Kabanata 9

326 14 3
                                    

Juday Point Of View

Para akong tangang nakangiti habang ang tingin ay diretso sa kisame ng aking kwarto. Kakatapos ko lang mag half-bath at heto ako ngayon, nakahiga sa aking kama.

Buong araw ay para lamang akong tanga sa palengke dahil hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Magulo mang isipin ngunit pakiramdam ko'y may gusto ako kay Rey.

I'm not aware when, why, where. Kung kailangan ko siya nagustuhan, bakit ko siya nagustuhan, at kung saan ako nagsimulang makaramdam nang ganito. Ang lakas ng impact ni Rey sa akin, na hindi ko namalayang tumitibok na pala ang puso ko para sa kanya.

Maagap akong tumayo mula sa aking pagkakahiga at nag desisyong bumaba muna, hindi ako makatulog, masyado akong masaya sa nangyari sa araw na 'to.

Habang naglalakad ako pababa ay nakahawak rin ang isang kamay ko sa aking labi. Naalala ko lang naman na hinalikan niya pala ako! First kiss ko 'yon at hindi ko inaasahang ganoon pala ang pakiramdam nang mahalikan?

"Para kang tanga r'yan." Natinag lamang ako nang marinig ang isang boses. Nasa dulo na pala ako ng hagdan at si Cibby ay nakapamewang habang nakatingin sa akin. Kunot rin ang kanyang noo, halatang nagtataka.

"Oh, Cibby? Hindi ka pa pala natutulog. . ." Humalukipkip ito at mataman akong inirapan. Sanay naman ako sa kagaga-ganyan niya, isa pa mas bumuti ang pakiramdam ko sa pagitan naming dalawa.

"Obvious ba? Oo nga pala, may i-dedeliver ka ulit bukas kina Rey?" Natigilan ako sa tanong niya. Bumagabag pala sa akin ang relasyon ni Cibby kay Rey, pero sinabi naman nito na walang namagitan sa kanila ng kapatid ko.

Ang tanong, ganoon rin kaya kay Cibby?

"Oo, meron," sagot ko. Marahan siyang tumango kasabay nang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Noo ko naman ang kumunot dahil sa reaskyon niya.

"Ako na maghahatid bukas,"

"W-Wala kang klase bukas? Malapit na ang final exam niyo 'di ba?" Umiling siya.

"Meron naman, pero kaya ng oras ko kaya ako na ang maghahatid. Para na rin madalaw ko si Rey," dahil sa sinabi niya'y parang nakumpirma ko nga ang aking kutob.

"M-May namamagitan sa inyo ng anak ni Tita Jenfer?" Tanong ko, pinanliitan niya ako ng mata.

"Tita Jenfer? Tinatawag mo na rin siyang ganoon?" Halatang hindi siya makapaniwala. Ano namang problema 'di ba kung ganoon nga ang tawag ko sa Ina ni Rey?

"Oo. . . 'Yun kasi ang sabi ni Tita," nawala ang ngiti sa kanyang labi at mabilis akong inismiran.

"Anyway, yes. I like Rey, siya talaga 'yung gusto ko Juday. Dahil sa sinabi mo sa akin noong nakaraang gabi mas lalong lumakas ang loob kong i-pursue si Rey, kasi tama ka, maganda ako at matalino. Hindi ko deserve ang mga katulad ng boyfriend ni Gigi, kaya pinutol ko na ang koneksiyon ko sa lalaking 'yon." Mahabang aniya.

Para akong nabunutan ng tinik. Gusto niya si Rey?

"Kaya salamat sa 'yo Juday, I cleared my mind. I want Rey, susuko na sana ako sa kanya, but your words motivate me. Somehow, pinalakas mo ang loob ko." Pagkatapos niya iyong bitawan mula sa kanyang bibig ay mabilis na siyang tumalikod.

Naiwan akong tulala sa kawalan.

Pasuko na sana siya, pero dahil sa sinabi ko pinili niyang mag pursige para makuha si Rey. Ganoon ba ang ibig niyang sabihin? So, parang kasalanan ko pa kung bakit. . . Kung bakit ginusto niya ng lubos si Rey?

Nakakatawa naman. . . Nakakatawa pero sa totoo lang ay natatakot ako, dahil alam ko sa sarili kong may kakaibang nararamdaman rin ako para kay Rey. . . Nakakatakot dahil alam kong may gusto na rin ako sa kanya!

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon