Juday Point Of View
Mariin ang tingin niya sa akin habang sumisigaw ang galit sa kanyang mga mata. Saglit akong napahinto bago humakbang papalapit sa kanya.
"C-Cibby. . ." Aabutin ko sana ang kamay niya ngunit mabilis siyang lumayo sa akin. Ngayon ay namumuo na ang luha sa kanyang mata.
"Hayop ka talaga, Juday! Alam mong gusto ko 'yung tao 'di ba!? Tapos anong ginawa mo, ha!? Nilandi mo! Malandi ka!" Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. "Ano? Hindi ka makasagot kasi tama ako!? Malandi ka!"
"Hindi ako malandi! Kahit kailan wala akong nilandi, Cibby!" Protekta ko sa aking sarili. Matinis siyang tumawa.
"Talaga? Eh anong ibig-sabihin ng mga nakita ko kanina, ha!? Nakita ko kayo! Sa palengke, ano 'yon Juday? Hindi ka malandi sa lagay na 'yon!? Gusto ko si Rey, at nang malaman mo nilandi mo siya!" Kinuyom ko ang aking kamao.
Sawang-sawa na akong marinig ang salitang 'yon. Malandi, kahit kailan hindi ako naging malandi! Hindi ko nilandi si Rey para lang gustohin niya ako! Nakakababa ng sarili ang mga binabato sa akin ni Cibby.
Sapat at tama na sa akin ang batuhin ako ni Tita Irene ng salitang 'yon, pero pati ba naman si Cibby? Ganoon na rin ang tingin sa akin?
Gusto ko si Rey, malandi na ba ako pag-ganoon? Bawal na ba akong magkagusto!?
Muntik na kaming maging maayos ngunit mukhang dito rin masisira ang lahat. . . At inaasahan kong ganito ang mangyayari, alam kong sa oras na malaman ni Cibby ay magagalit siya sa akin. Ang hindi ko lang inasahan ay ang mga salitang binato niya sa akin.
"Gusto ko rin siya Cibby. . . Hindi ko siya basta nilandi lang, nagustuhan ko na siya bago mo pa sabihin sa akin ang nararamdaman mo para sa kanya!" Muli siyang lumapit sa akin at sa dalawang pagkakataon ay sinampal niya ako.
"Ingrata ka! Kaya hindi ako magustuhan ni Rey dahil sa 'yo! Ginayuma mo siya? Ano! Wala akong makitang dahilan para gustohin ka ni Rey, sa ating dalawa mas lamang ako sa 'yo!"
Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ko na 'yon problema Cibby, inamin sa akin ni Rey na gusto niya rin ako, at sapat na 'yung dahilan para ipaglaban ko ang kung anong mayroon sa aming dalawa." Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.
Akmang sasampalin niya ulit ako nang mabilis kong mapigilan ang kanyang kamay.
"Walanghiya ka! Sa tingin mo talaga se-seryosohin ka ni Rey? Ang isang katulad mo? Nasubukan mo na bang mag muni-muni sa salamin Juday? Kasi kung hindi pa, bakit hindi mo i-try? Tumingin ka sa salamin at pakatitigan mo 'yang mukha mo! Tanungin mo sa sarili mo kung magugustuhan ka ba talaga ni Rey sa itsura mong 'yan?" Pinahid niya ang namuong luha sa kanyang mata.
Nag-tiim bagang naman ako dahil sa mga sinabi niya. Oo Cibby, ilang ulit na akong nag muni-muni sa salamin, at masasabi ko ngang hindi ako ganoon kaganda, hindi ako 'yung tipo ng babaeng madaling magustuhan ng isang lalaki.
Pero si Rey, siya ang nagpatunay sa akin na kahit ano pang itsura ko, na kahit hindi naman ako kagandahan, may magkakagusto pa rin sa akin nang bukal sa puso! Si Rey lang! Sa kanya lang!
"Tigyawat lang naman ang nasa mukha ko Cibby, ano naman 'di ba? Walang kaso 'yon kay Rey, kaya bakit kita pakikinggan?" Mapakla siyang tumawa na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Natuto ka nang sumagot sa akin ngayon!?"
"Oo dahil kailangan Cibby! Sawang-sawa na akong malait! Sawang-sawa na akong makatanggap nang masasakit na salita galing sa inyo! Sawa na akong magpakababa! Sawa na akong maapakan! Sawa na akong pakinggan kayo! Kahit ngayon lang Cibby, gusto kong ipaglaban ang sarili ko! Ang kung anong gusto ko!" Ilang taon. . . Ilang taon na akong nanahimik.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...