Juday Point Of View
Nakataas pa rin ang kilay nito, halatang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ko. Tinignan niya ako na para bang isa akong walang kwentang tao, at para bang isa akong baliw.
"What? What the hell. . ." Aniya. Binalik niya ang tingin kay Rey. "Sino 'to?"
"Hindi mo narinig ang sinabi niya? She's my girlfriend, Alice. So now, get out of here," mabilis na umiling ang babae at tumakbo papasok sa loob. Dumiretso ito sa may sofa at umupo.
Mahina akong napasinghap dahil sa ginawa nito. Parang sanay na sanay siya dito ah? At bakit parang wala lang sa kanya ang mga ginawa niya kina Rey?
"Alam kong hindi maganda ang huli nating interaksyon, Rey. And I'm very sorry for what I did, noong mga panahong 'yon, kailangan ko talaga ng pera. Kaya hindi ko sinadyang ituro kayo sa mga pulis-"
"I don't need to hear your explanation Alice. Umalis ka sa condo ko," matigas ang tono ng boses ni Rey. Habang nakatayo lang ako sa may pinto, hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ng babae.
"C'mon. We're friends for almost 3 years! Ang tingin nga ng lahat sa atin ay mag boyfriend and girlfriend, pati na rin si Tita Jenfer right? Anyway, I feel bad for what happened. Hindi ko alam na si Tita pala. . . Nakita ko lang din sa news. Kaya nagmadali akong pumunta rito, and I'm right! Nandito ka nga!"
Matagal na katahimikan ang namuo sa pagitan naming tatlo. Wala rin akong masabi, pero sa kaloob-looban ko'y naiinis ako. Parang gusto kong manakal ng tao, sa hindi malamang dahilan.
"Judie. . ." Agaw ni Rey sa pansin ko.
"Tulog na ako," tanging sinabi ko at mabilis na naglakad pabalik sa kwarto niya. Nalagpasan ko ang babaeng nasa sofa, tumingin din siya sa akin habang nakataas pa rin ang kilay.
Ako na lang ang umiwas at diretsong pumasok sa kwarto. Padabog kong sinara ang pinto at tinapon ang sarili ko sa kama.
Mananatili ba ang babaeng 'yon rito? Parang feel at home pa siya? Ano dito rin ba siya matutulog?
Inis kong pinaghahampas ang kamay ko sa unan. Tumigil lang ako nang marinig ang pag-bukas ng pinto, kahit hindi ako lumingon o tignan ang pumasok, alam ko pa rin kung sino ito.
"Juday. . ." Malumanay niyang tawag sa akin. Wala akong kibo at pilit na pinikit ang mata ko. "Pinaalis ko na, she's not here anymore."
Dahan-dahan akong dumilat, medyo umayos ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Ngunit nanatili akong nakahiga at hindi siya binabalingan ng tingin.
"I know you're not asleep," wala pa rin akong sagot. Maya-maya pa ay ramdam ko ang pag-alon ng kama, mukhang umupo siya sa may gilid. "Our food is almost done. . ." Nanlaki ang mata ko nang bumulong siya sa akin.
Mainit na hininga niya ang naramdaman ko sa gilid ng aking tenga. Hanggang sa ipulupot niya ang kanyang braso sa aking bewang at hinarap ako sa kanya. Pinikit ko naman agad ang mata ko.
"Juday. . . I'm sorry, hindi ko alam na pupunta siya. I didn't expect that she still had the confidence to come here." Siniksik niya ang mukha sa leeg ko at ilang ulit akong hinalikan doon.
Pinigilan ko ang sariling lumunok dahil sigurado akong mabibisto niya ako. Kaso lang masyadong malakas talaga ang epekto niya sa akin!
Hindi ko na mapigilang lumunok daihil sa kiliting binibigay niya sa akin.
Naramdaman niya 'yon kaya umangat ang tingin niya sa akin. Nakamulat na rin ang mata ko ngunit hindi ko siya tinitignan.
"K-Kain na tayo. . ." 'Yon lang ang lumabas sa bibig ko. Ngunit imbes na bitawan ako'y mas lalo niyang siniksik ang mukha sa aking leeg at ilang ulit akong hinalikan doon. "R-Rey. . ."
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)
RandomAng sabi nila, umiikot raw ang buhay ng isang tao, minsan masaya, minsan malungkot, at minsan naman, miserable. Ngunit bakit tila pinaglalaruan ang buhay ni Juday? Bakit parang hindi naman umiikot ang buhay niya? Palagi siyang nasa bingit nang kalun...