Kabanata 8

350 18 7
                                    

Juday Point Of View

Wala ako sa aking sarili habang nagbabasa ng libro rito sa loob ng library. Alas diyes na nang gabi at kakatapos lang ng aking klase, dumiretso ako sa library para makapag advance reading.

Kaso ilang minuto na akong nagbabasa pero walang pumapasok sa utak ko. Bumabalik lang sa akin ang mga sinabi ni Rey nang gabing 'yon. Dalawang araw na kasi ang nakalipas.

Seryoso ba siya sa sinabi niya? Irereto niya ang sarili sa akin? Sa isang katulad ko? Ano 'yun prank? Joke-joke lang? Biro-biro ganoon?

Wala na akong maisip na tama nitong nagdaang dalawang araw dahil palaging ginugulo ng mga salita niya ang utak ko. Inaamin ko rin na medyo kumalabog ang puso ko nang sabihin niya 'yon sa akin, at sa totoo lang nakakatakot. . . Nakakatakot ma-attach sa isang taong hindi mo alam kung seryoso nga ba.

"Uy, Juday. Nandito pala ang pangit," umangat ang tingin ko kay Tanya na ngayon ay kasama ang dalawang kaibigan niyang si Gigi at Gaga. At sa paraan pa lang nang pagtawag nila sa akin, mukhang bullying nanaman ang aabutin ko.

"Ito ba 'yung kapatid ni Cibby?" Sabay turo ni Gaga sa akin. Kaharap niya ngayon si Gigi na mabilis tumango.

"Oo siya nga, parehas lang sila ni Cibby na malandi! Kaya dapat hindi natin palagpasin ang babaeng 'yan, kahit pangit basta malandi mapapasuko talaga ang lalaki." Si Gigi, mabilis silang nagtawanan tatlo.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Matamlay kong tanong sa kanila. Sa pagkakaalam ko'y kaaway ni Cibby ang tatlong 'to. At mukhang night student rin sila katulad ko.

"'Yung kapatid mong malandi, i-harap mo sa amin. Sabihan mong huwag niya kaming pagtataguan!" Sigaw ni Tanya. Wala nang ibang tao sa loob ng library kundi kaming apat lang.

Actually may librarian sa dulo, kaso mukhang tulog pa sa tulog dahil hindi man lang nagigising sa ingay na dulot namin.

Uminit bigla ang ulo ko dahil sa sinabi ni Tanya. Alam kong wala kami sa magandang kondisyon ni Cibby, pero ayokong sabihan siya nang malandi. Kasi alam ko ang pakiramdam na makatanggap nang ganoong salita.

"Pwede ba? Tumigil na kayo? At kung wala kayong ibang gagawin dito ay umalis na lang kayo." Sumimangot ako at mabilis na binalik ang tingin sa binabasa kong libro.

Malakas na suminghap si Gaga. "Aba! Akala mo kung sino, alam mo ba kung gaano kalandi 'yang kapatid mo?" Padabog akong tumayo at hinarap si Gaga.

"Tigilan mo ang kasasabi sa kanya nang malandi!"

"Bakit totoo naman ah!" Sumabat si Tanya. "'Yang kapatid mo hindi lang malandi, ahas rin! Alam mo kung bakit? Inagaw niya lang naman 'yung boyfriend ni Gigi! Masyado kasing inggitera 'yang kapatid mo!"

"Tumahimik ka! Kung may away kayong apat huwag niyo akong dinadamay, at pwede ba? Maghunos-dili kayo!" Kinuha ko ang mga librong babasahin ko sana at binalik iyon sa lalagyan.

"Kaya nga sabihan mo 'yang kapatid mo na huwag kaming pagtataguan!" Pahabol na sigaw ni Gigi. Umirap ako sa kawalan at mabilis na lumabas doon.

Pagod akong naglakad papauwi. Malalim na ang gabi kaya mahirap nang makahanap ng tricycle, kaya naman naglakad na lang ako. Kaunting tiis na lang ay ga-graduate na ako ng Senior High.

Nang malapit na akong makarating sa bahay ay saglit akong natigilan nang matanaw si Cibby na may kahalikang lalaki! Mabilis akong nagtago sa isang sulok at marahang sumilip. Gusto kong masiguro kung si Cibby nga ba ito.

Hindi ako nagkamali. Mula pa lang sa suot na damit nito hanggang sa kanyang matataas na heels ay alam ko na agad na siya 'yon! Lumipat ang tingin ko sa lalaking kahalikan niya.

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon