Kabanata 22

295 18 0
                                    

Juday Point Of View

Binalik ko ang tingin kay Salde at hindi pinahalata ang pagkabalisa ng aking mukha. Bakit siya nandito!? Sumunod ba siya sa akin!? Alam ba niyang delikado para sa kanya ang lumabas!?

Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka may makakita nanaman sa kanya. At natatakot rin ako dahil baka ibang ideya ang makuha niya dahil nakita niyang may kasama akong isang pulis.

"Kailangan ko na pa lang umalis, may kailangan pa akong gawin. Pasensya na," hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na naglakad papaalis.

"Juday! Saan ka pupunta!?" Rinig kong tawag ni Hopia sa akin. Kinaway ko lang ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa pwesto ni Rey.

Muli ko siyang hinagilap at saktong nagtama ang tingin naming dalawa. Tumakbo agad ako at mabilis siyang hinila papalabas ng palengke, mabuti na lang at hindi siya umangal, gaya ng palagi niyang pustora, may suot ulit siyang cap at black shades.

Tumigil kami sa may iskinita kung saan wala masyadong tao ang dumadaan. Habol-habol ko ang hininga nang tumigil kami sa pagtakbo. Nakahawak pa rin ako sa kamay niya.

"Bakit ka lumabas!? Delikado Rey!" Sigaw ko.

Kung noon ay palagi akong umaasa na sana lumabas si Rey sa kanila, pwes ngayon parang natatakot na ako. Baliw man ako sa paningin ng iba, ngunit kahit kailan hindi ko tatalikuran si Rey dahil sa mga nalaman ko.

I know he had a reasons. At alam kong maiintindihan ko ang rason niya. Kaya hanggat kaya kong protektahan siya at si Tita Jenfer ay gagawin ko. Sila na lang ang meron ako. Sila 'yong nandoon sa mga oras na walang-wala ako. At higit sa lahat, hindi sila naniwala sa ibinentang sa akin ng mga tao.

Naniwala sila sa akin. Nagtiwala sila sa akin. At kagaya nila, maniniwala rin ako at magtitiwala sa kanya. Isa pa, hindi maganda ang kalagayan ni Tita Jenfer sa mga nakalipas na araw.

"Why are you with him?" 'Yon agad ang tanong niya sa akin. Nabalik ako sa aking wesyo at tinignan siya. Kahit may shades siyang suot, alam ko pa ring nakatingin siya sa akin.

"Nagkataon lang na nagkita kami, si Hopia talaga ang sadya ko. Tapos bigla siyang dumating, kaya medyo nagka-usap rin kami. . ." paliwanag ko. Tinanggal niya ang suot niyang shades ngunit mabilis ko 'yung binalik. "Anong ginagawa mo!? Baka may makakita sa 'yo!" Bakas sa boses ko ang pagkabalisa.

"Sinundan lang kita, Juday. Nag-alala ako, hindi ako mapakali, I thought you're going to leave me. . ." humina ang boses niya at mabilis na yumuko.

"Walang aalis Rey. . . umuwi na tayo, baka hinahanap ka na ni Tita," mahina siyang tumango at siya naman ang humila sa akin papunta sa kotse niya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sinuot sa akin ang seatbelt bago siya umikot at sumakay sa driver seat. Diretso lang ang tingin ko sa kalsada habang nagsisimula siyang magmaneho.

"Nakausap ko si Salde. . . i-ikaw ang hinahanap nila, kaya mas lalong delikado Rey. Siguro huwag ka na munang lumabas ulit, may nagsabi pa naman sa kanila na, nakita ka nila dito sa Barangay Talak! Kaya mas lalong delikado ang sitwasyon mo. . ." malalim akong huminga.

Ramdam ko ang pag sulyap ni Rey sa pwesto ko. Kahit hindi ko siya tinitignan, nakikita ko naman siya sa gilid ng mata ko. Hinaplos niya ang kamay kong nakapatong sa aking hita, habang ang isa niyang kamay ay ang kumo-kontrol sa manibela.

"Don't worry. . . Nag-iingat ako, Judie. . ." aniya at bahagyang pinisil ang kamay ko. "I know this is not the time to say this, but Judie, nagseselos ako. It's look like you're close to him, you even called him by his name."

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon