Kabanata 1

911 29 7
                                    

Juday Point Of View

"Aba! Senyorita Juday! Gumising kana ho, at baka matuluyan ka na riyan sa pagtulog mo!" Humalagapak ang malakas na sigaw ni Mama Irene. Sa tono pa lang ng boses nito ay halatang umaapoy nanaman siya sa galit.

Dalawang beses akong napahikab at kinamot ang aking ulo bago tumayo mula sa aking pagkakahiga. Hinagilap agad ng kamay ko ang pinto ng kwarto.

"Mama," aniya ko nang makitang nakapamewang ito sa harapan ng kwarto ko.

"Ang lakas rin ng loob mong tawagin ako! Anong oras na, huh!? Gusto mo pa talagang magpa-asikaso sa akin!" Napasimangot ako. Gusto ko na lang takpan ang dalawang tenga ko dahil mukhang tatadtarin niya ako ng sermon.

"Pa feeling kasi 'yan Mama! Hoy, Juday! Huwag kang sasabay sa akin ngayon, ah?" Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi ng aking nakakatandang kapatid.

Isang taon lang naman ang agwat namin sa isa't-isa. Siya si Celine Rubby Lagroza, Cibby ang kadalasang tinatawag namin sa kanya.

Palagi namang mainit ang dugo sa akin ni Mama at ni Celine. Pero imbes na pagtuonan iyon ng pansin ay mas pinili ko na lang manahik.

Diyes anyos pa lang ako, para saan pa't i stress-sen ko ang sarili ko?

"Opo ate, hindi ako sasabay..." mahinang bulong ko.

Palagi naman talaga akong hindi sumasabay sa kanya. May isang motorcycle kasi kami na pagmamay-ari ni Papa Josef, tuwing umaga ay hinahatid kami nito sa paaralan kung saan kami pumapasok.

Ngunit kadalasan naman akong hindi sumasabay, pinipili kong magpahuli dahil iyon ang gusto ng kapatid ko. Ayaw niyang sumabay ako sa kanya, marahil kinakahiya niya ako bilang kapatid niya. Kahit pa man alam ng buong barangay ka magkadugo kaming dalawa.

Pilit ko naman iniintindi ang pamilyang meron ako. Anak kasi ako ni Papa sa labas. Kaya naiintindihan ko kung bakit mainit ang ulo ng asawa ni Papa sa akin, si Mama Irene. Siguradong masakit sa parte niya ang araw-araw akong makita dahil naalala niya ang pagtataksil ng Papa ko.

Kaya naman, kahit gaano pa kapangit ang trato nila sa akin, mataas pa rin ang respeto ko sa kanila. Dahil tinaggap pa rin nila ako rito sa bahay nila, pinakain, binihisan, at pinag-aral. Doon pa lang malaki na ang pasasalamat ko.

"Magluto ka ng sarili mong ulam, Juday, nakalimutan kong magluto ng para sa 'yo." Si Mama na ngayon ay naghahanda na ng pagkain sa lamesa.

"Opo," sagot ko at dumiretso sa kusina. Kumuha lang ako ng isang itlog sa maliit naming ref, at nang mapansing wala na palang mantika ay napabuntong-hininga ako.

Lalabas pa ba ako at bibili? Pero wala na akong oras!

Hindi na lang muna siguro ako kakain! Lumabas ako ng kusina at naglakad pabalik sa kwarto ko para kumuha ng towel at makaligo na.

"Ate Chuday! Goowmowning!" Sigaw ni Dodoy ang nagpatigil sa akin. Ang bunso kong kapatid, o sabihin na nating half brother ko. Tatlong taon pa lang ito, at sa lahat ng tao rito sa bahay, siya lang ata ang nagparamdam sa akin na welcome ako.

"Hi, Dodoy! Good morning," pinisil ko ang ilong nito dahilan nang mahina niyang paghagikhik.

"Dodoy! Halika na rito at kumain," boses ulit ni Mama.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon