibang magawa kundi salubingin ang titig ni Rey.
Marahan niyang hinila ang kamay ko at hinapit ang aking bewang, nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya.
Humigpit ang hawak ng isang kamay niyang nasa pulsohan ko, habang ang kabila niyang kamay ay nakapulupot pa rin sa bewang ko.
"Anong nakita mo?" Nagsi-tayuan ang balahibo ko nang maramdaman ang init ng hininga niya sa may tuktok ng tenga ko.
Gusto kong sapukin ang sarili ko, dahil kahit nasa ganito kaming sitwasyon ay hindi ko maiwasang makiliti, lalo na nang dumampi ang labi niya sa tenga ko.
"R-Rey... ano..." nabubulol ako.
Ayaw magpatuloy ng dila ko, para akong nilalamon nang presensya ni Rey. Halos makalimutan ko na nga kung anong dahilan at ganito ang sitwasyon namin ngayon.
He's a murderer! Iyon ang sinasabi ng nasa newspaper. The most wanted man!
"Base sa nakita mo, naniniwala ka ba?" Muli siyang nagtanong. Ganoon pa rin ang posisyon namin. Para lang akong posteng nakatayo dahil pati paghinga ko'y pinigilan ko na rin.
Naniniwala ba ako? Rey is a kind man... hindi niya magagawa ang bagay na 'yon! Pero sa tuwing maalala ko ang mga aksyon niya simula noong una pa lang naming pagkikita, parang nagdadalawang-isip ako.
Una na ro'n, ang pagtatago niya... bakit siya nagtatago? Bakit siya natatakot na makita ng ibang tao? Ito ba 'yung sagot? Dahil may pinagtataguan siya?
I know I shouldn't doubt him! Pero hindi ko maiwasan... lalo na't may mga aksyon rin siya na hindi ko lubos maintindihan. Alam kong dapat hindi ako magpapaniwala agad sa mga nakikita ko, pero may pagdududa sa akin.
Nagtatalo ang isip ko ngayon. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko, girlfriend niya ako, kaya dapat mas kilala ko siya.
But I remember, hindi ko pa pala ganoon kakilala si Rey. Never siyang nagkwento sa akin ang tungkol sa tatay niya.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
De TodoAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...