Kabanata 6

364 23 12
                                    

Juday Point Of View

Kirot sa ulo ang agad kong naramdaman, hindi ko pa nadidilat ang mga mata ko pero ramdam ko na ang sakit sa aking buong katawan. Nang maka-ipon ng lakas ay unti-unting kong dinilat ang mga mata ko.

Nasaan ako? Oo nga pala! Hinabol ako no'ng multo kanina! Hindi kaya nakuha niya ako, at dinala sa kampo niya? Buhay pa ba ako? Baka kaluluwa na lang ako?

Gustohin ko mang gumalaw ay ayaw makisama ng katawan ko. Mukhang napuruhan ata dahil sa pagkahulog ko sa hagdan!

"Don't move, you're just hurting yourself more," s-sino 'yon? May nagsalita! "And I'm not multo Juday, so stop scaring yourself." Pinalibot ko ang tingin sa kung nasan ako ngayon.

Kulay itim na kisame na may kaunting combination ng kulay puti, malambot rin ang hinihigaan ko at amoy na amoy ko ang hindi pamilyar na pabango pero maganda siya sa ilong.

"N-Nasaan ako? At sino ka!?"

"Nahulog ka kanina sa hagdan at nawalan ng malay. You're in my room, Jud." Inangat ko ang kamay papunta sa ulo ko. Paano ko ba 'to iintindihin? Nabo-bobo ako! Bakit niya alam ang pangalan ko?

Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan. "Is she awake? Okay lang ba siya?" Boses iyon ni Ma'am Jenfer! Ibig-sabihin nandito pa rin ako sa bahay niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko'y tuloyan na akong natangay no'ng multo.

"She's awake, Mom, but I bet she can't easily move her body. I want to call a doctor," ngumiwi ako dahil sa narinig.

"Doctor!? Nako huwag na po, ayos lang naman po ako! Siguro na shocked lang po 'yung katawan ko kaya hindi ako masyadong makagalaw! Pero ayos lang po talaga ako. . ." Napalunok ako nang lumapit sa akin ang pamilyar na presensya.

"Don't be hardheaded Jud, what if one of your bones was broke?"

Inangat ko ang aking ulo para makita ang mukha ng lalaking nagsasalita, nagtagumpay naman ako, nang tuloyan kong maaninag ang mukha niya ay umawang ang bibig ko.

Sino. . . Sino ang poging 'to?

"Tama ang anak ko Juday, we can't guarantee your health, you also hurt your head, malakas ang tama nito sa sahig." Hinawakan ko ang ulo ko. Wala naman akong bukol kaya ayos na.

"Nako hindi p-po 'yan! Matigas po ang ulo ko gaya nang sabi ng pogi--- I mean ng anak mo po!" Nakakahiya! Sumimplang pa talaga ang dila ko ah? At kailan pa ako nagka-interasado sa isang pogi?

Kahit naman subrang pogi niya wala pa ring pag-asa ang isang katulad ko!

"Sigurado ka ba hija?" Tumango ako. "Ihahanda ko na ang hapunan Rey, sumunod kaagad kayo sa akin para makakain si Juday." Baling nito sa lalaki.

Ito pala ang anak niya! Akala ko babae. . . Lumipat rin ang pansin ko sa kanya, makisig ang katawan at matangkad, maayos ang tupi ng kanyang buhok, may makapal siyang kilay, dumapo ang tingin ko sa kanyang mga mata. . . Pamilyar ito sa akin hindi ko lang alam kong saan ko nakita.

He has a hazel eyes that made him more attractive, may matangos rin siyang ilong; nahiya ang akin. And lastly his dazzling lips, mapupula ito at parang nang-aakit!

"Yes, Mom. Susunod kami," ngumiti ako kay Ma'am Jenfer nang lumabas ito ng kwarto. "Masakit pa rin ba?" Natinag ako nang muli siyang lumapit sa akin habang may hawak-hawak na ice pack.

Napagkamalan kong multo ang poging 'to!? Pinahamak ko pa ang sarili ko! Minsan talaga hindi maiwasang maging tanga, alam kong kayo rin kaya huwag na tayong maging malinis rito!

Maibabalik Pa Ba (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon