Juday Point Of View
Patuloy na umaagos ang luha galing sa mata ko. Mahigpit ko ring hinawakan ang kamay ni Rey dahil nagpumilit siyang pumasok sa loob.
"Nasa hospital na siya at inaasikaso ang katawan niya." 'Yon ang sinabi sa amin ng pulis. Nakatulala lang sa kawalan si Rey, namumula ang kanyang mga mata at nakakuyom ang kanyang kamao.
"R-Rey dumiretso na tayo sa hospital kung nasaan si Tita," untag ko sa kanya. Umangat ang tingin niya sa akin at dahan-dahang tumango.
Bumalik kami sa kotse niya habang nakasunod pa rin sa amin si Alice. Mukhang wala itong balak na humiwalay sa amin, nauna pa nga itong sumakay sa backseat ng kotse.
Tahimik kong hinahaplos ang isang kamay ni Rey na nakapatong sa kamay ko, ang isang kamay ay kumo-kontrol sa manibela. Hanggang sa marating namin ang hospital.
Unang lumabas si Alice, pumasok na rin ito sa loob. May iilang reporters akong nakita sa labas ng malaking hospital, at nang makita ang sasakyan ni Rey ay parang nakilala nila kung sino ang may-ari nito.
Agaran silang lumapit nang lumabas kami ni Rey. Tinakpan ko pa ang mukha ko dahil hindi ako sanay sa camera. Lalo na sa mga taong hindi pamilyar sa akin.
Rey held my hands, bumangga ako sa dibdib niya, at siya na mismo ang nagtakip sa akin. Binalewala niya ang mga panunuyang tanong ng reporters at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang makapasok kami sa hospital. Dumiretso kami sa murgue. Ramdam ko rin ang pag-bagal ng hakbang ni Rey habang papalapit kami.
"Rey. . . Nandito lang ako," bulong ko sa kanya at pinisil ang kamay niya.
"N-Nasa loob si Tita," sinalubong kami ni Alice. Kagagaling niya lang sa loob ng murgue. Hindi naman siya pinansin ni Rey.
"Dito na lang muna ako sa labas, Rey, you can take your time," marahan siyang tumango at bumitaw sa kamay ko. Naiwan kani ni Alice nang pumasok na si Rey sa loob ng murgue.
Alam kong subrang nasasaktan si Rey ngayon. Alam ko rin ang pakiramdam, dahil namatayan na rin ako ng magulang, at mga kapatid. Alam ko ang pakiramdam nang pagpasok sa murgue, dahil ilang ulit ko iyong naranasan.
Sa bawat pagtungtong ko sa murgue para rin akong nawawasak, ang buong pagkatao ko, para akong pinipino-pino ng sakit. At ganoon rin ang nararamdaman ni Rey ngayon.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa Ina. Kaya't mahirap sa kanyang malaman ang sinapit nito.
Ayon sa paliwanag ng mga pulis. Nagwala si Tita sa loob ng kulungan. Marahil hindi na ito nakainom ng gamot niya, dahil sa nangyari inaluhan siya ng mga pulis, mabilis raw ang pangyayari, nakuha ni Tita ang isang baril at mabilis itong tinutok sa kanyang sarili.
Pangalan ni Rey ang binibigkas niya, bago tuloyang barilin ang sarili.
Imagine how painful is that, lalo na kay Rey.
"I feel bad for him," nabaling ang tingin ko nang magsalita si Alice na nasa gilid ko. "He's my friend. But I admit that I liked him, mabait rin si Tita Jenfer sa akin, lalo na noong pumupunta ako sa kanila. I know that I made a big mistake when I betrayed them. Nasilaw ako sa pera, which is very stupid of mine."
"Bakit mo sinasabi 'yan sa akin?" Takang tanong ko. Hilaw siyang ngumiti.
"Gusto ko lang. . . Kayo? Saan kayo nagkakilala? Doon ba sa lugar kung saan nagtago sila Rey?" Bumagsak lang ang tingin ko sa sahig at hindi siya sinagot. "Until now, I still can't believe that you're his girlfriend."
"'Yon ang totoo, maniwala ka man o hindi." Tinalikuran ko na siya pagkatapos ko 'yong sabihin.
Sumunod ako kay Rey, pagka-pasok sa murgue ay nakita kong yakap-yakap niya ang walang buhay na katawan ni Tita Jenfer. Nakatayo lang ako hindi kalayuan sa pwesto niya at hinayaan na muna siyang umiyak.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...